Ika-limang Kabanata
HINDI mapakali sa kinatatayuan niya si Storm. Maya't maya siyang lumalakad pasulong at paatras sa kadahilanang pinamamahayan ng kaba ang kanyang dibdib.
Ngayon kasi ang araw na dadalaw sa kanya si Adelaida, wala naman kaso sa kanya iyon. Ang problema, ay baka mapag-usapan ang tungkol sa kasal. . .
Iniisip niya kung paano haharapin iyon, gayong hindi naman siya ang tunay na Henrique.
"Kapatid, tila ika'y balisa? Hindi ka ba nagagalak na masilayan muli ang mukha ng iyong kasintahan?" tanong sa kanya ni Julio.
"Nasisiyahan ako," pagsisinungaling niya.
"Ngunit kasalungat iyon nang nakikita ko ngayon."
"Masyado lang malikot ang iyong isip."
Nagkibit-balikat si Julio. "Siguro nga."
Maya-maya lang ay lumapit na sa kanila ang kanilang ina at niyaya na sila nito patungo sa may hapag-kainan kung saan naghihintay ang Pamilya Sarmiento. . . ang pamilya ni Adelaida.
"Magandang tanghali sa inyo, salamat at naisipan ninyong bisitahin ang aking anak na si Henrique," entrada ng matanda pagkarating nila roon.
Tiningnan niya ang kanilang tatlong panauhin na nakaupo sa mga upuan sa harapan ng mesa.
Dalawang may edad na at isang dalaga . . . kumunot ang kanyang noo ng pagtingin niya rito ay ngumiti ito sa kanya. Ngunit napawi ang pagkakakunot ng kanyang noo nang mapagtanto niya kung sino ito.
Si Adelaida. . . .
Magandang babae si Adelaida. Mayroon itong kulay ng isang tunay na Filipina ngunit ang hitsura nito ay makikitaan na nahaluan ng ibang lahi, marahil ay lahing Español dahil sa pilik-mata nitong malantik, sa ilong nitong matangos at ang labi nitong manipis at natural na mapula.
Umangat ang sulok ng kanyang labi. Hindi naman pala siya lugi kay Adelaida. Dahil maganda ito, at puwedeng-puwede itong tsibugin. Ngunit hanggang doon lamang iyon. Dahil hindi siya papayag na makasal dito.
No way in hell.
"Mukhang nangulila nang husto ang ginoo sa aming anak. Hindi mawaglit ang kanyang paningin kay Adelaida," anang ina ni Adelaida kaya umiwas siya agad nang tingin dito.
Lumapit sa kanya ang ina niya saka may ibinulong sa kanya. "Sinabi ko na sa 'yo, ang puso hindi kailanman makalilimot. . . ."
Sa halip na magsalita ay naupo na rin lamang siya sa upuan sa harapan ng mesa.
Sasandok na sana siya ng kanin ngunit pinigilan siya ng kanyang ina.
"Kailangan muna nating manalangin."
"Ngunit ina, noong nakaraan hindi tayo nagdarasal bago kumain," protesta niya.
"Sapagkat ang mga dumaang araw na iyon ay magulo. Palagi kayong nag-aaway ni Julio sa harap ng hapag-kainan at hindi iyon nakaliligaya . . . ngunit ngayon, ako'y nasisiyahan dahil nagkakasundo na kayo."
Tama naman ito. Ang pag-aaway nila sa harapan ng mga pagkain ay talagang kawalang respeto. Ngunit ngayon, nagagawa niya na itong pakisamahan.
BINABASA MO ANG
Stellar Remnants
Historical FictionCan love be a way to stay together despite of difference in time? Storm Desiderio is a man who loves to collect things that is older than his age. Ngunit kahit mahilig siya sa mga gano'ng bagay ay hindi niya namana ang katangian ng mga kalalakihan d...