Ikalabing-siyam na Kabanata

85 7 0
                                    

Ikalabing-siyam na Kabanata

IMPIT na napadaing si Storm habang marahan niyang iminumulat ang kan'yang mga mata. Umiinat-inat rin siya at hindi niya maiwasan ang mapangiwi sa tuwing kumikirot ang kaniyang katawan.

Tirik na ang araw at sumisilay na ang mumunting liwanag sa siwang ng mga palapa ng niyog na bubong sa kan'yang hinihigaan. Nais niya nang bumangon, ngunit hindi niya magawa dahil namamanhid sa sakit ang kaniyang katawan.

Natapos kasi nilang gawain kahapon ng ama ni Florella ang kanilang pansamantalang titirahan. Ngunit mas pagod siya kaysa rito, dahil kaunting oras lamang naman siya nito tinulungan sa paghuhukay sa lupa, pagkatapos ay inutusan pa siya nitong kumuha ng mga palapa ng niyog saka ng mga sanga ng mga punong kahoy upang iyon ang gawing bubungan.

Wala naman siyang nagawa kung di ang tumalima na lamang dahil utos iyon nang ama ng babaeng iniibig niya at kahit pagod na siya, at sumusuko na ang kan'yang katawan ay susundin niya pa rin ang utos nito upang mapatunayan lang na karapat-dapat siya sa anak nito.

"Wala ka bang balak bumangon señorito? Tirik na ang araw nakahilata ka pa rin."

Masakit man ang katawan ay pabalikwas na bumangon si Storm nang marinig niya ang boses ng ama ni Florella.

Iniangat nito ang mga sanga at palapang bubong, saka siya kunot-noong tinitigan. "Hindi porke't ikaw ay galing sa marangyang pamilya ay hahahayan ko ang iyong ganitong ugali. Bumangon ka na riyan, tanghali na, wala ka nang nasambot na grasya."

Napakagat na lamang siya sa kan'yang ibabang labi nang tuluyan na siyang bumangon. Tsaka umahon na sa ibabaw ng lupa na kanilang tinulugan.

"Anak!" Bungad ng kaniyang ina at kumaway-kaway pa ito sa kan'ya. Samantalang si Fermina naman ay hindi siya napansin dahil masayang nag-uusap ang dalawa ni Florella.

"Pasensya ka na anak kung hindi kita ginising, ha?" Anang kan'yang ina pagkalapit niya rito.

Tipid na lang niya itong nginitian saka naupo sa tabihan nito.

"Magandang umaga, Fermina."

Tumingin sa kan'ya si Fermina. "Gising ka na pala ginoo! Magandang umaga rin sa'yo."

Sunod niya namang binati ang ina at kapatid ni Florella. At kagaya ni Fermina, binati rin naman siya ng mga ito pabalik.

Tiningnan naman niya si Florella. Wala itong kakibo-kibo, tila hindi nadarama ang kan'yang presensya.

"Magandang umaga sa'yo, Binibining Florella." Masaya niyang bati sa dalaga at iniabot ang lantang bulaklak na nakasuksok sa bulsa ng suot niyang pantalon.

"Bakit naman lantang bulaklak ang ibinigay mo sa aking anak?" Takang tanong ng ina ni Florella sa kaniya.

"Dahil magsing-tulad ang puso ko at ang bulaklak na iyan, no'ng una ay lanta, ngunit ng dumating si Binibining Florella at haplusin ng kan'yang kamay ang aking puso ay nagkaroon ito ng buhay."

Namula ang mukha ni Florella sa katagang binitiwan niya. Siya naman ay hindi maiwasang mapangiti nang tuksuhin silang dalawa ng mga ito.

"Mabulaklak pala ang bibig ng iyong anak Señora Fidela." Anang ina ni Florella.

"Sa iyo lamang anak, Mila." Tugon naman ng kan'yang ina.

"Inay! Tama na ang panunukso sa dalawa, tingnan niyo ang mukha ng aking kapatid. Kasing pula na ng kamatis." Sabat naman ng kapatid ni Florella kaya natigil na ang mga ito sa panunukso sa kanila saka kinain ang inihaw na saging na saba sa kanilang harapan.

"Pagkatapos mo riyan, señorito, tulungan mo akong maghanap ng panggatong. Kailangan nating mag-imbak dahil malapit na ang tag-ulan... magaling na ang maagap." Sabi sa kan'ya ng ama ni Florella.

Stellar RemnantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon