◆Her POV◆
"Ano nanaman ito?! "
Tanong ko sa kanya dahil bigla nalang siyang sumulpot mula sa kawalan.
Nakangiti ito sa akin ng wagas habang iniaabot ang kumpol ng bulalak at isang paper bag.
Aalis na sana ako ng pinag sapilitan niyang iabot sa akin ang dala niya.
Para namang nang liligaw siya.
Biglang sabi ng utak ko.
Inalalayan pa niya ako patungo sa parke upang pang pasakayin sa Kotse niya nang pinatay ko siya este hinayaan ko nalang ito.
Nasa harapan na ako ng kotse at pinag buksan pa niya ako.
Ano ba ang nakain ng isang ito?
Hindi lang siya natunawan.
"Hop in. "
Masayang sa sabi nito sa akin habang nakaupo na sa driver seat.
"Ano?! At bakit ko nanaman iyon gagawin? "
Pasensyahan tayo.
Ewan ko ba at naiinis ako.
Anong balak niya?
Ihatid ako?!
HINDI PWEDE IYON!
Hindi!
"Tara na. Wala ka nang trabaho diba? Hatid na kita. "
"Aba hindi. Meron pa akong raket. Sige salamat dito. "
Sabi ko sabay taas ng ibinigay niya.
Hindi ko nga alam kung bakit ko tinangap ito eh. "Sige una ka nalang. "
Naging flat ang ngiti nito sa akin.
"Wala ka nang raket. Isa pa mag didilim na. Baka mapaano ka sa daan. Sige na ano ka ba pumasok ka na please. God, hahantayin mo pa bang pag tinginan tayo rito? Sa akin okay lang. "Sabi pa nito at lumapad nanaman ang ngiti niyang aso.
Wala akong magawa kundi nag pakawala ng isang buntong hininga.
Aarte pa ba ako?
Habang umuupo ako sa kotse niya kinakabahan ako sa totoo lang.
"Are you okay? Have you eaten? Na mumutla ka."
Hindi ako makasagot dahil nag iisip ako ng isang magandang dahilan upang makaalis sa loob ng sasakyan niya.
Nagulat nalang ako nang biglang lumiko ito.
Teka saan siya pupunta?
Nagulat nalang ako nang tumigil siya sa isang Grill house.
Bumaba kami at inaya niya akong kumain.
"Bakit ka ba nag papalipas ng gutom? Papatayin mo ba ang sarili mo? Sigurado ako hindi ka naman nag tanghalian dahil hindi kita nakasama kanina. Gawain mo talaga iyon. Para'ng may pamilya ka namang binubuhay. "
Mahabang litanya nito sa akin habang hinahain sa hapag ang inihaw na isda, inihaw na pusit at isang platter ng baked talaba at isang bandihadong java rice.
Makapag order siya parang huling pagkain mo na!
Inismiran ko lang siya at tinignan habang abala itong hinahainan ang plato ko ng pagkain.
Sa simpleng gawaing iyon hindi ko itatangging makaramdam ng kilig.
Napatingin ako sa kunot nuo niyang mukha.
Hindi ko maitatanging nakuha ni Jao ang katangian niya.
"Done checking me out? " mapanuksong tanong niyo sa akin kaya naman napilitan akong ibaling ang atensyon sa pagkain at huwag sumagot.
Napadasal pa ako.
Dyios ko po, patawarin po ninyo ako dahil mukhang mag kakasala ako dahil nanaman sa kanya!
LAKING pasasalamat ko nang hinatid niya ako sa labas ng bahay at hindi lumabas si Jao para salubungin ako.
Nag pumilit siyang pumasok upang mag pakilala ng pormal kay Nay Celsa sana na nag abang sa akin ngunit pasalamat akong umalis siya.
"Tien, hindi naman sa pang hihimasok ngunit binabalaan kita, may anak kang dumedepende sa iyo. "
Ngumiti akong pumanhik paloob.
"Naiintindihan ko po kayo Nay Celsa. Hindi na po iba ang turing ko sa inyo. Lubos ko pong pinapasalamatan iyon ngunit mag kaklase lang po kami. Nag magandang luob po siyang ihatid ako. "
Tumango naman siya habang nakatingin sa bouquet ng rosas at dala kong paper bag.
