Ikalabing-limang Kabanata

83 5 1
                                    

Ikalabing-limang Kabanata

KAHIT papaano'y nabawasan ang lungkot na nararamdaman ni Storm dahil palaging nasa tabi niya si Florella. Tulad na lamang kahapon, kasama niya ito sa pamilihan at dalawang beses pa nga'y napagkamalan itong kaniyang kasintahan.

Una, noong tumitingin sila nang mga panindang bulaklak. Inakala ng tindera na kasintahan niya ito, at dahil may lihim siyang pagtingin dito ay bumili siya ng bulaklak saka ibinigay rito.

Kinilig pa siya sa kan'yang loob-loob ng walang pag-aalinlangang tinanggap iyon ng dalaga.

Pangalawa, nang bumili sila nang gamit pambata na ibibigay niya kay Fermina upang kahit papano'y magkaroon ito ng dahilan upang ngumiti.

Dahil nasisigurado niyang kung buhay pa si Julio, ganoon rin ang gagawin nito.

Bibili rin ito ng mga gamit pambata, sayang nga lamang dahil maaga itong nawala.

Mapait na naman siyang napangiti nang maisip niya si Julio. Mabuti na lamang at may kumatok sa pinto ng kan'yang silid kaya nalihis na ang kaniyang pag-iisip.

"Ginoo, naghanda po ako ng almusal. Bakit po hindi pa kayo bumababa?" tanong sa kan'ya ni Melba.

Nagsalubong ang kaniyang kilay dahil si Melba ang kan'yang nakita ngayong umaga. "Nasaan si Binibining Florella, Ate Melba?"

Nakakaloko siyang nginitian ni Melba. "Ginoo, si Florella ay pinagpahinga ko muna dahil napagod raw po siya kahapon? Ano po bang ginawa ninyo?" pag-usisa nito sa kan'ya.

"Ate Melba, bumili lang nang mangunguya saka gamit pambata para sa magiging anak ni Julio at Fermina."

Napalis ang ngiti sa labi ni Melba. "Sayang ginoo, wala na rito si Ginoong Julio. "

Nilapitan niya ito saka hinawakan ang magkabilang-balikat. "Ate, hindi wala si kuya.. nandito pa rin siya, sa aking puso, sa aming puso."

"Naniniwala ako sa iyong sinabi Ginoong Henrique, ngunit may nais lamang po akong itanong?"

"Ano po 'yun?"

"Kasama ba ang bungkos ng bulaklak ng rosas sa gamit pambata?" Natatawang tanong nito sa kaniya.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Ate Melba!"

Hindi na umimik si Melba, humahighik lang ito bago bumaba sa may hagdanan. Siya nama'y bumaba na rin saka tinungo ang hapag-kainan.

Pagkarating niya doon ay ang malungkot na mukha pa rin ni Fermina at ng kan'yang ina ang bumungad sa kanya. Nilapitan niya ang kaniyang ina saka naupo sa tabi nito.

"Ina, ngumiti naman kayo, oh. Hindi masisiyahan si Julio kapag nakita niya ang mukha niyo ngayon, lalo ka na Fermina..."

Mapait na ngumiti ang kan'yang ina. "Ang hirap magpanggap anak, ang hirap..."

Napabuntung-hininga siya. "Ako rin ina, nahihirapan rin po ako ngunit iniisip ko na lamang po na nandito lang si Julio para hindi ako masyadong malungkot."

"Pasensya ka na Henrique, sige, susubukan kong ngumiti para sa anak namin ni Julio." Sabat ni Fermina.

Nginitian niya ito. "Mabuti kung ganoon, sa tingin ko nama'y ito rin ang gusto ni Julio, ang makita kang nakangiti." Sabi niya at nginitian lang siya ni Fermina.

"Manalangin muna tayo, anak. Ikaw na ang manguna." Sabi ng kan'yang ina.

"Sige po." Sagot niya saka sinimulan na ang pananalangin. Pagkatapos manalangin ay nag-umpisa na silang kumain.

Pagkatapos kumain, nilisan na niya ang hapag-kainan saka naman tinungo ang silid nina Florella. Pagkarating niya doon ay kumatok siya sa pinto ngunit walang nagbubukas, kaya naisip niya na wala doon ang dalaga.

Stellar RemnantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon