LETAF: 10

21 7 12
                                    


YAZI

Today is Tuesday at hindi ko na papahintulutang mahuli nanaman kami sa klase. Maaga akong nagising at nagprepare for our 7:30 am class. Ayaw ko ring maulit yung kahapon na pinagtitinginan ng lahat dahil sa binastos ko raw kuno yung Mr. Alcantara na yun.

I got the information that he is our Music teacher from Xandie. At sya rin daw ang Enhancement of Ability Teacher namin. Mahusay na sa musika, mahusay pa sa laban, aba san kapa teh! Kay Mr. Alcantara na! Ano? Jusme kung ano ano nang nilalabas ng bunganga ko.

Tinapos ko na lahat ng dapat kong gawin at dina inabalang kumuha ng kahit na ano except for my ballpen. Ibinulsa ko na lamang ito at lumabas na ng kwarto.

Tinawagan ko si Xan dahil tinatamad na akong dumiretso sa kwarto nila. I dialed her number and in a bit ay sinagot naman nya ito.

"We're here at the cafeteria ghorl, punta kana lang dito, Im with Max. And oops, wag kana magalit, nagutom na kasi kami e", saad nito at inunahan talaga ako.

"No, bat naman ako magagalit diba? Inagahan ko lang naman ang gumising para magkasabay- sabay tayo magbreakfast at pumasok sa class, *fake laugh; hindi talaga ako magagalit", I said in sarcasm tone na nahalata naman ng kausap ko.

"Ahm, mukha ngang dika galit Yaz, sige na lika na dito", kinabahang tugon nito sakin kaya wala akong magagawa kundi ang pumunta sa cafeteria ng mag-isa.

I'm on my way to cafeteria ng biglang may nakisabay sa aking nilalang. Hindi ko nalang sya pinansin kasi baka lalampasan nya rin ako. Pero malapit na ako sa cafeteria ay hindi parin sya umaalis, at napapansin kong palagi nya akong nililingon. Huminto ako para tingnan kung hihinto rin sya at tama nga, he also stopped walking.

Humarap ako sa kanya at humarap din sya sa akin. Nagtataka akong tumingin sa kanya at sinuklian nya lamang ako ng isang ngiti. Aba't nang-iinis ata ang isang 'to.

"Excuse me? Napapansin kong kanina ka pa sumasabay sakin, I stopped then you also did. May gusto ka bang sabihin? Just spill it now kasi nagmamadali ako e", tuloy-tuloy kong asinta sa kanya. He just smiled more kaya napailing na lamang ako. Tsk, walang kwenta.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at ganun rin sya. I stopped once again and he also did. I continue walking and he also walks. Nanggigigil na hinarap ko syang muli. Tinitigan ko sya sa pinakamatalim na paraan pero lintik at todo ngiti lang sya sakin!

"Ano bang gusto mo?", nagtitimping tanong ko rito.

"Actually madami e, Ice tea, Ice cream, Ice cramble, Ice buko, basta may ice?",he laughed.

"Pinaglololoko mo ba ako? ha?", singhal ko sa kanya.

"No? Yes? Ahm, no. You asked me if anong gusto ko, so I told you every food that I love", he simply answered.

I just rolled my eyes at pinagpatuloy na lamang ang paglalakad, baka dahil sa lalaking ito ay malate nanaman kami sa klase. Anyways may isang oras pa naman bago ang class hour namin.

All I thought ay lulubayan na nya ako pero geez, sumabay nanaman sya. Well as if I care. Hahayaan ko na lang sya sa trip nya.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa loob ng cafeteria ay sabay- sabay na lumingon sa gawi namin lahat ng estudyante. I felt a little bit weirdness pero hinayaan ko na lamang. Didiretso na sana ako sa pwesto nila Xandie and Max nang biglang may pumigil sa akin sa pamamagitan ng paghawak nito sa braso ko.

Feohtan HighWhere stories live. Discover now