Hinila hila ko ulit ang Suot kong uniform na kinainis ni Lala. Isa sa mga kasama ko dito sa raket ko.
"Teh, kaunting bilis teh para maka rami. "
Hila hila nito ako paakyat sa VIP floor. Kailangan kase may makabili ng inumin sa amin para matarget namin ang quota ngayong gabi.
Pang gastos din namin ito ng anak ko lalu na at next sem Fourth year na ako. Kaunting tulak nalang.
"Mauna ka na muna Lala. Ang igsi talaga nito na sisilipan na ako."
Napangiwi naman ito sa akin.
"Ay sus! Maka angal ka naman diyan sa damit mo Tien virgin na virgin ang peg. Bilis na. "
"Oy, sobra na iyang joke mo. Nakaka offend na ha. "
Angal ko sa kanya.
Alam ko naman ang pag kakamali ko.
Mali na sumama ako sa maling kaibigan noong college.
Pinag kaisahan nila akong linasing at iniwan sa ere.
The rest is history ika nga nila.
Makalipas ang dalawang buwan nalaman kong nag bunga ang gabing iyon.
Nasahuli ang pag sisisi.
Ano ba ang naitulong ng mga kaibigan ko kuno? Wala.
Sila pa mismo ang nag pakalat na paliwara daw akong babae na nabuntis ng kung sino sino lang.
Masakit.
Masakit na malamang kung sino pa ang nakapalagayan mo ng loob at inakala mong kaibigan sila pa iyong mag mamasama sa iyo.
Itong kaharap ko, okay lang. Sanayan din. Mabait naman si Lala.
Sakatunayan niyan siya pa nga ang tumulong sa akin noong napadpad ako rito sa lugar na ito noong itakwil ako ng magulang ko. Prangka sila at walang tali ang dila.
Tinawanan lang niya ako at iniwan.
Palibhasa kase masmataas ako sa kanya kaya hayan ang damit na above the knee e nasa kalagitnaan ng binti. Ko. Kung hindi ako mag dadahandahan aba kita na ang panty ko!
Na bobosohan ako ng 'di oras.
Laking pasalamat ko nang may mga barter at taga inspection dito na sumasaway sa mga bastos.
Naiintindihan ko naman. Gawa iyan ng kalasingan.
Isa pa malaki laki rin ang kita ko rito kata naman pinag papasalamat ko iyon. Titiisin ko nalang siguro muna. Bukas wala nanaman ito.
"Miss! "Tawag ng isang grupo ng kabataan sa akin. Buti naman at nabilhan nila ako sapat upang ma abot ko ang quota namin ngayong gabi.
Nang maiabot na sa amin ang sweldo ko sa gabing iyon agad akong nagpasalamat at umalis.
Tulog na ang anak ko ngayon.
Nag text ako kay Nay Celsa at ang sabi tulog na nga kaya pinahiga na nila ito sa aming kwarto.
Sawakas mababayaran ko na rin ang renta namin para sa susunod na buwan. May kaunti pang matitira na sapat lang sa aming mag ina.
Bahala na muna ang mga project ko.
Napadasal nalang ako sa Dios nang biglang pag tawid ko ay isang nakakasilaw na bagay ang bumungad sa akin.
Isang tinis na busina ng sasakyan na nang patambol ng puso ko.
Oh Dyos ko huwag naman po sana....
Halos napako ako sa kinatatayuan ko habang niyakap ko ang aking bag kung saan nakalagay ang aking sweldo.
Napadasal ako sa pag aakalangkatapusan ko na ngunit... Biglang tumigil ito nang gahibla ang layo mula sa akin.
Biglang nanginig ako sa lamig.
Naramdaman ko lahat ng sakit na tinitiis ko mula pa noong isang araw at kasabay ng pag bukas ng pinto ng sasakyang muntik lang makabundol sa akin ay ang pan lalabo ng mga mata ko.
Hanggang sa sumakit ang ulo ko.
Isang pamilyar na boses ang narinig ko.
"Miss... "
Pilit kong idilat ang aking mga mata ngunit hindi ko na kaya.
Napasadal nalang ako kasabay ng pag hila sa akin ng lupa.
Una kong na amoy ang isang pamilyar na amoy.
Isang amoy pang hotel.
Amoy lalaki?
Agad kong pinilit buksan ang aking mga mata.
Kinabahan ako.
Agad kong dinilat ang mata ko upang makita ko ang kinalalagyan ko nginin napahawak lang ako sa aking ulo.
Napaka pamilyar ng lugar na ito.
Inikot ko ang aking mga mata at halos manindig ang balahibo ko sa nakita ko.
Isang picture frame ng batang lalaki ang nasalamesita malapit sa kinahihigaan ko.
Malapit doon ay may aparatong umuusok usok. Sa pag kakaalam ko humidifier ang tawag doon.
Nilapitan ko at kinuha ang picture frame. Isang batang lalaki.
