Ikalabing-apat na Kabanata

89 5 0
                                    

Ikalabing-apat na Kabanata

SIYAM na araw na ang lumipas simula ng ilibing si Julio ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isipan ni Storm ang masamang pangyayari noong araw na iyon.

Nalulungkot rin siyang isipin na hindi nakauwi ang ama nito. Pinadalhan nila ito ng liham, ngunit alam nilang hindi kaagad iyon makakarating dito. Kaya kahit masakit, napagpasyahan nilang ilibing na si Julio dahil baka magkaroon pa ito ng amoy.

Samantalang si Adelaida naman, ay hindi pa rin nasasakote. Nagtago na raw ang dalaga kasama ang pamilya nito.

Napasulyap siya kay Fermina na sobrang paga na ang ilalim ng mata at hindi man lang ginagalaw ang pagkaing nasa harapan nito.

Magkakasabay silang kumain, ngunit kahit anong sarap ng pagkain na nasa ibabaw ng mesa ay hindi nila magawang kumain ng ayos.

Tiningnan niya naman ang kan'yang ina, tulad ni Fermina ay namamaga rin ang ilalim ng mga mata nito habang nakatulala sa pagkain.

Napabuntung-hininga siya, nalulungkot rin siya sa pagkawala ni Julio. At kahit hindi ibuka ng kaniyang bibig, alam niya sa puso niya na sa loob ng maikling panahon ay napalapit na siya rito at itinuring niya na rin itong isang tunay na kapatid.

Sinisisi niya pa rin hanggang ngayon ang kaniyang sarili, pakiramdam niya'y siya ang dahilan kung bakit ito namatay.

"K-kung itinuloy ko lang sana ang pag-iisang dibdib namin ni Adelaida, hindi sana mangyayari ito..." Sabi niya saka lumapit kay Fermina at lumuhod sa harapan nito.

"P-patawad, hindi sana mawawalan ng ama ang magiging anak niyo, kung di dahil sa akin." Sabi niya at naramdaman niyang hinawakan ni Fermina ang kan'yang magkabilang-balikat.

"Hindi kita sinisisi Henrique sa nangyari, at alam kong ganoon din ang iyong kapatid na si Julio.. w-walang may gusto na mawalan ako ng asawa at mawalan ng magiging ama ang magiging anak namin. Tumayo ka na riyan, hindi gugustuhin ni Julio na makita ka sa ganyang kalagayan."

Mapait siyang napangiti sa sinabi ni Fermina bago s'ya tumayo. "Kay palad ng aking kapatid dahil ikaw ang naging asawa niya."

"Mapalad rin siya sayo, Henrique dahil ikaw ang kapatid niya." Sabi naman ni Fermina at nginitian niya lang ito bago siya tuluyang bumalik sa kaniyang kinauupuan at ipinagpatuloy ang kan'yang walang kagana-ganang pagkain.

Habang kumakain ay sumagi sa kan'yang isipan si Julio. Ang pang-iinis nito sa kaniya, ang mga payo, at ang masaya nilang pinagsamahan na hindi na mauulit dahil sumakabilang-buhay na ito.

Ang daming nangyari sa panahong kinalalagyan niya ngayon. Mayroong mabuti, tulad na lamang ng hindi na siya nambabae ngayon... Ngunit mayroon din namang masama, 'yun ay ang pagkamatay ni Julio.

"Ina, maaari po bang pagkatapos kung kumain ay pumunta ako sa pulang bato?" Paalam niya sa matanda.

"Anong gagawin mo doon? Baka makita ka ni Adelaida at pati ikaw ——"

"Ina, hindi na babalik si Adelaida.. at kung muli mang magsanga ang aming landas, hindi ako mangingiwing kitilin siya, ipaghihiganti ko si kuya." Mariin niyang sabi saka ikinuyom ang kan'yang mga kamao.

"Anak, maaaring may masamang ginawa sa ating pamilya si Adelaida. Ngunit hindi iyon dahilan upang ika'y maghiganti.. masama ang maghiganti sa kapwa, anak."

"Ina, ano'ng gusto ninyong mangyari? Ang tumahimik na lamang po ako? Hindi ko naman po yata kaya iyon."

"Anak, sa tingin mo ba'y matutuwa si J-julio kapag nalaman niya ang binabalak mo? Saka anak, kapag pumatay ka, magiging katulad mo na sila.. hayaan mo na ang diyos ang humatol sa ginawang pagkakasala ni Adelaida."

Stellar RemnantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon