LAKING PASALAMAT KO noong matapos ang lahat ng performance namin na tama naman at masaya.
Binati kami ng Deans at professors namin.
Akala niya okay na kami ngunit nang makalayo layo na kami sa karamihan....
"Bakit ba galit ka? "
Manhid at tanga niyang tanong.
Nang galaiti naman akong sumagot.
"Sinong nag bigay sa iyo ng karapatang isama rito ang ANAK KO?! Pasalamat ka at sinundo ni Lala. Alam mo mabuti pa tigilan mo na ako. Kung sa tingin mo masaya itong ginagawa mo pwes nag kakamali ka! Ilang buwan na lang mag tatapos na tayo kaya huwag mong pinapaasa ang anak ko sa wala. Huwag mong gawing pampalipas oras lahat nang ito. Itigil mo na. " sabi ko sabay lakad sana pa alis nang bigla niyang kabigin ang braso ko at hinigit ako papuntang kotse niya.
Pinasok niya ako roon.
"Sa tingin mo ba pampalipas oras lang ito? I'm being serious Tien. Alam mo bang nag iiyak iyang anak mo? Na hihirapan?
How could you keep him from the crowd and pretend he is someone's child?" Buong hinanakit niyang tanong sa akin na para bang kasalanan ko pa lahat.
"Kung anak ko siya hindi ko gagawin iyon. "
Walang kagatong gatong niyang saad na nagpasinghap sa akin ng lihim.
Hindi ako makapag salita nang mag salita ulit ito.
"Hatid na kita. "Mabigat niyang saad.
Hindi ako makasalita noong sinimulan na niyang buhayin ang makina.
MASAYA SIYANG SINALUBONG NI JAO nang makauwi kami.
Gusto ko mag salita ngunit nanahimik nalang ako.
"Tito Mys!!!! Good evening po! " masiglang tumakbo ito patungo sa kanya at yumakap. Agad naman siyang niyakap ni Miceal.
Ang ganda nilang tignan.
Hindi ko napigilang mapaluha nang bigla akong siniko ni Lala at higitin patungong kwarto.
"Hoy babae, ako tapatin mo ha. Iyang boyfriend mo. Siya ang tatay ni Jao nuh? "
Napangiwi ako dahil sa sinabi niya.
"Ano ba iyang sinasabi mo? "Tanong ko ngunit inismiran niya ako.
"Ay soo! Babae huwag kang mag deny. Halata ko na ang dugo ng dalawang iyon! Ikaw ba hahanda na pag nalaman ng lalaking iyan ang totoo? "
Napaiyak ako dahil sa tanong na iyan. Hindi niya pwedeng kunin ang anak ko!
Natigil ang pag uusap namin nang pumasok si Jao.
Mag papaalam na daw si Miceal kaya inihatid ko palabas.
Bago pa siya umalis nilingon niya ako.
"Tien, I am serious. Don't hide him. After you graduate tell the people you have Jao. Malaking epekto ng pag lilihim mo sa pagkatao ng bata. "
Seryoso niyang saad at pumasok na sa kanyang sasakyan.
SIYA PA ANG GALIT!
Urgh!
Bagsakan ba naman ako ng pinto ng sasakyan niya at mag paharurot?
NAGDAAN ang mga araw matapos noon at hindi na niya ako ginulo.
Mag papasalamat na sana ako eh...
Kaso nga lamang habang nasa Canteen ako at nag huhugas pinakiusapan ako ni maam na ako daw muna ang mag kaha.
Nagkasakit kase ang isang working student.
Sakto naman at management ang kurso ko kaya pinag kakatiwalaan nila ako.
"One hundred ten po. "Saad ko habang kinukwenta ang pagkaing nasaharapan ko.
Humalinghing naman ang isang babae kaya napa tingin ako sa bumili.
Napamaang ako dahil siya pala iyon at may isang pandang naka kunyapit sa kawayan este sa KANYA!
pwe!
"Babe, ako na ang mag babayad ha? "
Malanding saad nito sa kasama sabay abot ng isang daan at bente pesos sa akin.
"Miss keep the change. " sabi pa niya.
Leche tuko na ito! Ang gara ng bag.
Luis Vuitton tapos kung makapag KEEP THE CHANGE kala mo isang libo ang sukli!
Ampota!
Napatingin ako sa kahoy esto kay Miceal.
Mukhang GUSTO rin naman niya ang HALIPAROT na iyan!
Mag sama sila sa impyerno!
"Ah miss, magkano po iyong akin? "Muling narinig ko.
Hindi ko namalayang nasa susunod na pila na pala at kanina pa nakaalis ang kawayan at Panda!
"SYETENTA! " sabi ko nang biglang kumunot ang nuo ng kaharap ko.
Tama naman ang presyo ko ah.
"Miss, kung galit ka pagusapan natin iyan mamaya. Kalma ka lang makapag Syetenta ka naman intense ah. Hinga hinga din tayo pag may time. Ito po bayad. "
Sabi ng kaharap kong estudyante.
Napahiya tuloy ako!