Halos hindi na maganda ang kopya at mukhang may kalumaan na.
Aba kamukha siya ni Jao.
Mas may katandaan nga lamang ang batang ito. Siguro pag tumanda ng kaunti ang baby ko magihing kamukha niya ito.
Sino si Jao?
Isya lang naman ang napaka bibo at malambing kong anak.
Tinugnan kong maigi ang litrato.
Tignan mo nga...
Napangiti ako sa nakita.
Sinubukan ko talaga siyang kunin mula sa Frame at tignan.
Nasakalagitnaan ako ng pag bangisngis nang biglag umikot ang seradura.
Agad kong nilagay sa ilalim ng unan ang frame at tinago ko sa damit ko ang picture.
Nag tulog tulugan ako nang marinig ko ang boses ng isang lalaki.
Naramdaman ko ang kamay niya sa nuo ko at leeg.
Halos hindi ako makahinga.
Ang bango.
Amoy mayaman.
"Miss?... Uhmm miss? "
Unti unti kong minulat ang mga mata ko nang bigla akong napatulala.
Anghel.
Este DEMONYO!
TANGINA Hindi ko makakalimutan ang mukhang bumungad sa akin!
Siya.... Siya iyon!
Babe
Iyon noon ang tawag niya noong gabing iyon.
Hindi niya ako nakikilala?
Uso ang amnesia?
Anong gagawin ko?
SASAMPALIN ko ba?
Sisigawan?
Mumurahin?
Sasabihing walang hiya siya?
Sinira niya ang buhay ko!
Pero leche napanganga lang ako ng buong mag damag!
Nangunot ang nuo niya at unti unting nakabawi upang ngumiti.
"You fainted so I brought you here. Anyways, take your medicine Miss, so you'll be fine. "
Nilagay na niya ang gamot sa nakabukang bibig ko at pinainom ng tubig.
Napilitan akong lunukin ang mapait na gamot na iyon kasabay ng pag lunok ko ng Pride ko!
Hindi nga niya ako na tatandaan pero ako tandang tanda ko pa.
Noong gabing iyon.
Nanindigan ang balahibo ko noong mahawakan niya ang braso ko upang alalayan ulit akong humiga.
Noong pahinga na ako naisip ko bigla ang anak ko.
Diyos ko!
Umaga na!
Napalingon ako sa bintana ngunit matataas na kurtina ang sumalubong sa akin.
Hindi pa man ako niya na i lalapag sa kama napabalikwas ako dahilan upang mag umpugan ang aming mga nuo.
"Aray! /aw!"
Sabay na daing namin.
Hindi na ako nag abalang tignan siya dahil nakita ko na ang aking bag atinabot iyon sabay tayo mula sa kama.
Agad kong binuksan iyon at nang makita kong buo ang mga gamit at pera ko, agad akong tumakbo pa alis ng walang pag aalinlangan.
Narinig ko ang pag tawag niya sa akin.
Ngunit tumakbo ako.
Tumakbo ako hanggang sa nakasakay ako ng jeep.
Hinahangos ako ng hininga at hila ko parin ang damit na suot ko simula pa noong gabi.
Ang layo ng bahay na iyon sa main road!
Nang mag bayad ako, alam kong pinag titinginan ako nga mga tao.
Bakit ba?
Napapalo ako ng aking nuo sa kalagayan ko.
Amoy usok ako at sigurado sabog sabog ang mukha ko.
Daig ko pa ang taong grasa!
Bumaba ako ng kanto at para akong baliw.
"Aba Tien, anong nang yari sa iyo? May nag samantala ba sa iyo? "
Alalang tanong ni Nay Celsa noong makapasok ako ng boarding house.
"Na Rape ka ulit o nang Rape ka? "
Pang aasar ng isa pa naming boardmate.
"Hot ba yung guy? Pakilala mo ako sa kapatid! " sabi naman ng isa na nag pangiwi sa akin.
"Aaahhh! Ang sapatos ko... "
At napalingon kaming lahat sa eksahiradang si Lala.
Wow ha inalala pa niya ang sapatos niya kaysa sa aking kaibigan niya.
Ang sweet.
Hindi ko iyon pinansin.
Ang tanging bumungad ng isip ko ay ang biglang pag yakap sa akin ni Jao.
"Mama!!! Ang pangit mo mama ko. "
Lintik!
Nahawaan ni Lala ang anak ko.
Paano ko titirisin ang Cute na cute na batang ito?Vote
Comment
Share
BINABASA MO ANG
THAT NIGHT
RomanceTOP 9 na tayo nga beshies!! The Tien Costo and Micael Mys Constancia Story "Babe. " Narinig ko ulit na bulong niya sa akin kasabay ng malalambot na bagay na umaangkin sa aking labi. Hindi ko siya kayang tanggihan. Hindi ako bihasa sa ganitong mg...