LETAF: 22

10 3 0
                                    

YAZI

Wala akong pakialam kung pagtinginan pa ako ng mga estudyante. Dapat na silang masanay sa mga isinusuot ko. I don't even care if may mabunggo ako or what basta ang gusto ko lamang ay matagpuan ang lalaking iyon.

I am heading on that place where I am very sure na makikita ko siya. Hindi ko dapat palampasin ang mga sinabi niya kagabi sakin. Aba't kung hindi lang talaga labag sa katawan ko na sobrang pagod na kagabi ay malamang sinundan ko na siya nung mga oras na iyon.

Papaano niya nalamang ako ang Lady Empress?

Desidido na 'ko. Hindi ko papalampasin ang araw na itong hindi ko nalalaman ang totoo.

ZION

"Oh com'on Shawn, I have no idea about that! Bigla nalang lumabas ang lalaking iyon! And I know it was Zach. Yah yah he is our great leader. Sa lakas ng enerhiya ni Yazi, alam ko na mangyayari 'yun. Pero hindi ko alam na si Zach ang lalabas", this Tristan Alcantara is here with us at the TSS Office to explain everything happened yesterday.

Maaga palang ay pinapunta na siya ni Shawn dito kaya kaming tatlo lamang ang nandito ngayon. Badtrip! Ang aga- aga eh!

"Okay. I believe when you said that you don't knew anything about Zach. But why the hell did you let Yazi stabbed by that illusion?!!, Shawn suddenly burst out.

Masakit rin sa tenga ang ginawa nitong paghampas sa table niya. I think a crack left on his table because of that. An'lakas talaga ng lalaking 'to.

"Easy Mr. President. Lahat kayo ay nasugatan sa pagsasanay. Hindi naman ata puwedeng si Yazi lang ang walang sugat sa inyo 'di ba?", tsk, napakapabalang naman ng sagot mo Mister.

"Eh wala ka palang kuwenta e!", mabilis na nakalipat si Shawn papunta sa harap ni Alcantara. Inambahan niya ito ng suntok at kahit na magbugbugan pa silang dalawa diyan ay wala akong pakialam.

All I want is to sleep right now. Kulang na kulang ako sa tulog.

"Hindi naman namatay si Yazi e. And just like what you've said to her, I. saved. her.", pagmamalaki nitong saad.

And with that, tuluyan nang sinapak ni Shawn ang gurong napakawalang- kwentang kausap.

"I just told that to her 'cause she needs to cure her wounds. Huh, mukhang ako pa nga yata ang nagligtas sa'yo e", mariin at nakangising tugon ni Shawn.

Nice one Mr. Hainam, you got him. I just smirked with his intelligent reasoning.

Nahiga na ako sa munting kama na kanina ko pa hinahaplos- haplos. Matutulog na lang ako kaysa marinig ang pagsusumbatan nila. Lagi naman silang magkakontra e.

"Hey. Kahapon ka pa sobrang nag-aalala kay Yazi. May hindi ka yata sinasabi sakin Shawn Gonzales", rinig kong mapanuring tanong ng guro.

Sumulyap ako sa kanila at nakitang tinalikuran ni Shawn ang guro. Lumamig ang aura nito at napabuntong-hininga.

Don't tell me may balak siyang aminin sa gurang na gurong ito?

Hayst! Imbes na matutulog na sana ay naisip pa kasing itanong yun ni Alcantara.

"Shawn?", pag- agaw ko ng atensiyon niya dahil natigilan ito sa ibinatong tanong sa kanya ni Alcantara.

Feohtan HighWhere stories live. Discover now