"Sorry po maam. Ito po ang sukli. "
Nginitian pa ako nito sabay alis.
Hindi ko magawangg iwasan ang malalanding nasa dinkalayuan!
Nag susubuan pa!
"Mabilaukan ka sana. "Walang kagatol gatol kong saad habang nakatingin sa kanila nang bigla akong ipatawag sa office.
Wala naman akong ginawa.
"Ms Costo, I am giving you a warning. Bawal sigawan ang costumers at lalung lalu na BAWAL ang pag sabihan sila ng mabilaukan."
Ay mahabaging bathala! Nasabi ko talaga iyon ng malakasan?
Humingi ako ng patawad kay maam kaya naman napatahimik na lamang ako.
Hinadi naging maganda ang araw ko ng dahil sa kanya.
Kahit sa klase may iba't ibang babae siyang nilalandi!
Nang matapos ang klase pinili ni Lanz na ihatid ako.
Hindi naman ako tumangi.
Isapa kung nalaman na ni Mys ang tungkol kay Jao mabuti siguro kung malaman din ni Lanz.
Hindi naman siguro niya ako rereport.
Isa pa gagraduate na kami. Maganda siguro kung sundi ko kahit papaano ang payo niyang ipakilala si Jao sa lahat.
Tama naman kase iyon.
"Salamat sa pag hatid Lanz ha? "
Sabi noong malapit na kami.
May sakiling sasakyan si Lanz. Isang rover.
Ngumiti ito sa akin at tumango.
Ito ang kaunaunahang beses na inihatid niya ako hanggang sa boarding house.
" Walang ano man. Mabuti rin dahil hinayaan mo akong ihatid ka. "
Tanaw ko na ang gate at tumigil ang sasakyan sa harap. "Nandito na tayo. "
Lumingon ako upang sana kunin ang gamit ko sa back seat nang siya na ang kumuha at ibigay ito sa akin.
Bababa na sana ako nang biglang hinalikan niya ako sa pisngi dahilan ng pananatili ko.
Kumalabog ang puso ko dahil dito.
Di nag laon napatingin ako sa kanya nginit pulang pula ito at yumuko.
Ang awkward tuloy.
Ang cute pala ni Lanz pag na ba blush. Ngayon ko lang nakita.
"Tien... S-sorry. H-hinalikan kita sa pisngi. "Nahihiyang saad nito.
Ngayon ko lang nakita siyang sobrang hiyain.
Torpe talaga
Hinawakan ko ang kanang balikat niya at tinapik dahilan ng pag angat niya ng ulo.
"Ano kaba Lanz okay lang. Salamat ulit. "Sabi ko at ako naman ngayon ang lumapit upang halikan siya sa pisngi.
Sabay kaming napatawa dahil doon.
Nawala na ang awkwardness na namuo kanina.
"Oh paano una na ako. "
Nagpaalam ako sa kakaalis lang na si Lanz bago buksan ang gate.
Laking gulat ko naman nang makita ang nang gagalaiting lalaki sa harap ko.
Bakit siya nandirito?
Bakit siya galit?
"Tapos na ba ang pakikipag landian mo sa lalaking iyon? "
Kapal ng mukha niya ha!
Sinira na nga niya ang buhay ko.
Sinira na niya ang araw ko.
Sisirain nanaman niya ang GABI KO!!
URGH!
SOBRA NA!
Sagalit ko sa kanya sasampalin ko sana siya ngunit ako ang napahiya ng masalo niya ito.
Matalim ang titig na ipinukol niya sa akin.
Inilabas niya ang panyo niya sabay punas ng piangi ko.
"Bakit kaba nakikipag halikan sa iba? Kulang pa ba ako? Anong meroon ang lalaking iyon sa wala ako? "
Reklamo miya na para bang siya pa ang dehado!
"Simula ngayon HINDI kana pwedeng lapitan ng lalaking iyon."
Inis ko siyang sinagot.
"Ah so kung ako bawal pero kung ikaw makipag landian sa mga babae mo okay lang ganoon? Lelang mo ulol! "
Tinalikuran ko siya upang pumasok na sana ngunit kinabig niya angbraso ko dahilan upang mapabalik ako sa kina tatayuan ko kaharap siya.
Nakita ko ang lapad ng ngisi niya.
"Oh! Ang ganda mo pala pag nag seselos babe. "
Panunukso nito sa akin.
Urgh!
"Hindi ako nag SESELOS! Hindi! Kahit makipag landian ka sa mga haliparot mo ng unli , HINDI AKO MAG SESELOS! Higad ka! "
Iniwan ko siya sa labas ng todo todo ang tawa.
Sira ulo siya!
Hindi ako nag seselos noh!
HINDI!Vote
Comment
Share
BINABASA MO ANG
THAT NIGHT
RomanceTOP 9 na tayo nga beshies!! The Tien Costo and Micael Mys Constancia Story "Babe. " Narinig ko ulit na bulong niya sa akin kasabay ng malalambot na bagay na umaangkin sa aking labi. Hindi ko siya kayang tanggihan. Hindi ako bihasa sa ganitong mg...