Ikalawang Kabanata
TOTOONG hindi na dumaan kung saan-saan si Storm. Umuwi kaagad siya ng bahay. Pagkauwi niya, sumalubong sa kaniya ang amang umiiling-iling nang makita siyang bumaba mula sa kaniyang sasakyan.
"Nakabili ka ba ng balisong? O isinuksok mo na naman 'yang espada mo sa kung sinong babae diyan?"
"Dad naman, tingin mo ba sa 'kin ay palagi na lang nambababae?" tanong niya rito habang inaayos ang sasakyan sa garahe.
"Bakit hindi ba? anyway, ano’ng klaseng balisong naman ang nabili mo?"
Isinarado niya ang pinto ng sasakyan. "I'll show it to you dad, kung pauuwiin mo na rito si Rain."
Nagsalubong ang kilay nito. "Sorry my son, I already told you, my decision is final..."
"Dad."
"Wala na tayong pag-uusapan Storm, pupunta na ako sa hacienda," paalam nito at mabibigat ang yabag ng paa nito nang naglakad papalayo sa kanya.
Napahinga siya nang malalim at hindi niya naiwasan na isipin ang kapatid niyang si Rain. Oo nga't malaki ang pangangatawan nito, ngunit ang puso nito ay malambot pa sa isang mamon, na siya nitong kahinaan.
Isang mahabang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago siya tuluyang pumasok sa loob ng kanilang bahay.
Dumiretsyo siya sa kanyang kwarto upang hubarin ang suot niyang black cuban collar shirt at tanging itinira ang suot niyang denim pants. Pagkatapos ay pumunta na siya sa basement ng kanilang bahay kung saan naka-display ang kanyang mga antique collection.
Pagpasok niya sa may basement ay bumungad sa kanya ang classic na amoy ng kanyang mga koleksyon. Hindi niya maiwasan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang kanyang paligid na tila dinadala siya sa nakalipas na panahon.
Naglakad siya patungo sa isang istante pagkatapos ay doon inilagay ang nabiling balisong. Isasabit niya na sana sa dingding ang medalyon na ibinigay sa kanya ng matanda nang marinig niyang may nagsalita mula sa kanyang likuran.
"That's too classic."
Umikot siya paharap sa kanyang likuran.
"Thunder? Akala ko may trabaho ka?"
"Early out," kaswal nitong sabi saka naupo sa mesang gawa sa punong narra.
Tumango-tango siya. "Wala kang module na pag-aaralan ngayon?"
Umiiling-iling ito.
Sa unang pagkakataon ay hindi siya makapaniwala sa tugon ng kanyang kapatid. Sa kanilang tatlo kasi, si Thunder ang pinakamahilig mag-aral, at kahit nasa bahay na ito ay libro pa rin ang nanaisin nitong kaharap. Kaya nagtataka siya ngayon kung bakit ito napadpad sa basement at mukhang nasisiyahan pa habang pinagmamasdan ang kanyang mga koleksyon.
"Nga pala Storm, nakipagkita ako kay Rain kanina, tapos binigyan ko siya ng pera at ikinuha ko na rin siya ng apartment na pansamantala niyang tutuluyan."
"Talaga? Bakit hindi mo sinabi sa akin? 'Di, sana nakausap ko rin si Rain."
"Kung sinabi ko ba sa 'yo, makakapunta ka ba agad?"
"Hindi," sagot niya nang mapagtanto niyang may punto si Thunder.
"Iyun lang ba ang sasabihin mo kaya pinuntahan mo ako dito sa basement?"
Tumitig sa kanya si Thunder, titig na nag-aalanganin."Spill it out, Thunder."
Huminga ito nang malalim. "I met a freshman student in the university and I found her cute... I think I like her."
"Oh? Baka makasuhan ka niyan ng child abused."
"Impossible, she's nineteen years old... pero alam mo bro, kung ano ang problema ko?"
"Ano?"
"May boyfriend siya."
"Oh? problema nga 'yan. pero sana na-cu-curious ka lang sa babaeng 'yan."
"Sana nga," sagot nito. Isasabit na sana niya sa dingding ang medalyon nang awatin siya nito.
"Bakit?"
