Epilogue

89 3 0
                                    

Epilogue

ISANG LINGGO na ang nakalipas simula ng maihatid ni Storm at ng pamilya nito si Florella sa huli nitong hantungan.

Napag-alaman din niyang hindi na umibig si Florella ng ibang lalaki. At ang sumalubong pala sa kan'ya noong pinuntahan niya ito ay apo na ni Justa.

Kasalukuyan siyang nakatayo sa harapan ng puntod ni Florella. Unti-unti na ring pumapatak ang ulan mula sa makulimlim na langit ngunit tila hindi na iyon maramdaman ng namamanhid niyang balat.

Mapait siyang napangiti nang maisip niya ang huling sandali na nakasama niya si Florella, ang mainit nitong yakap ang kanilang saglit na pag-uusap na hindi man lang napunan ang pangungulila niya rito ng husto.

Maya-maya pa'y bumuhos na ang malakas na ulan at napapahid na lamang siya sa sulok ng kaniyang mga mata nang maramdaman niya ang pag-iinit niyon habang nakatingin sa nakasulat na mensahe sa lapida ni Florella.

I'm sorry If I can't be your happily ever after... Please do not cry, I did not die. I just became a star at night.

When you missed me, just look up at the sky.

You will be forever here in my heart, my love.

I love you, Storm.

Hindi napigilan ni Storm ang paglambot nang kan'yang mga tuhod habang binabasa iyon. Napahagulhol na lamang siya at napayakap sa puntod ni Florella, sa puntod ng babaeng handa niyang pag-alayan ng buong buhay niya ngunit hindi na niya makakasama...

WAKAS

Stellar RemnantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon