16

325 14 0
                                    

◆HER◆

Napa pahid na lamang ako nang luha habang sumasagot sa tawag ng telepono. 

Biglang pumasok si Sir Speed sa office.

"Tien,  are you okay? "
Pag aalala nito. 

Hindi pumasok si Micael at malamang sa malamang si Sir Speed nanaman ang boss ko. 

"Pasensya na po kayo.  Okay lang po ako."sagot ko rito ngunit napailing nalang ito. 

"Did the asswhole bully you? Kaya ba narito na sa loob ng office ang desk mo? Fucking Constancia. "
Kumento nito na agad kong kina iling. 

Kung kailan kase kina kailangan mo iyang si Mys na wawala! 

"Wa-wala po sir.  Pag pasensyahan na po ninyo ako.  Nag aalala lang po kase ako dahil may sakit po ang anak ko. " pahayag ko rito na mukhang kina gulat niya. 

"What you have a child?! "
Napa tango na lamang ako. 

Marahil hindi pa nito alam dahil hindi ko noon na sabi. 

"Si Jao po.  Kaka birthday lang po noong nagdaang buwan. " sabi ko rito. 

"Jao?  Seems I heard that name somewhere. "
Kumento nito at mukhang nag isip pa talaga. 
Pinatunog pa nito ang hin lalaki at hin tuturo noong mukhang may na alala na siya. 

"Oh I remember!  May dinala noon si Micael sa party ng lolo niya.  That kid is so adorable.  Na alala ko tuwang tuwa ang matanda rito dahil bibo na nga abay kamukha pa daw niya ito noong kabataan niya maliban sa mga mata nito. "
Tuwang saad sa akin ni Sir Speed. 

Nanindigan ang balahibo ko. 

Dinala niya si Jao at pinakilala sa angkan niya kahit na wala pa itong alam tungkol sa tunay na kuneksyon nila. 

"Wala po si Sir Micael? "

Sunod sunod ang pag iling nito. 

"He is at his house.  Mukhang nag kasinat ata ang gagong iyon at ako nanaman ang binulabog niya upang pumasok rito.  He also told me na mag leave ka daw muna ngayon.  Nag tataka nga ako kung bakit wala parin ang ka relyebo mo. "Sabi nito. 

Hindi naman ako sinabihan niya kahapon.

Bumukas ang pinto at niluwa nito si Miss Chichi.

"Miss Costo,  maari mo ba itong maidaan kay sir Micael bago ka umuwi?  Ito ang address niya. 
Kailangan lang kasi niya iyang mabasa at mapirmahan.  I papakuha ko nalang sa iba. "

"Sige po maam.  Sir,  una na po ako. "

Agad naman akong pumunta sa bahay niya. 

Ilang beses na ba akong naka punta rito? 
Dalawang beses palang ata. 

Noong gabing iyon at noong nalaman kong buntis ako ngunit isang tagapag pangalaga lang ng bahay ang nag sabi sa aking bumalik na ito ng Macau.

Ngayon,  bumabalik ako hindi lang para sa mga papeles na dala ko ngunit dahil sa kailangan siya ng anak ko.

Ginabi na ako sa daan kanina dahil na siraan ang sinakyan kong jeep patungo rito. 

Bakit kase ang layo ng bahay niya sa pinag tatrabahuwan. 
Kung dito talaga ka nakatira kailangan talaga may sasakyan sa layo.
Isa pa mula sa labas kailangan ko pang sumakay ng shuttle papasok upang hanapin ang bahay nito dahil isang exclusive subdivision iyon.

Kumatok at isang guard ang nag bukas ng gate.

Edi siya na ang mayaman!

Pinapasok ako nito.

"Katukin nalang po ninyo at buksan. Napag bilinan na po ako ni sir.  Kakauwi lang po kase ng mga kasambahay. "

Saad nito sa akin. 

Mas lumaki ata ang bahay niya kumpara noong una akong nakatapak rito.

Wala paring tao kahit na nag tatawag na ako rito sa baba. 

"Sir Micael!? " tawag ko habang binabaybay ko ang hagdan pataas.
Nakarinig ng kalabog kaya naman dali dali kong tinignan kung saan nag mula..

Walang pinag bago ang pasilyo patungo sa kanyang kwarto. 

"Sir? "
Agad ko siyang nilapitan dahil naka handusay ito sa sahig.

"I need my glasses. "
Seryosong saad nito. 
Hinanap ko naman agad.  Kaya pala kapa ito ng kapa nahulog ata.

Ang alam ko mahina talaga ang mga mata niya pero hindi siya iyong tipo na mag susuot ng salamin araw araw.

"Fucking migraine! "Sabi nito ng i abot ko ang salamin niya. 
Aalis na sana ako ng mailapag ko ang mga papeles ngunit pinigilan niya ako.

"Are you okay?  Bakit mugto ang mata mo? "
Tumindi ang kalabog ng puso ko.
Umiling ako ngunit wala akong chioce kundi sabihin sa kanya ang totoo sa lalung madaling panahon. 

"Na-nasa ospital si Jao... "Hindi ko ma pigilang umiyak.  "Mys, please.  Kailangan ko ang tulong mo. "

Wala pa ulit akong sinabi ngunit kinuha na nito ang susi niya at hinila ako patungong garahe. 

Ni hindi niya tinapunan ng pansin ang mga papeles. 

Nagagayak ako dahil siya yung tipo ng tao na hindi nag dadalawang isip pag dating kay Jao. 

Siguro nga mali ako sa pag ka kilala ko sa kanya. 

Agad akong iniwan ni Mys nang makita nito si Jao.
Nilapitan niya ito at hinalikan ang sentido ng bata sabay upo sa gilid niya.

"Misis we need to act now. "
Bungad agad sa amin ng doktor nang maka rating ako.
Nandoroon si Lala at pa alis na rin ito. 

"Meron na po doc.  Si Micael.  ." Turo ko kay Mys na kina tawag pansin nito.  "Siya po doc. Type B negative po siya malamang. "

Naguhuluhan man agad naman itong nag presinta.
Bago pa man maka alis ito may binulong ito sa akin na kina tambol ng puso ko.

"We'll talk later miss Costo.  Medical information about my blood type is not usually my side topics with people.  Wala akong na alala noong napag usapan natin ang tungkol rito.  Laters. "

Napahawak nalang ako sa kamay ng anak ko noong maka alis si Mys.

'Nak, sorry ha.  Naging makasarili si Mama. Sasabihin ko na ang totoo sa ama mo. Mag pagaling kana.

Hinalikan ko sa pisngi ang natutulog na si Jao.

Napadasal na lamang ako ng tahimik habang hina handa ko ang sarili ko para sa pag tatapat.

Patnubayan sana ako ng Maykapal. 

◆◆◆◆◆◆◆

Vote
Comment
Share

THAT NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon