LETAF: 17

18 6 0
                                    

SHAWN


*

"Mr. Hainam?", pagtawag sakin ni Mr. Alcantara na kasalukuyang nasa labas pa lang ng opisina ng Top Skilled Student.

Mag- isa lamang ako ngayon dito sa opisina at tutok na tutok sa mga gawain bilang isang Presidente ng Akademya. Ngunit wala ako sa konsentrasyon sapagkat hindi mawala sa isipan ko ang pambabastos ng lalaking iyon sa kapatid ko.

Ni minsan ay hindi ko inisip na magagawa niya iyon sa pinaka- iingatan kong babae sa buong buhay ko.

Hanggang ngayon ay hindi parin namin sya natatagpuan. Alam ko na hindi papalampasin ng aking kapatid ang ginawang iyon ni Jairz. Hindi rin lingid sa kaalaman ko na matagal ng may nararamdaman ang lalaking iyon sa Lady Empress. Sa aking kapatid.

Until now, hindi parin niya alam na may kapatid pala siya. Isang nakatatandang kapatid na handang gawin ang lahat para sa kapakanan ng kapatid niya.

"Shawn? It seems like somethings bothering you".

Damn? Bat nakapasok na 'to?

"Who told you to enter?", I asked while looking at this Professor, Mr. Alcantara.

Nagtungo ito sa nag- iisang kama na nagsisilbing pahingahan dito sa opisina. A simple hospital sized- bed which was covered by a color white sheet.

Humiga ito at inilagay ang dalawang kamay sa taas ng ulo niya. Ipinikit nito ang kanyang mata at may balak pa atang matulog ang loko.

Tss, he didn't even answered my simple question!

Tumayo ako at mabilis na pumunta sa pwesto niya.


Sinipa ko ang kamang hinihigaan niya na siyang nagpabalikwas sa kanya mula sa pagkakahiga.

He sat down and stared at me at his most killer looks style.

"HEY! Cant you see?! Im sleeping man!", he said angrily.

Tinawanan ko na lamang ito sa inasta niya. Iritang- irita ang guro. Nang sulyapan ko siya ay bigla akong nagseryoso. Mukhang nabigla pa ata sa pagtawa ko. Anyway, hindi kasi ako masyadong tumatawa lalo na't kilala akong Presidente ng Akademya at kanang kamay ni... nevermind.

"First, you entered here without even waiting for my signal. Second, you didn't even tried to answer my simple question. It is not your office dude so you better did great. And lastly, look at you, you're sleeping as if this office is a kind of place for you to just take a nap convieniently", I explained straight to the point.

Sometimes, may pagkaka- ugali talaga kami ng kapatid ko.

Tumayo si Alcantara kung kaya't sa mismong harapan ko siya natapat.

May nakapanloloko niya akong tinitigan atsaka ngumisi.

"Mr. Shawn Gonzales. Baka nakakalimutan mo, I am still your professor. The teacher incharged for the Top Skilled Student, and also with the Academe Official", he said, still plastered on his face that fucking smirk.

You dont know how much I want to punch his face man, believe me.

Hindi ako natinag at umatras man lang sa tinuran niya. Nagtitigan kami na animoy walang balak na umatras at mukhang nagsusukatan kung hanggang saan aabot ang tapang namin.

Makalipas ang ilang segundo ay natigil lamang kami nang biglang bumukas ang pinto ng opisina.

Nilingon ko kung sino ang mga taong pumasok at ang TSS lang pala. Nakatayo lamang sila sa may pintuan habang tutok na tutok sa amin ng maestrong ito.

Feohtan HighWhere stories live. Discover now