Kalma mga Bes... Hahahha
Alam kong sina sabunutan nyo na ako sa mga guni guni ninyo kaya... Mag UD ako.
Sowriii po antagal tinatapos ko kase ang WHAT A PERFECT EXAMPLE OF A HORRIBLE IDEA
Naka Published po iyon exclusively sa Dreame.comSa mga follower ko doon... You know that feelings na sinapak ko pa si Maria Ligaya Pagniig ng SFAC:CONFESSIONS kaya maslalong natagalan ang lola ninyo!
Hihihi
◆HER POV◆
Naiinis ako dahil sa mga ginagawa niya.
Bakit ba lapit pa ito ng lapit kahit alam naman niyang wala akong iteres sa mga ginagawa niya?
Ano'ng tingin niya sa pinapakita ko?
Hindi ba niya alam na ayaw ko sa kanya?
"Okay class mag a-assign ako ng mga groupings ninyo. Each pair will have to perform or do their tasks according sa groupings. This Christmas season ang ating department ay naka assign sa Ground activity. Ang iba sa inyo ay paired by two's, by four and by ten members. Mister Areno until miss Caleno, four of you sa technical support. Mister Constancia and miss Costo two of you for performance on stage. Atleast a song perhaps...."
Marami pang sinabi ang guro naming ngunit halos wala na akong marinig dahil sa narinig kong sinabi niya.
Bakit siya pa?
Nananadya ba sila?
Binigyan ni prof siya ng dahilan upang kulitin ako lalo na siyang iniiwasan ko.
Nang matapos ang klase halos patayin na ako sa tingin ng mga kaklase namin.
Ano ba naman iyan!
Huling taon ko na rito pero bakit ba nang yayari ito sa akin?
"Tein, so dahil partners tayo kailan tayo ma pa-practice? I mean well we both know how good I am with performing. I can coach you. Doon nalang tayo sa condo mag practice i have instruments there isa pa----" hindi ko siya pina tapos noong mag salita ako.
"May trabaho pa ako. Isa pa kakausapin ko nalang si Prof. Iba nalang ang i-pair sa iyo wala naman akong alam dyan eh. Sige. " minadali ko ang pag lalakad ko upang maka habol ng duty ko.
Racket ngayon bilang dishwasher sa canteen ng university. Nagkasakit kase ang taga hugas nila kaya noong nalaman ko nag apply ako kahit panandalian lang.
Hindi naman kase regular ang raket ko bilang promodized doon sa The Pub. Kilala ko ang may ari ng the Pub. Si Ares Montaverde. One of the bad ass shit man. Nakilala ko siya noong nag tanghal kami sa reopening nila kahit na pinilit lang ang banda noon. Ewan ko ba. Ang ending ng reopening noon ang isang Wasak na mga gamit at nag sipag uwian lahat. May Issues sa buhay kasi ang may ari ng The Pub.
"Iniiwasan mo ba ako? "
Lakad takbong pag tatanong nito sa akin.
"Hindi. Duty ako! "Inis kong tugon ngunit hinila niya ang dala ko'ng bag pack kaya napatigil at napa lakad pabalik ako.
Naramdaman ko ang katawan niya sa likod ko at ang mga kamay niya sa mga braso ko.
"Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin? " palambing niyang tanong.
Lintik!
Ito yung iniiwasan ko eh.
Gaya ni Jao, ganoon ang pananalita niya pag nilalambing niya ako.
BINABASA MO ANG
THAT NIGHT
RomanceTOP 9 na tayo nga beshies!! The Tien Costo and Micael Mys Constancia Story "Babe. " Narinig ko ulit na bulong niya sa akin kasabay ng malalambot na bagay na umaangkin sa aking labi. Hindi ko siya kayang tanggihan. Hindi ako bihasa sa ganitong mg...