YAZI
Matapos ang sapilitang pag- anyaya samin ng mga taong ito ay dinala nila kami dito sa 'TSS Office'. Well, nakita ko lang sa labas na Opisina pala nila ito.
Sampu kaming lahat na nandito sa loob ng di kalakihan pero malinis at maaliwalas na silid. Pina- init lang ng tensyong nararamdaman ko sa presensya ng mga miyembro ng TSS.
Shawn, Zion, Hiro and Kiara.
Isama mo pa ang kinaiinisan kong guro.
Tristan Alcantara.
Mukha namang wala ring kaalam- alam ang dalawa pang lalaki na malamang ay sapilitan rin nilang dinala rito.
The other chosen students..
Chadie and Jason.
Bakla pa ata yung isa.
Kanina pa ko nababagot sa paghihintay ng mga sasabihin nila. Ano bang kasiraan nanaman ng ulo ang binabalak mangyari ng mga 'to? Aba't kanina pa sila hindi umiimik.
Tanga kayo ghorl?
Nanatili lamang kaming nakaupo sa kanya- kanya naming kinauupuan na animo'y mga batang nagkakaroon ng isang di naman kaespe- espesyal na pagpupulong. Nakayuko lamang ang mga ito at wari'y nag- iisip ng malalim. Mas naiinis ako sa mga itsura nila.
Parang nakikipag pakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Aba't mga busseettt pala talaga sila e.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya tumayo ako na siyang dahilan ng pagkaagaw ko sa atensyon nilang LAHAT.
Isa- isa kong tinitigan ang mga taong walang pakundangang inistorbo kami kanina sa pagkain. Nang dumako ang tingin ko sa gurong imprente lamang na nakaupo sa kamang nababalutan ng kulay puting tela ay napangisi ako.
Hindi nagbago ang reaksyon niya at nakatitig lang din sa akin na parang sinasabing ituloy ko ang kung ano mang nais kong sabihin.
"Ikaw Alcantara! Hindi ba't magkakaroon pa tayo ng meeting para sa lintik na Music music na yan? We woke up early so that we cannot be late AGAIN on your class but what?? Anong ginagawa mo at nakikipagkumpulan ka sa mga etudyanteng narito?", walang paligoy- ligoy na turan ko sa kanya.
Napansin ko naman na napanganga ang dalawang lalaki na bago lamang ang itsura sa paningin ko, sa kung papaano ko kausapin ang gurong nirerespeto nila.
Napatayo naman si Kiara sa pwesto niya at matalim akong tinitigan.
Bago pa man makapagsalita si Alcantara ay inunahan ito ng babaeng inis na inis sa ugali ko.
Tss. As if I care.
"YOU BITCH! AYUSIN MO ANG PANANALITA MO! HINDI MO KILALA ANG KINAKAUSAP MO", sigaw nitong sita sa akin.
Nilingon ko siya at kitang- kita sa mga mata nito ang inis at galit. Nginisihan ko lamang ito para ipakita na hindi ako naaapektuhan sa kaimbyernahan niya.
Ibang- iba na talaga siya sa Kiarang naging parte ng masasayang araw ko seven years ago.
Ibinalik ko ang tingin ko sa propesor na ito at wala paring pinagbago ang aura niya. Nararamdaman kong kalmado lamang itong nakaupo at nakatingin sa akin.

YOU ARE READING
Feohtan High
Teen FictionEverything takes place around death and life. It talks about blood, trust, reasons, unity, hope, betrayal, tragedy and love. Yazi Shin Hainam was the Great Lady Empress of the Hainam Royal family. She was known for being hard- headed, straight forw...