Ikalabing-anim na Kabanata

78 6 0
                                    

Ikalabing-anim na Kabanata

DALAWANG araw na ang lumipas at nanatili pa rin sa loob ng kakahuyan sina Storm. Pagod na pagod na siya dahil bukod sa siya ang naghahanap ng kanilang makakain, ay gumawa rin siya ng dampa na kanilang pansamantalang titigilan.

Hindi naman sila makalabas ng kakahuyan, dahil baka may naghihintay na sa kanilang mga hapon sa may labas. Mabuti na nga lamang at hindi pumapasok sa loob ng kakahuyan ang mga hapon kaya ligtas sila, sa ngayon.

Napasalampak siya ng upo sa lupa saka sumandal sa maliit na katawan ng punong alatiris. Kakatapos lamang niyang ayusin ang bubungan ng dampa at totoo namang napagod siya ng husto.

"I-inom ka muna ng tubig ginoo." Alok sa kan'ya ni Florella habang iniaabot nito sa kaniya ang tubig na nakalagay sa pinutol na kawayan.

Tinanggap niya iyon. "Salamat binibini." Sabi niya at tanging tango lang ang naging tugon ng dalaga. Hindi rin nito magawang tumingin sa kan'ya ng diretsyo, marahil ay gawa ng paghalik niya dito.

"Ah, binibini.. nais ko nga palang humingi ng paumanhin dahil sa kapangahasan na aking nagawa, ngunit hindi ibig sabihin noon ay hindi totoo ang aking mga sinabi sa iyo."

Iwas pa rin ang paningin ng dalaga sa kaniya. "G-ginoo, langit ka at ako'y isang lupa.. ang iyong nararamdaman para sa akin ay hindi kapani-paniwala."

Tumayo siya saka nilapitan ang dalaga at kinuha niya ang kanang kamay nito at ipinatong iyon sa kan'yang dibdib, sa tapat ng kaniyang puso.

"Masasabi mo bang kahunghangan ang nararamdaman kong ito? Kung sa paglapat pa lamang ng iyong kamay sa aking dibdib ay bumibilis na agad ang tibok ng puso ko?"

Tiningala siya ng dalaga at maluha-luha na ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. "Ginoo, isa lang akong simpleng babae, wala akong maipagmamalaki sa buhay kung di ang aking dignidad."

"At iyon ang nagustuhan ko sa iyo, ang kasimplehan mo.. napakarikit mong dilag Binibining Florella, hindi kita ihahalintulad sa isang rosas dahil mayroon iyung tinik sa katawan. Ika'y isang santan, simple ngunit namumukadkad sa kabusilakan. At ako nama'y isang paru-paro, palaging lalapit sa'yo dahil ikaw ang nagpupunan sa kakulangan sa buhay ko. Ikaw ang aking kailangan dahil iniibig kita, binibini... Ang pag-ibig ko sayo'y totoo at hindi huwad. Nawa'y iyong paniwalaan."

"G-ginoo, ngunit paano mo maipagmamalaki ang isang dilag na tulad ko na salat sa karangyaan?"

"Walang halaga ang karangyaan, kapag ang puso'y tinamaan.. at tinamaan na ako sa'yo binibini, sapat na ang iyong kabutihang loob upang ika'y aking ipagmalaki."

Hindi na nakatugon sa kaniya ang dalaga dahil nakarinig sila ng isang kaluskos sa kanilang paligid.

"Sino'ng nandiyan?" Sabi niya at kinabig papalapit sa kaniya ang dalaga pagkatapos ay humakbang sila papalapit sa may dampa upang protektahan ang natutulog na si Fermina at kan'yang ina.

"Sumagot ka! Ilabas mo ang iyong sarili, h'wag kang duwag!" Sigaw niya at mula sa isang malaking puno ay lumabas ang isang may edad na lalaki, may edad na babae, saka isang kaedarin niyang babae.

"Inay! Ama! Ate!" Masayang sabi ni Florella at nagmamadali itong humakbang papalapit sa pamilya nito.

Napanganga na lamang siya habang nakatingin sa apat na taong nagyayakapan. Ilang minuto rin nagyakapan at nagkumustahan ang mga ito bago lumapit sa kan'ya.

"Inay, ama, ate, ipinakikilala ko nga po pala sa inyo ang aking amo, si Ginoong Henrique Buenaventura."

Yumuko ang ama ni Florella. "Ikinagagalak kong ika'y aking makilala kahit sa ganitong sitwasyon, señorito."

Stellar RemnantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon