Ika-dalawampu't apat na Kabanata
Hulyo, 05, 1946
ILANG TAON na rin ang lumipas simula ng sakupin ng mga hapones ang Pilipinas. Maraming karumal-dumal na pangyayari ang naganap, patunay na roon ang Death March. Kung saan pinaglakad nang pagkalayo-layo ang mga Filipino, pati na rin ang paglapastangan ng mga gerilyang hapon sa mga kababaihan.
Halos lahat ng babaeng kanilang bihag ay ginawa nilang parausan. Idagdag pa ang pagpatay nila sa mga walang kalaban-laban, sa mga batang hindi pa masyadong nasisilayan ang ganda ng mundo ngunit pinatay nila gamit ang kanilang armas na bayoneta.
Marami pang naganap na karumal-dumal, kasakiman at kasamaan. Naisin man nilang tumulong ng mga panahong iyon ay wala silang nagawa. Kulang sila sa armas at kulang rin sa kasamahan, kaya nanatili na lamang sila sa loob ng gubat at naghintay na lamang kung kailan makakalaya.
Ngunit kahit nasa loob ng gubat ay hindi naging malungkot ang daloy ng kan'yang araw-araw na buhay sapagkat kasama niya ang babaeng mahal niya, si Florella.
Aaminin niyang marami siyang pagkakataong angkinin ito, ngunit hindi niya ginawa dahil iginagalang niya ito at saka nangako siya sa ama nito na papakasalan niya muna ito.
At ito na nga, dumating na araw na kan'yang pinakahihintay. Ang paglabas sa gubat, ang paglaya.
Kahapon pa nila nabalitaan na malaya na ang Pilipinas. Ngunit hindi agad sila lumabas ng gubat dahil nais muna nilang makasiguro. At ngayong tahimik na ang kapaligiran, ito na ang pagkakataon nila upang masilayan muli ang ganda ng mundo.
"Sana naman ay may bahagi pang buo ang mansyon." Sabi ng kan'yang ina sabay angkla sa kaniyang braso.
"Kung wala man ina, gumawa na lang tayo ng panibago." Sabi niya at nginitian niya ito tapos ay tumingin siya sa kinaroroonan ni Florella at Fermina na hawak-hawak ang anak nitong si Julia.
Maayos na naipagbuntis ni Fermina ang anak nito at ni Julio kahit pa nga nasa loob sila ng gubat. At sa tulong ni Justa, na may kaalaman pala sa pagpapaanak, nailuwal ni Fermina ng maayos ang batang babae at isinunod ni Fermina ang pangalan ng bata kay Julio.
Napatitig siya kay Florella habang nilalaro ang bata. Hindi niya rin maiwasan ang mapangiti.
"Mahal mo talaga siya, anak." Anang kan'yang ina.
"Sobra, ina." Sagot niya at nang kawayan siya nito ay nagpaalam muna siyang lalapit sa kan'yang kasintahan.
"Nakakatuwa talaga si Julia, aking irog! Tiyak na mangungulila ako sa kan'ya kapag lumabas na tayo dito sa gubat." Sabi ni Florella at ngumuso pa ito sa kaniya at nang saglit na mapatingin si Fermina sa ibang bagay ay mabilis nitong pinisil ang pisngi ng bata na ikinaiyak nito nang malakas.
"Gumawa na nga kayo agad ng bata pagkaalis natin dito sa gubat! Mamamayat 'tong anak ko sa kapipisil niyang kasintahan mo Henrique, eh!" Sabi ni Fermina habang pinapatahan nito si Julia.
Si Florella naman ay napahagikhik na lamang at nang muli nitong pipisilin ang pisngi ng bata ay sumakto ang hintuturo sa bibig niyon. At dahil madaling manggigil ang bata, nakagat nito iyon.
"Aray!" Daing ni Florella.
Napailing-iling siya saka mahinang tumawa bago hinawakan ang hintuturo nitong nakagat ni Julio saka iyon hinilot. "Pagkakasal natin, gagawa agad tayo ng supling upang hindi na si Julia ang iyong laging mapagdiskitahan."
Namula ang pisngi ng dalaga at napanguso na lamang sa sinabi niya.
Sa tinagal-tagal na nakasama niya ito, ay palagi pa rin itong pinamumulahan ng pisngi sa t'wing pag-uusapan nila ang tungkol sa gano'ng bagay.
BINABASA MO ANG
Stellar Remnants
Narrativa StoricaCan love be a way to stay together despite of difference in time? Storm Desiderio is a man who loves to collect things that is older than his age. Ngunit kahit mahilig siya sa mga gano'ng bagay ay hindi niya namana ang katangian ng mga kalalakihan d...