15

331 15 0
                                    


◆Third person POV◆

"MAMA..."
Nadudurog ang puso ni Ginang Tina Costo noong makita ang anak. 
Malaki ang pinagbago nito. 

Limang taon na ang nakalipas at lubos lubos ang pangungulila niya sa anak. 

Wala siyang nagawa noong itakwil ng kabiyak ang anak nila dahil sa pag bubuntis nito. 

Isang kilala at prominenteng pamilya ang mga Costo sa kanilang bayan. 
Sa katunayan si Tien lang ang kaisa isang taga pag mana.
Napahigpit ito ng yakap sa anak. 
Sa hindi ina asahang pag kakataon nag kita sila ng anak sa ospital kung saan pansamantalang  naka confined ang asawa dahil sa mild stroke. 

Tanging siya lang at ang pamangkin niyang si Eva ang nag babantay sa asawa. 
Simula ng umalis ang anak sa puder nila tinuring nilang anak anakan si Eva na inampon ng namayapang kapatid ni Fred Costo na si Alvin Costo at namayapang asawa nitong ni Wella Costo. Namatay sila dahil sa isang Car accident at tanging si Eva lang ang nabuhay. 

Mabait naman ang kaniyang ina anak na si Eva ag naging dahilan upang hindi nito masyadong hinahanap ang pananabik ng anak. 

Napag pasyahan ng dalawa na mag usap sa isang tea shop malapit sa Hospital matapos mamili ng gamot para sa ama ng Tien. 

"Kamusta ka na anak?  Alam mo bang miss na miss kita?  Sinubukan kitang hanapin noong itinakwil ka ng Papa mo ngunit labis na mapag laro ang tadhana."
Hawak nito ang kamay ng anak. 
Napapaiyak nalang si Ginang Tina sa tuwing na aalala nito ang gabing pina layas ng asawa ang anak. 

"Okay ako ma.  Huwag kang mag alala.  Kamusta kayo?  Galit parin ba ang Papa? "
Alangang umiling ang ginang. 
Hindi niya matiyak ang sagot sa tanong ng anak.

"Parawarin mo ang Mama anak.  Sinubukan kong kumbinsihin ang Papa mo ngunit sadyang may katigasan talaga ang luob niya . Kilala mo naman ang papa mo."
Napatango si Tien dahil dito. 
Alam niyang sa puntong iyon hindi parin sila nag kakausap ng ama.

"Anak,  nag aalala kami sa iyo. Matigas lang ang Papa mo ngunit hindi ka niya matitiis.  Ikaw parin ang Prinsesa niya.  Please Tien bumalik ka na sa atin. Gusto ko ring makapiling ang apo ko, anak. "

Napapahid ng luha si Tien habang. Naririnig nito ang pakiusap ng ina. 

'Di kalaunan napa tango rin ito dahilan ng labis na pagkasaya ng kanyang ina. 

Dahil doon nag yakapan ang dalawa.

"Salamat anak.  Sama ka sa akin at dalawin mo ang Papa mo."

Tumango ang kanyang anak at sumama ito pabalik ng ospital nang matapos silang mag usap. 

Halos hindi ma hakbang ni Tien ang kanyang mga paa habang papalapit sila ng kanyang Mama sa silid ng kanyang Papa. 

"Hali ka na anak.  Mis na mis kana ng Papa mo. "

Pabigat ng pabigat ang yapak niya hanggang sa narating niya ang pinto ng silid. 

Unti unti niyang nasinagan ang kama ng ama nang buksan ng kanyang ina ang silid.

"Fred hon,  may kasama ako... "
Basag na boses na wika ng ginang.

Napa ubo pa ang kanyang Papa habang ina alalayan ito ng pinsang hilaw niya. 

"T-Tien? A-anak ko... " malumanay nitong aari kasabay ng pag basag ng boses ng kanyang ama. 

Matiim na pinag masdan ni Eva si Tien. 

Lahat sila sa loob ng limang taon malaki ang pinag bago. 

Ang dating itim na buhok ni Fred Costo ay naging abo na gayon din ang kanyang may bahay na si Tina.  Naging maganda at seksi naman si Eva taliwas sa dating pananamit niyang pang unisex.

Naging mature na si Tien at dahil sa mga pinag daanan niya ang bahagya niyang chubby na kataaan noong nasa magulang pa niya ay umimpis. 
Naging balingkknitan ito. 

Hindi makapaniwala ang ama ni Tien nang makita ang anak. 

"P-patawarin mo ang Papa anak... " saad nito kasabay ng pag taas ng isang kamay dahil ang kaliwa niya ah hindi nito magalaw pansamantala. 

Napaiyak itong niyakap ang kanyang ama. 

"Papa. "

SALOOB ng limang taon marahil ang nag hilom na ang mga sugat sa kanilang mga puso.

Naging ma ayos na silang lahat at tama ang sabi ng karamihang Walang magulang ang makakatiis sa kanilang anak. 
Gaano man ito ka bigat ang kanyang kasalanan magihing wagas ang pag mamahal ng isang magulang. 

Matagal na namalagi roon si Tien hanggang sa nag paalam ito upangbpumasok na sa kanhang trabaho. 

"Mag iingat ka anak. "
Magina ag garagal na tago bilkn ng kanyang ama.  Tuango naman siya at hinalikan sa pisngi ang ama bago yumakag. 

"Opo papa alis na po ako. "

Matiwasay ang pakiramdam ni Tien ng umalis ito sa ospital. 

Kahit papaano nabawasan ang bigat na dinadala niya. 

Bukas babalik nanaman siya sa dating gawi. 

Sa trabaho. 

Sa taong kailangang hingan niya ng tulong para sa anak...

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️
Vote
Comment
Share

THAT NIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon