Ikalabing-dalawang Kabanata
HINDI mapalis ang ngiti sa labi ni Florella pagtapak pa lamang ng kaniyang mga paa sa harapan ng kanilang munting tahanan. Anim na araw din niyang hindi nakita ang kaniyang pamilya kaya naman, nangungulila siya ngayon nang husto sa mga ito.
"Inay!" nagagalak niyang tawag sa kaniyang ina at lumundag-lundag pa siya habang naglalakad papasok sa loob ng kanilang tahanan.
"Diyos ko po!" sigaw ng kan'yang ina nang makita siya nito sa pintuan.
"Inay, nangulila po ako sa inyo nang husto!" Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata bago niya nilapitan ang ina at ginawaran ito nang mahigpit na yakap.
"Ako rin, anak ko!" tugon ng kanyang ina at sinuklian nito ang kan'yang yakap.
"Inay, kumusta naman po kayo habang ako'y wala rito?" Humiwalay siya sa pagkakayakap dito. Pagkatapos ay naupo sila sa upuang kawayan.
"Maayos naman anak, ikaw? Kumusta ka naman doon? Hindi ka ba pinahihirapan ng mga Buenaventura?" Nag-aalalang tanong ng kaniyang ina.
Umiling-iling siya tsaka ngumiti. "Hindi po ina. Nagkamali po ako tungkol sa paghusga sa ugali nila, sapagkat ang mga Buenaventura po ay mabubuti ang kalooban at marunong pong makisama sa mga mahihirap na katulad natin."
Huminga ng malalim ang kan'yang ina. "Mabuti naman kung ganoon, nabunutan tuloy ako ng tinik sa dibdib."
"Inay, wag kang mag-alala, sadyang maayos po ang lagay ko doon."
"Naniniwala ako sa sinasabi mo anak. Teka, kumain ka na ba ng umagahan?"
Hinawakan niya ang kan'yang tiyan tapos ay marahan iyung hinaplos. "Hindi pa nga po inay, eh. Mayroon na po ba tayong makakain d'yan?"
"Naku, aking anak, hindi ko sigurado kung may kanin pa at ulam dahil kanina, bago pumunta sa sakahan ng mga Sarmiento ang iyong ama ay kumain muna siya tsaka pinagbalot ko na rin ng kakainin niya pagdating ng tanghalian." Sagot ng kaniyang ina at tumaltak pa ito.
"Ayos lang po iyon inay, magluluto na lamang po ako ng aking kakainin.. teka lang po, nasaan po si ate?" Tanong niya rito saka lumilinga-linga sa paligid.
"Naroroon sa puting buhangin ang iyong kapatid. Nilalabhan niya doon ang aming maruruming kasuotan."
"Inay, maaari po bang magluto na ako ng umagahan ko? Tapos po ay pupuntahan ko si ate sa ilog? Tiyak na matutuwa po s'ya kapag ako'y kaniyang nakita!"
Pinanggigilan ng kan'yang ina ang kaniyang pisngi. "Hindi ba kakauwi mo pa lamang anak? Manatili ka muna dito sa ating tahanan. Hintayin mo na lang ang pagbalik ng iyong kapatid."
Bumusangot ang kaniyang mukha. "Ngunit inay, hindi naman po ako pagod..." Mariin niyang sabi.
Bumuntung-hininga ang kan'yang ina tapos ay hinawakan nito ang kaniyang kamay saka iyon pinisil. "Matitiis ba naman kita? Sige na, magluto ka na tapos ay pumunta ka na sa ilog. Tuloy ipagdala mo na rin ng makakain ang iyong kapatid."
Ang nakabusangot niyang mukha ay napalitan ng isang malawak na ngiti. "Salamat inay!" Sagot niya tapos ay tumayo na s'ya at naglakad na patungo sa maliit nilang kusina.
Pagkarating niya doon ay humanap kaagad siya ng pagkain na maaari niyang lutuin. Pero hindi niya na pala kailangang magluto. Dahil may nakita siya sa tungkuan na, okrang sinapaw na nakalagay sa kanin, tapos ay binuksan niya rin ang isa pang palayok, at nakita niya na may pinais pang isda doon na at tingin niya'y sapat naman sa kanilang dalawa ng Ate Justa niya ang kanin at ulam na iyon.
"Inay, hindi na po ako magluluto! May natira pa pong pagkain si ama, ito na lamang po ang pagkakasyahin namin ni ate." Sabi niya at dahil maliit lang naman ang kanilang bahay, umabot iyon sa pandinig ng kaniyang ina.
![](https://img.wattpad.com/cover/210735565-288-k567119.jpg)
BINABASA MO ANG
Stellar Remnants
Historical FictionCan love be a way to stay together despite of difference in time? Storm Desiderio is a man who loves to collect things that is older than his age. Ngunit kahit mahilig siya sa mga gano'ng bagay ay hindi niya namana ang katangian ng mga kalalakihan d...