20

316 12 0
                                    

◆HER◆

"Abah!  Talaga iyang mga lalaki hindi mapigilan ang kati.  Leche ah.  Maganda ba iyong babae Tien? "

Napatango na lamang ako habang galit na sinabi iyon kay Lala noong isang araw. 

Nakita ko kung gaano ka ganda ang girl friend niya. 
Halos nanliitsa sarili ko. 

Simple lang manamit iyong babae. 
Naka T-shirt lang na iyon at pantalon pero ang ganda ganda parin niya.  Bagay ang pangalan nitong Angel. 
Angel kase ang tawag ni Micael sa kanya. 

Napabalik ako sa dati nang biglang tumunog ang telepono sa harapan ko. 

Nasa board meeting si Sir.  Ako lang mag isa sa loob ng office. 

-Is Micael there? 
Tawag ng baritong boses sa kabilang linya. 

Sinabi kong wala at kinuha ko namang ang minsahe. 

Isa iyon sa mga kaibigan niya. 

Mag gagabi nang bumalik sa opisina si sir.

"What are you still doing in here? "
Tanong nito sa akin nang makita niya akong nag hihintay sa kanya.  Tinignan nito ang kanyang relos. 

"It's six.  Your dismissed at five.  Bakit ka parin nandito? "
Inis na tanong nito sa akin. 

Aba hindi naman obvious na pinapaalis niya ako. 

"May mensahe po ang kaibigan ninyong si Sir Kriz.  Pumunta ka raw po sa The Pub mamaya dalhin mo rin daw ang girlfriend mo..."
Nakita ko ang pag kunot ng nuo niya sa akin.
"Iyon lang po.  Mauna na po ako. "
Pag papaalam ko rito.  Swerte talaga at naroroon na si Lala.  Siya ang nag babantay kay Jao ngayon.  Bumubuti na rin ang anak ko at nasa regular na kaming silid. 
Ilang araw na lang aalis na rin kami sa. Ospital at gagawin nalang ang monthly check up sa bata. 

"You stayed just to relay that message?  You can just write it in a note and leave. "

Kumento nito habang binagsak ang dalang suit case sa sofa ng office nito. 

Niluwagan nito ang neck tie at Sinimulang hubarin ang jacket at kanyang polo. 

Wow,  parang wala ako rito ah.  Nakakahiya naman sa kanya. 

Agad kong niligpit ang gamit ko at aalis na sana nang mag salita siya. 

"Wait for me.  Ihahatid kita sa ospital. "
Bakas ang pagod sa kanyang boses.

"Huwag na po sir.  Mauna na po ako. "Sabi ko hanggang sa bago niya buksan ang isa sa tatong pinto doon sa kanyang opisina. 

"I said wait for me. "Mariing sabi nito at pumasok na roon. 

Sa totoo lang kahit na mag iisang buwan na ako sa opisina nito hindi ko tinangkang  alamin kung anong meroon sa tatlong silid na iyon. 

Ang hula ko nga isa roon ay ang sinabi noon ni maam Chichi na executive elevator nito. 

Nang makalabas siya makalipas ang limang minuto iba na ang suot niya.  Naka collar na blue shirt ito at maong na kupas. 
Hindi ma hahalatang CEO siya ng isang kumpanya. 
Naka rubber shoes ito at mukhang nag hilamos. 
May dala na itong susi at binuksan ang maleta upang kunin ang wallet nito. 

"Let's go.  Hinihintay na tayo ni Jao. "
Sabi nito sa akin at kinuha pa niya ang bag ko.
Tatanggi pa sana ako ngunit hindi niya ako pinakinggan. 

THAT NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon