Ika-anim na Kabanata
NAKAUPO sa gilid ng kama habang nakamasid sa may tanawin sa labas ng bintana ng kanyang kuwarto si Storm. Kagigising pa lamang niya at iniisip niya kung ano kayang gagawin niya ngayong araw.
Nakarinig siya ng tatlong mahihinang katok mula sa pinto ng kuwarto kaya natigil siya sa pag-iisip.
"Bukas 'yan," sabi niya at bumukas na nga ang pinto. Pumasok sa loob si Julio na mukhang kaninang panc gising at sa tingin niya'y marami na rin itong nagawa dahil sa damit nitong basang-basa ng pawis.
"Buburuhin mo na lamang ba ang iyong sarili dito sa loob ng silid?" tanong nito sa kanya.
"Masarap ang buro, Julio. Lalo na 'pag kasing-kisig ko," pagbibiro niya.
Nilapitan siya nito saka mahigpit na hinawakan ang kanyang isang braso. "Hindi nakakatawa ang biro mo, sumama ka sa 'kin maraming gawaing naghihintay sa 'yo."
"Sige," matamlay niyang sagot at inalis niya ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso. At nang maglakad ito palabas ng kuwarto ay sumunod na rin siya.
"Ano bang gawain ang sinasabi mo?" tanong niya rito habang bumababa sila sa may hagdan.
Hindi sumagot si Julio, dire-diretsyo lang ito sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa may labas ng mansyon.
"Nasaan na ang mga gawaing sinasabi mo?" Nakararamdam na siya nang pagkairita dahil kanina pa siyang tanong nang tanong pero hindi naman siya nito sinasagot.
Itinuro nito ang kanlurang bahagi ng mansyon at natanaw niya roon ang mga tauhan nilang abala sa pagbubunot ng damo.
"Oh? Anong gagawin ko?"
"Nakikita mo namang pagod na sila 'di ba? Bigyan mo sila ng inumin para guminhawa naman ang kanilang mga pakiramdam."
Umarko ang isa niyang kilay at nagtagis ang kanyang bagang. "Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi ba't tauhan natin sila? Trabaho nila 'yan, at kung nauuhaw sila, kumuha sila ng sarili nilang inumin."
Umiling-iling si Julio. "Dapat mong baliin ang katwiran mong iyan. Hindi porke't tagapagsilbi natin sila ay kailangan na natin silang alilain. Tao rin sila, kapwa natin Pilipino . . . at hindi porke't binabayaran natin sila ay kailangan nating ituring silang tauhan talaga. Minsan matuto rin tayong tumapak sa kanilang tinatapakan."
Hindi siya nagsalita, ngunit aminado siyang tinamaan siya sa sinabi nito.
"Ano na kapatid? Ikukuha mo ba sila ng tubig?"
Hindi siya muling nagsalita, sa halip ay naglakad siya patungo sa kusina ng mansyon upang kumuha ng tubig mula sa may tapayan. Pagkatapos ay dinala iyon sa kanilang mga tauhan.
"Salamat po, Ginoo," anang matandang lalaki nang abutan niya ito ng isang basong tubig.
"Kay buti po ng inyong pamilya, sapagka't hindi ninyo kami tinatratong alila," sabat naman ng babaeng halos ka-edad ni Julio.
Nginitian niya lamang ang mga ito pagkatapos ay lumapit siya kay Julio na ngayon ay nakangisi sa kanya.
"Ano? Ayos ba 'yung ginawa ko?" aniya rito.
"Oo. Gusto mo bang mangabayo? Maglibot-libot tayo," pag-anyaya nito sa kanya.
At dahil wala naman siyang ibang gagawin ay sumang-ayon siya rito. Agad silang naglakad patungo sa may kuwadra at kumuha ng tig-isang kabayo.
"Sa pulang bato tayo," ika nito.
"Saan 'yon?"
Napakamot ito sa batok. "May mga bagay ka nga palang hindi pa naaalala, sundan mo na lamang ako," pagkawika nito'y pinatakbo na nito ang kabayo.
BINABASA MO ANG
Stellar Remnants
Historical FictionCan love be a way to stay together despite of difference in time? Storm Desiderio is a man who loves to collect things that is older than his age. Ngunit kahit mahilig siya sa mga gano'ng bagay ay hindi niya namana ang katangian ng mga kalalakihan d...