LETAF: 15

12 6 0
                                    

ZION

"WHAT THE FUCK SHAWN! BAKIT MO SIYA ISINALI?!!", halata sa boses ni Hiro na galit na galit siya sa desisyong ginawa ni Shawn.

Tss, Stupid.

Hindi niya ba alam na wala pang naging maling desisyon ang leader ng grupong ito? Shawn Gonzales was the most responsible leader I had ever met. He can be compared to my younger brother, they both sacrifice their time to be with their love ones para lamang sa ikaliligtas nila.

But my young stupid yet gentle brother was different.

Mas malaki ang naging sakripisyo niya kumpara sa aming lahat na nandito sa loob ng Akademya. Well, he is here too, but he is just a shadow behind our backs.

"Stop this mess Hiro Brizzet or else I would take away your responsibility as a TSS and Academe's Official", in Shawn's authoritative aura and killer looks, napabitiw si Hiro mula sa pagkakahawak nito sa kwelyo ng uniform ni Shawn.

Inayos ni Shawn ang nagusot nyang uniporme tsaka nagtungo sa table nya. Marahas at malakas naman na sinuntok ni Hiro ang pader ng opisina at napatitig na lamang sa kaunting bitak na idinulot nito.

"HIRO BRIZZET! Alam mo ba kung gaano kamahal ng pinturang ginamit diyan sa sinuntok mong pader ha!!? Mas mahal pa yan sa buhay mo!", malakas at makabasag tengang sigaw naman ni Kiara.

Tsk, this girl was really irritating.

"Kiara?!", sabay at pang- awat na tugon naman namin ni Shawn.

Napalingon ito sa amin ngunit inirapan niya lamang kami.

"Bakit? Totoo naman e. And, ano bang ikinaiinit ng ulo mo ha Hiro?", usisa nito sa lalaking nakatitig lamang sa sinuntok niyang pader.

Nababaliw na ang isang 'to.

"Just please stop Kiara, okay??", Hiro just answered then went to his table.

Ibinaon nito ang kanyang ulo sa mesa at halatang hindi niya talaga nagustuhan ang naging desisyon ni Shawn.

Sinulyapan ko naman ang lalaking nagpainit ng ulo niya. Kasalukuyan nitong ineeksamin ang background information ng mga napabilang sa Academe Official.

Ibang klase, sobrang magkahawig talaga sila ni Lady Empress. Maging ang malakas na aura niya ay walang pinagkaiba kay Yazi. Pero bakit sa tuwing nakikita ko si Yazi ay may nararamdaman pa akong kakaiba? No, its not that freakin' attraction, alam ko naman sa sarili ko na naaattract talaga ako sa kanya so why I should be shock with this right? Malakas siya. She's different. Thats all.

"Xandie Madrigal. A 19 year old woman na dati naring nag-aral dito sa Akademya. She's with Yazi ever since. Isa rin siya sa napasali sa Starting Feoht and guess what? Isa siya sa mga nanalo. They were the first champions of the Academe's Starting and Final Feoht mula nang buksan muli ang kakaibang kompetisyon na iyon", mahabang bigkas ni Shawn.

Napatingin kami sa kanya at maging si Hiro ay itinutok ang mga mata sa lider na ito.

Yes ofcourse we know what does Shawn mean. Nasagap namin ang mga impormasyong iyon pagkapasok na pagkapasok palang namin dito sa Akademya.

Shawn Gonzales and me entered here dahil sa iisang dahilan.

To revenge.

To find justice sa pagkamatay ng babaeng pinakamamahal ko at sa muntikang pagkamatay ng nakababata kong kapatid.

Feohtan HighWhere stories live. Discover now