Ikalabing-tatlong Kabanata
MAGDAMAG na mulat ang mga mata ni Storm. Hindi niya nagawang matulog dahil sa ginawa niya kanina kay Florella. Ang pagyakap niya rito, ang pagsasabi niya nang katagang 'I missed you', hindi siya pinatulog niyon.
"Maaari kayang hindi na lang ako basta nahihiwagaan sa iyo? Maaari kayang pagmamahal na itong nararamdaman ko sa'yo?" Tanong niya sa kan'yang sarili at bahagya pa siyang napangiti nang mapagtanto niya na lumalalim na rin ang kaniyang pananagalog at napailing naman siya dahil nararamdaman niyang nag-iiba na ang pagtingin niya sa dalaga nilang tagapagsilbi.
Alam niyang madaling-araw na, dahil naririnig na niya ang tilaok ng dalawang tandang na manok sa likod ng mansyon. Nais niya na talagang matulog, ngunit parang ayaw 'yung mangyari ng kan'yang puso.
Parang gusto lang nito na alalahanin niya ang kan'yang ginawa.
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at pilit na natulog. Ngunit ng unti-unti nang lumalalim ang kan'yang paghinga ay siya namang biglang pagkalabog ng pinto nang silid.
Napabalikwas siya nang bangon at nakita niya si Julio sa paanan ng kama habang ngingiti-ngiti sa kaniya.
"Kuya, binulahaw mo ako." Sabi niya saka kumamot sa kaniyang batok.
Lumapit ito sa may mesa saka ipinatong doon ang nagniningas na gasera. "Umaga na kapatid, nabulahaw pa kita?"
Kumamot na lang siya sa kaniyang batok saka muling humiga sa higaan. "Bakit ba napakaaga mong mang-abala kuya? Hindi ba maaaring mamaya na lamang tayo mag-usap?"
Bumunsangot ang mukha ni Julio. "May sasabihin sana ako sa'yo tungkol sa amin ni Fermina..."
"Sabihin mo na agad kuya." Naiinip niyang sabi.
Kumamot sa batok si Julio tsaka s'ya sinamaan ng tingin. "Nais ko sanang ipaalam sa'yo na nagpatawag ako ng manggagamot kanina, upang patingnan si Fermina."
"Bakit? Ano'ng nangyari sa iyong asawa?" Nag-aalala niyang tanong dito.
Isang napakatamis na ngiti ang gumuhit sa labi ni Julio. "Ang aking kabiyak ay nagdadalang-tao kapatid! Magiging isang ama na ako!"
Napangiti rin siya dahil sa sinabi nito. "Ako'y lubusang natutuwa sa iyong sinabi kapatid. Sana nga lang, kamukha ni Fermina ang magiging anak niyo para siguradong maganda." Natatawa niyang sabi kaya binatukan siya nito. Napatawa rin naman si Julio dahil sa ginawa nito sa kaniya.
"Kapatid, magpapahanda nga pala si ina mamaya nang piging, ating ipagdidiwang ang pagdadalang-tao ng aking butihing asawa."
"Nakakatuwa namang marinig iyan.. alam mo, masaya ako para sa'yo." Sabi niya at naupo si Julio sa gilid ng kanyang higaan.
"Ako ang lubos na nasisiyahan... Ah, kapatid nais ko nga palang humingi nang paumanhin sa'yo, sa nasabi kong mas mainam pa'y bumalik ka na lamang sa Amerika at doon magkalat."
Tinapik-tapik niya ang balikat nito. "Wala iyon." Tanging nasabi niya.
"Salamat at napakabukal ng iyong puso kapatid." Sabi ni Julio tsaka siya nito niyakap. Niyakap niya rin naman ito pabalik at naalala niya na naman tuloy ang dalawa niyang kapatid na nasa hinaharap.
Si Thunder at Rain...
Kumalas na si Julio mula sa pagkakayakap sa kaniya. "Bumangon ka na nga kapatid, at tutulong tayo sa pag-aayos ng mga gagamitin mamaya sa piging." Sabi nito kaya bumangon na siya at sabay silang lumabas sa silid.
Dumiretsyo naman muna siya sa palikuran upang maglinis ng kaniyang sarili. At nang makatapos, ay lumabas na siya at dumiretsyo sa may tanggapan ng kanilang mansyon.
BINABASA MO ANG
Stellar Remnants
Historical FictionCan love be a way to stay together despite of difference in time? Storm Desiderio is a man who loves to collect things that is older than his age. Ngunit kahit mahilig siya sa mga gano'ng bagay ay hindi niya namana ang katangian ng mga kalalakihan d...