Hindi ko maiwasang mamula.
"Nanliligaw po siya pero prayoridad ko po ang anak ko at pag aaral. Mag tatapos na po ako sa darating na mga buwan. "
Tumango ito sa akin at hindi na muling nag tanong pa.
Napag isipan kong ialay ang bulalaklak sa altar sa pasilyo at tinabi ko ang paperbag na may lamang mga stokolate.
NAGISING ako mula sa maliliit na kamay na yumuyugyog sa akin.
"Mama! Mama! "
Papungay pungay akong gumising.
Himala at maagang nagising itong anak ko.
"Mama, binili mo'ko ng chocolates? Thank you mama!!!! "
Napahilamos ako ng wala sa oras.
Hay, kaya pala!
"Anak! "
Napasigaw ako upang pigilan siya dahil agad na niyang kinain ang nakatagong styokolate nasalikod na niya.
"'Nak, nihindi ka pa nga nakakain kinain mo na iyang styokolate mo? "
Kung may mahusay na palusot pa doon ginawa ko na.
Agad akong nag handa upang sa gaganaping school fair ng University.
Laking pasalamat naman namin noon na sprain lang ang nangyari sa paa ni Mys.
Naku pag siya napilay patay kang bata ka!
"Mama, kailan po ako mag school? Nakita ko po iyong kalaro ko noon pumapasok na sila ng school Mama. Ako po kailan? Sabi ni nay Celsa magaling na daw akong gumuhit. Mama, sama po ako sa iyo sa school. "
Napangiti ako.
Hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan.
"Hindi pwede anak eh. Pero kung gusto mo nang mag school hayaan mo sa pasukan papasok kana. Tamang tama iyon dahil graduate na ang Mama. Ma i hahatid kita habang ako naman ay mag tatrabaho. "
Nag tatalon talon ito sa tuwa.
"Yey! Sige Mama ko! I love you po! " masiglang saad nito sabay tapon ng mga braso sa akin.
Mahilig mangyakap si Jao parang si M---"
Nag pa iling iling lang ako dahil sa naiisip ko nanaman ang isang iyon.
NAKARATING ako sa Unibersidad na puno ng mga tao.
Kinabahan tuloy ako para mamaya.
Nakikita ko ang mga kaklase ko at ang nasa ibang section na ipinangkat ni maam.
Masasabi kong tagumpay ang event na ginawa nila.
"Saan ka ba galing? Kanina pa ako nag hihintay sa iyo."yamot niyang atungal sa akin. "Pinuntahan kita sa boarding house ninyo pero wala kana. Ano ba naman ang tumawag ka at----"
Bigla ko siyang binulyawan!
Bakit siya pumunta doon?!
Paano nalang pag nalaman niya?
Pag nakita niya si Jao?
"Bakit ka ba pumunta doon?! Ang epal mo naman eh. Natural nasa school na ako dahil maaga akong gumising at baka ma late pa ako. "
Kunot noo niya akong tinignan.
"Diba sabi ko kagabi susunduin kita para hindi ka mahirapan sa pag byahe?" inis na saad nito sa akin.
"Hindi ba sabi ko huwag na? Kaya ko naman salamat. " sagot ko naman.
Matutuyuan ako ng dugo sa isang ito!
"Hay. Ang tigas ng ulo mo! " sabay naming nasabi nang biglang may sumulpot mula sa kawalan.
"Mama, daddy Mys huwag kayong mag away please. "
Ay tangina!
Naloko na!
Anong ginagawa ni Jao rito?
Bakit siya tinawag ng ANAK kong daddy Mys??!!
BINABASA MO ANG
THAT NIGHT
RomanceTOP 9 na tayo nga beshies!! The Tien Costo and Micael Mys Constancia Story "Babe. " Narinig ko ulit na bulong niya sa akin kasabay ng malalambot na bagay na umaangkin sa aking labi. Hindi ko siya kayang tanggihan. Hindi ako bihasa sa ganitong mg...