YAZIHindi ako nakagalaw at parang natuod ako sa kinatatayuan 'ko. Walang ibang laman ang isip 'ko sapagkat tanging ang mga sinabi lamang ng Doktor na ito ang bumabagabag sa loob 'ko.
Ang Head Minister. At ang Head Empress. Nais akong makausap, at isa lang ang ibig-sabihin nito. After how many year's ay muli 'ko na silang makikita.
Handa na'ba ako? Hindi 'ko ito inaasahan. Labis na hindi.
Nabalik lang ako sa ulirat nang yugyugin ako ni Xandie. Animo'y nagising ako sa isang panaginip. Panaginip na ayaw 'ko nang balikan pa.
Pero hindi maaari. Dahil ang panaginip na iyon ay parte ng nakaraan ko. Parte ng buhay 'ko na kailanma'y hindi 'ko matatakasan sapagkat alam 'ko sa sarili 'ko na may mga bagay pa akong hindi nalulutas sa nakaraan.
All I need to do is to face that dream... that past.
"We need to go, Ms. Hainam", blangko ang mga mata 'kong napatitig sa nagsalita.
Pakiramdam ko'y hindi lamang siya ordinaryong Doktor na ginagampanan lamang ang obligasyon niya bilang Doktor. I know that there is more than that. I can feel it.
Napalunok ako bago tumango. Sinulyapan 'ko muna ang mga kaibigan 'ko at pilit na ngumiti sa kanila. Alam 'kong alam nila kung sino ang tunay na ako. Kung ano ang pamilyang kinabibilangan 'ko.
Ngumiti rin sila sa akin ngunit batid 'kong hindi ito buo. May pag- aalinlangan sa likod ng mga ito.
Habang naglalakad patungo sa Royal Office kung nasaan ang Opisina ng Head Minister at Head Empress ay nanatili akong tahimik. Natatandaan 'ko na ito rin ang daan na tinahak 'ko noong unang napadako ako rito.
Nabasag lamang ang katahimikan sa pagitan namin ng Doktor nang magsalita siya.
"Ms. Hainam. Ano'ng nararamdaman mo?", mahinahon ngunit kababakasan ng tindig at otoridad ang boses nito.
Hindi ako sumulyap man lang ngunit sinagot 'ko ang katanungan niya.
"Wala. Wala akong maramdaman", mahinang sagot 'ko.
Bahagya itong tumawa na siyang ikinalingon 'ko sa gawi niya. Nagtataka 'ko siyang tiningnan at nang mapansin nitong nakatingin ako sa kaniya ay kaagad din itong huminto.
"Pasensiya ka na binibini. Sadyang natutuwa lamang ako sayo", saad niya.
Natutuwa? Mukha ba akong clown?
"Hindi. Hindi ka mukhang ganun binibini sapagkat napakaganda mo", napahinto ako sa sinabi niya.
P- paano niya nalaman ang iniisip 'ko?
"Ito ang aking strength Ms. Hainam. Katangi- tanging kakayahan bukod sa kaalaman 'ko patungkol sa medisina", sambit niyang muli.
"Doktor ka hindi 'ba?", tanong 'ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at itinuon muli ang tingin sa daan.
"Tama ka. Isa akong Doktor. Matagal na akong naninilbihan dito bago ka pa man mag- aral sa Akademyang ito".
Hindi ako nagsalita at hinayaan lamang na ituloy niya ang pagsasalaysay.
"Marahil nagtataka ka kung bakit malakas pa ako. 'Wag ka nang magtaka Ms. Hainam, bunga ito nang siyensiya. Batid mo naman na ang Akademyang ito ay nababalot ng eksperimentasiyon", huminto ito sa paglalakad kaya't napahinto rin ako.
Humarap siya sa akin ngunit nanatili ako sa posisyon 'ko. Tanging paglingon lamang sa kanya ang ginawa 'ko.
"Ang sabi mo kanina'y wala kang nararamdaman. Nagsisinungaling ka binibini", bigkas niya. Napalunok ako dahil dito.

YOU ARE READING
Feohtan High
Teen FictionEverything takes place around death and life. It talks about blood, trust, reasons, unity, hope, betrayal, tragedy and love. Yazi Shin Hainam was the Great Lady Empress of the Hainam Royal family. She was known for being hard- headed, straight forw...