Ika-dalawampu't isang Kabanata

60 5 0
                                    

Ika-dalawampu't isang Kabanata

"SEÑORITO! Kailangan na nating magmadali! Bumangon ka na riyan at kumilos na!"

Muntik nang mapaihi sa kan'yang salawal si Storm dahil sa pagbulyaw na ginawa sa kaniya ng ama ni Florella. Iminulat niya ang kan'yang mga mata at napabalikwas siya ng bangon nang makita niyang napapalibutan na siya ng mga lalaking kasama nito kahapon.

Nakatingin ang mga ito sa kan'ya, mayroon rin ang mga itong hawak na itak sa isang kamay at salakot naman sa kabila na sa tingin niya'y isusuot ng mga ito mamaya paglabas nila sa kweba.

"Señorito, bumangon ka na at kailangan na nating puntahan ang mga bihag sa may bayan sa Escolta, kailangan na natin silang iligtas bago pa sila paglakarin patungo sa Capas Tarlac!"

Hindi na siya sumagot pa. Sa halip ay bumangon na siya mula sa pinagsapin-sapin na dahon ng saging saka hinarap ang mga ito. "Ang ating plano ay tulad nang napag-usapan natin kagabi. Mahahati tayo sa dalawang pangkat, ang isa'y manlilinlang sa mga hapones habang isa ay ang mga magliligtas sa mga bihag. Nauunawaan niyo po ba?"

"Nauunawaan namin, señorito. Nawa'y matupad natin ang ating layunin." Ani isa nilang kasama na may dugong kastila. Si Eusebio, ang lalaking nagmula sa Espanya ngunit dito na lumaki sa Pilipinas.

Isa ito sa kasama kahapon ng ama ni Florella.

"Tayo ng yumaon." Aniya at iniabot nito sa kan'ya ang isang itak.

Lumapit muna siya sa kan'yang ina na siya pa lamang gising sa kanilang mga kasama. "Ina, nawa'y makauwi kami ng ligtas."

Nginitian siya nito sabay yakap sa kaniya. "Idadalangin kong maging ligtas kayong lahat." Sabi nito at humiwalay na ito ng yakap sa kan'ya saka naman hinaplos ang kaniyang kanang pisngi. "Iyong pakakatandaan ang aking sinabi, iligtas mo lahat ng dapat mong iligtas. Sagipin mo lahat ng nangangailangan ng tulong. "

"Ina, buo na ang aking pasya, hindi ko ililigtas si Adelaida."

"Anak..."

"Kailangan na naming umalis, ina. Maya-maya pa'y sisilay na ang haring araw at ang liwanag ang kailangan naming iwasan sa oras na ito. Paalam ina, babalik ako." Sabi niya sabay tingin sa natutulog niyang kasintahan. "Babalik ako, aking binibini." Dugtong pa niya at tumatango-tango siya sa kan'yang mga kasamahan, hudyat na lalarga na sila.

"Gabayan niyo po kami panginoon, wag niyo pong hayaan na manaig ang kasamaan." Paulit-ulit na dasal ng ama ni Florella habang tinatahak nila ang daan patungo sa may piitan.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa itak habang papalapit sila nang papalapit sa selda kung saan nakapiit ang mga babae na nasa kalunos-lunos na kalagayan at mga lalaking tila nawawalan na ng pag-asa.

Bago tuluyang makalapit sa piitan ay sinenyasan niya ang mga ito na huminto muna dahil may mahalaga siyang sasabihin. "Ingatan ninyo ang inyong mga sarili, wag na wag kayong papahuli sa mga hapon at maging mapagmatyag kayo sa inyong paligid. Magkita-kita na lamang tayo mamaya sa kweba pagkatapos ng gagawin nating ito." Mahina niyang wika at pagtango ang itinugon ng mga ito sa kan'ya.

Ngayon ay nahati na sila sa dalawang pangkat. At siya ay kabilang sa mga magliligtas sa mga bihag. "Mag-iingat kayo." Paalala niya sa kabilang pangkat bago sila tuluyang naghiwa-hiwalay.

Nagtago sila sa malaking tipak na bato at minatyagan ang paligid. Maraming hapon ang nagbabantay sa mga bihag at natitiyak niyang wala silang magiging laban sa hawak ng mga itong riple at bayoneta.

"Señorito, natatanaw ko na ang pangkat nina Ginoong Lito." Anang Santiago, kasapi niya sa pangkat.

"Hintayin natin ang kanilang senyas bago tayo lumabas." Usal niya.

Stellar RemnantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon