18

331 13 2
                                    

◆Her◆

Napapasinghap ako sa bawat dampi ng kanyang labi sa aking katawan.

Pilit ko mang itangi ang mga na raramdaman ko ngunit hindi ko kaya.

Parang may sariling mundo kaming ginagalawan at sa mundong iyon siya ang tanging may kapangyarihan.

Nailapag niya ako sa kama ng walang kahirap hirap at hindi ko lubos maisip kung saan at paano nag sipag takasan ang aking saplot.

Ni hindi man lang nito nagawang patayin ang ilaw kayat kitang kita ko lahat.

Lahat lahat.
Napa lunok pa ako ng aking laway nang makita ko ang pag hulog ng kanyang pang ibaba.

"Done checking me out babe? "
Mapanuksong tanong nito dahilan ng pag baling ko ng atensyon sa kanyang mukha.

Mys, anong ginagawa mo sa akin?
Para kang bawal na gamot. Na kakaadik na nakakahibang pa.

Hindi ko ko inaasahan ang pag dagan nito sa akin. Hindi ko alaintana ang bigat niya. Dahil napagtungkod ito ng mga braso sa kama.

'Mahal na mahal kita Tien. '
Iyon ang muling sinabi nito habang nakatinhin sa aking mga mata.
Hindi ako nakasagot buhat ng pag angkin nito sa aking mga labi.

Unti unting nilalamon ako ng aking pagkapipe habang nag hihintay ito sa sagot ko'ng nasa kawalan.

Nanunuyo ang mga labi ko sa mga titig niya.

Para akong nyebe na unti unting natutunaw at nahuhulog mula sa pinakatuktok ng Mt. EVEREST.

"I can still hold my self Tien. Just say NO. "
Ramdam ko ang pag hinga nito sa tenga ko habang binubulong ang mga katagang iyon sa akin.

Alam na alam ko ang ibig niyang ipa abot sa ako.

Ano ba ang gagawin ko?
Susuko na ba ako?
May mang yayari na ba ulit?
Pag umo-o ba ako magiging okay na lahat?
Dito na ba lahat ng ito patungo?
Mahal ko ba talaga siya?
Handa ba ako sa ma aaring kahihinatnan nito?
Ano ang dapat kong gawin?

Napaisip ako.
Napaka raming tanong sa aking isipan na WALANG KASAGUTAN.

Ito ang oras na nasagot ko ang mga titig niya sa akin.
Iyong pag kakataong naging matapang ako at inuna ko ang utak bago ang puso.

Ang isang pag kakataong inisip ko ang kapakanan at ma aaring maidulot ng kapangahasan namin sa buhay ng aming anak na si Jao.

Ang isang pag kakataong tanda ng pagiging mature ng isang isang tao.

"I'm sorry Micael. Hindi ako handa dito. Naguguluhan ako. "
Ang tanging katagang naisagot ko sa kanya kasabay ng pag agos ng aking luha.

I'm sorry Mys. Hindi na ako ang dating Tien Costo ng una nating pagkikita.

Ngumiti ito sa akin at hinalikan ako sa nuo.

"I know. I understand. "Sabi nito kasabah ang mabilis na pag halik niya sa aking labi.
Humiga ito sa aking tabi at pinahiran ang aking luha.

"Hush babe. I will always respect your decisions."sabi nito sa akin.

Bakas sa mga mata niya at ngiti ang katotohanan. Alam kong nasaktan ko nanaman siya ngunit hindi ako pwedeng mag padalusdalos o mag padala nanaman sa kapangahasan o bugso ng damdamin.

Hindi sa hindi ko siya mahal at Hindi ko kayang ibigay ang pangangailanban niya bilang lalaki.
Hindi lang ako handa at nag aalala ako para sa maaaring kahihinatnan nito.

Tumayo siya upang suotin ang boxer nito at pinatay ang ilaw.
Kasabay noon ang pag kumot niya sa akin.

Sumiksik ito na parang bata sa tabi ko at nilubid ang braso sa aking bewang.

"I love you still Tien. Just don't leave me while I sleep. "
Sabi nito at naramdaman ko ang pag halik niya sa pisngi ko.

Hindi ko maitago ang bilis ng tibok ng puso ko.
Ang lapit at pag dikit ng aming mga katawan.

Daig ko pa ang nakikipag niig sa kanya sa sitwasyon kong ito.

Napahampas ako sa aking ulo ng lihim.

Hubot hubad kami sa iisang kama.
Kaka MOMOL lang namin ika nga ng mga bata. Ito na ihong stage na pinaka hihintay ng marami pero nabigo ko sila.

Nabigo ko man sila sa expectations nila lubos naman akong kinikilig dahil sa pinakitang respeto at timpi ni Mys sa sarili.

Siguro nga deserving naman siya na bigyan ko siya ng pag kakataon...

Napahaplos ako sa kanyang buhok na nasa aking braso.

Para siyang isang bata na naka kunyapit sa akin ag nakasiksik ang ulo nito sa aking gilid malapit sa aking dibdib.
Kung hindi ko lang naririnig ang munting pag hilik niya pag kakamalan ko itong pumaparaan nanaman sa akin.

Naging panatag at banayad ang pag tulog niya hanggang sa hinila ako ng antok.

NAPAG PASYAHAN KONG DUMAYO SA Boarding house noong kunaumagahan para kunin ang ibang gamit ni Jao.

Di ko mapigilang napangiti kanina lalo na noong pag gising ko isang kumpol ng bulak lak ang nabungaran ko.

NGAYON

Laking gulat ko nang makita doon si Lala. Akala ko ba pumasok siya sa Kumbento?

Wala siyang sinayang na oras at ikinuwento ang karanasan nito.

Ni hindi pa sila nakabuo ng Bente Kwatro Oras sa kumbento na sipa na sila!

Aba naman!
Saan ka nakakita ng mag mamadreng uminom at nanuod ng scandal?
Hayon nasipa.

Umiiyak pa ang loka kesyo gusgong gusto daw niyang mag madre kase pumasok sa kumbento ang walang hiyang Ex niya. Aba may balak pa atang kidnapin iyon sa Dyos.
Patawarin nawa siya.

"Ikaw ba ano'ng ganap? "Tanong nito sa akin.

Walang pag aalinlangang nasabi ko sa kanya ang totoo at nang yari sa pagitan namin ni Mys.

"Ay putcha kang babae ka naman oh! Bakit mo ginamit iyang utak mo? Susmaryosep! Paramihin mo naman ang lahi noong tao! Iyong mga katulad ni Mys naku hindi pinapalampas! "Yamot na kumento nito sa akin.

Siya pa ang galit!

"Ikaw ba mag sabi ka ng totoo, hindi ka ba nag sisi? "Tanong nito sa akin na kina tahimik ko.

Nagpalakpak pa ito sa akin.
Kinantiyawan ko.

"Ayyoon! Oh edi sising sisi ka teh! Ulam na naging bato pa. "
Saad nito.

"Alangang pumayag ako e naguguluhan nga ako! "Sagot ko rito.

Napailing iling pa ito.
"Patay kang bata ka! Simple lang naman ang tinatanong niya sa iyo. Mahal mo ba o hindi? "

Napahinga ako ng malalim.
"M-Mahal. " sagot ko. "Kaso dinadaga ako. Iniisip ko kung pumayag ako paano kung mawala nanaman siya gaya noon? Paano ako? Ang anak namin? Hindi ko kayang ipag santabi nalang iyon. "

"Hindi naman siya nawala. Ikaw ang nawala noon. Ikaw ang unang umalis. "

Iyon ang sinabi ni Lala na hindi ko ma alis sa aking isip.

Tama siya.
Tinamaan nanaman ako ng lintik.

Sana kase naging adviser o counselor nalang ang isang ito eh.
◆◆◆◆◆◆◆

Vote
Comment
Share

THAT NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon