LETAF: 12

15 6 0
                                    

YAZI

Wala na talaga akong balak pa na pumasok sa mga susunod pa naming klase. Ngayon, ay hindi ko malaman ang dahilan kung bakit napadpad ako dito sa harap ng tanggapan kung saan ang mga magulang ko ang namamahala.

The Royal Office...

Alam ko sa mga minutong ito ay nasa loob ng malaking silid na iyan ang aking mga magulang. I dont even know the reason if why did they let me entered again in this Academy, did they really care about me? Or they just want me to experience hell again?

Wala akong ginawa. Nanatili lamang akong nakatayo at seryosong nakatitig sa opisinang ito. I know I have the right to open that silver door, pero di ko sinubukang gawin. Nakikita kaya nila ako sa mga oras na ito?

I doubt that... Wala naman talaga silang pakialam sa akin.

Tinalikuran ko na ito at balak nang umalis nang may kamay na pumigil sa akin; It was Shawn...

Marahas kong iwinaksi ang kamay ko mula sa kanya tsaka sya hinarap. He just smiled at me and deym, sobrang naiinis talaga ako whenever he's smiling at me like that.

Walang emosyon ko lamang syang tinitigan.

"What do you want?", I begin.

"Why are you here?", instead of answering me, he shot a question. His face reaction was so amusing, napakabilis magbago ng reaksyon nito. He's just smiling at me then now, he is very serious.

His eyes... his emotionless eyes...

Emotionless

eyes...

Nakalimutan kong sagutin sya at nahumaling ako sa walang emosyon nitong mga mata. It seems like, nakita ko na ito noon at ang mga titig nyang ito ang nakakapagpadala sa akin nang ganitong pakiramdam.

I was longing for this feeling, my body and heart was telling me to hug him and feel his presence, but my mind wont let me to do that.

Thanks to my mind...

Baka kapag niyakap ko sya ngayon ay ayaw ko nang mawalay sa kanya, wait what? Nahihibang kana ba talaga Yazi Shin Hainam?

Scratch that guys~

Tumikhim ito at bumalik bigla sa pagiging masiyahin ang kanyang aura. Napapikit-pikit ako nang maraming beses at napayuko, pilit na itinatago ang emosyong nadama ko sa pagtitig ko sa kanyang mga mata.

Kalauna'y napatitig muli ako sa kanya. Tumawa ito ng pagkalakas-lakas kaya napangiwi ako bigla. Tinalikuran ko sya dahil alam kong wala rin lang patutunguhan ang pakikipag-usap ko sa kanya kung sakali.

Humabol sya at nakisabay sa aking paglalakad.

"Hey, sorry, natawa lang ako sa reaksyon mo", he said. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lamang sa paglalakad habang nakatutok ang mga mata sa daan.

"So, what are you doing infront of the Royal Office? May nais ka bang iparating kay Head Minister Yap ?", he asked. Natigilan ako sa binanggit nya?

Yap? Kailan pa naging Yap ang apilyido namin?

"Y-Yap?", I asked, keeping this doubtness inside me.

"Yes? Siya Si Mr. Greg Yap, the Head Minister of this Academy", he answered confidently.

Nagtatakang inalis ko sa kanya ang aking titig at ipinagpatuloy nang muli ang paglalakad. Napakalayo rin pala ng Royal Office sa gusali ng aming dormitoryo.

Kung gayon ay binago nila ang kanilang apilyido. Ngunit hindi nila binago ang kanilang pangalan. Ano nanamang pakulo ang nais palambutin nang mga mapagmahal kong magulang?

Feohtan HighWhere stories live. Discover now