"Gusto ko lang makita sa malapit 'yang medalyon na hawak mo, can I see that?"
"Sure." Iniabot na niya rito ang medalyon.
"Magkano bili mo rito? I'm sure mahal ito, ang bigat kasi tapos 'yung design, sobrang kakaiba."
Kumunot ang noo niya. "Kakaiba? Wala namang kakaiba d'yan, ah."
"Basta iba ang pakiramdam ko sa medalyon na ito. Itapon mo na lang kaya?"
Hindi niya nagustuhan ang suhestyon nito. Kinuha niya rito ang medalyon saka iyon isinabit sa dingding. "Kung ikaw kaya ang itapon ko? Bigay na nga lang ng may awa, eh."
"Bigay lang sa 'yo iyan? Unbelievable."
"Bakit ba ayaw mong maniwala? Hindi ko talaga iyon binili, bigay lang 'yun sa akin ng matandang binilhan ko ng balisong."
"Paano ako maniniwala? Gawa kaya sa pinaghalong na gold at silver iyon."
Tumulis ang kanyang nguso, hindi makapaniwala sa sinabi nito.
"Ayaw mong maniwala sa 'kin? Ibigay mo sa akin ang medalyon at i-che-check ko."
Inalis niya sa sabitan sa dingding saka iyon ibinigay dito. Pagkabigay niya rito ng medalyon ay kinagat nito ang kulay gintong bahagi noon at nagsalubong ang kilay niya ng bumaon doon ang ngipin nito.
"See? I told you this is made of gold and silver. Malambot lang ang gold, kaya kapag kinagat siya babaon talaga ang ngipin ng kumagat."
"How about the silver?"
Umiling-iling ito. "Matigas ang silver, bro."
"Saan mo naman natutunan 'yang mga ganyan?"
"Sa teacher ko sa science noong high school," sagot nito at ibinigay na muli sa kanya ang medalyon.
"Wala na bang ibang sinabi sa 'yo ang matandang nagbigay sa 'yo niyan?"
Nagsalubong ang kanyang kilay nang maalala niya ang huling katagang binitawan ng matanda bago siya umalis.
"Naalala ko Thunder, may sinabi sa akin 'yung matanda..."
"Ano?"
"Magbabago raw ang takbo ng buhay ko kapag isinuot ko ito."
Humagalpak ito sa tawa. "Seriously? Baka naman 'pag isinuot mo iyan magiging super hero ka, o di kaya'y mas lalo kang hahabulin ng mga babae!"
Napatawa rin siya. "Gusto ko 'yung pangalawa mong sinabi."
"Why don't you try? Wala naman sigurong mawawala?"
"Kapag isinuot ko ito, isuot mo rin pagkatapos ko, ha? Hindi lang dapat ako ang magkaroon ng kapangyarihan, bro."
Lalong lumakas ang tawa ni Thunder. "Tarantado ka, gawin mo na ngayon, isuot mo na."
"Sige, sige," sagot niya at panay ang kanyang tawa habang isinusuot niya iyon sa leeg niya... ngunit ng tuluyan na 'yung naka-kwintas sa kanyang leeg ay napatigil siya sa pagtawa.
Bigla na lang kasi siyang nahirapang huminga, at kasunod niyon ay nag-iba ang hitsura ng kanyang paligid. Ultimong ang kanyang kapatid na si Thunder ay nawala sa kanyang paningin. Napaatras siya, at sa pag-atras niya'y nahulog siya sa isang malalim na butas na hindi niya malaman kung bakit nagkaroon ng gano'n sa loob ng basement.
"Thunder! Tulong!" sigaw niya pero parang hindi siya nito naririnig… hanggang sa naramdaman niya ang pagbulusok niya pababa, ang paghina nang tibok ng kanyang puso.
Hanggang sa hindi niya na nakayanan at tuluyan nang nagdilim ang kanyang paningin.
BINABASA MO ANG
Stellar Remnants
Historische fictieCan love be a way to stay together despite of difference in time? Storm Desiderio is a man who loves to collect things that is older than his age. Ngunit kahit mahilig siya sa mga gano'ng bagay ay hindi niya namana ang katangian ng mga kalalakihan d...