Ikalabing-pitong Kabanata

91 7 0
                                    

Ipagpaumanhin ninyo mga ginoo't binibini kung ako'y hindi agad nakapag-update. Wala pong internet, hindi makapagpa-load at baka habulin ng BTS (Bantay Tanod Squad) manatiling nasa bahay, upang maligtas sa CoVid19.

Ikalabing-pitong Kabanata

"J-JUANITO..." Usal ng kaniyang ina habang titig na titig sa matandang lalaki. Wala namang namutawing salita mula sa bibig ng matanda. Nakatitig lang din ito sa kan'yang ina.

"Paanong nandito ka ngayon sa aking harapan at buhay na buhay? Ang sabi sa'kin ni Lucio ay nagpatiwakal ka." Takang tanong nito sa matanda at mababanaag sa mga mata nito ang pangungulila sa tunay na iniibig.

"Maaari ba kitang makausap ng masinsinan Fidela?"

Tumango-tango ang kan'yang ina saka lumapit rito si Juanito.

Sila nama'y lumayo muna upang makapag-usap ng maayos ang dalawang nagmamahalan na matagal nawalay sa isa't isa.

Habang hinihintay ang dalawa na matapos sa pag-uusap, ay umupo muna siya sa ilalim ng isang punong kahoy at habang nakaupo ay nagsimula nang magsiliparan ang napakaraming tanong sa kaniyang isipan. Tulad na lamang kung paanong ang matandang lalaki na nakaharap niya ay siyang nagbigay ng medalyon sa kanya sa hinaharap? At paanong naririto ngayon ito sa taong 1941? At paanong nangyari na ito ang iniibig ng kaniyang ina?

Napakaraming tanong na umuukilkil sa kan'yang isipan at hindi niya alam kung saan siya kukuha ng kasagutan.

"Ginoo, ayos ka lamang ba?" Tanong sa kan'ya ni Fermina.

Tumango-tango siya at nang sumulyap siya kay Florella ay wala na siyang nababanaag na pagseselos sa mukha nito.

"Nasabi mo na ba ginoo?"

Nagtataka niyang tiningnan si Fermina. "Ano'ng iyong sinasabi?"

"Ang damdamin mo para kay Binibining Florella. Nasabi mo na ba?"

Bumuntung-hininga siya. "Nasabi ko na ngunit wala siyang tugon. Saka palagi niyang sinasabi na hindi kami maaari dahil sa magkaiba kami ng antas ng pamumuhay."

"Tila ika'y nawawalan na agad ng pag-asa? Bakit hindi mo subukang suyuin muli siya? Ang kan'yang pamilya?" Mungkahi ni Fermina.

"Paano ko siya susuyuin? Nandito tayo sa gitna ng gubat at ni bulaklak na maiialay sa kaniya ay wala ako..."

"Hindi naman kailangan ng bulaklak, ginoo. Ipahayag mo ang iyong damdamin sa kaniya, haranahin mo o di kaya'y gawan mo siya ng isang tula."

Biglang may pumitik na ideya sa kan'yang isipan ngunit nang maisip niya na kasama nga rin pala nila ang mga magulang nito ay bigla siyang nanlumo. "Magagawa ko siyang haranahin at gawan ng tula, ngunit hindi ko naman alam kung paano ko susuyuin ang kaniyang pamilya..."

Mahinang tinapik ni Fermina ang kan'yang balikat. "Kaya mo iyan ginoo. Ipinagkatiwala nga ni J-julio kaming mag-ina sa iyo, tapos ang pagsuyo lamang sa pamilya ng babaeng minamahal mo hindi mo magagawa?" Nakangiting sabi sa kan'ya ni Fermina ngunit mababanaag pa rin sa mukha nito ang pangungulila kay Julio.

"Salamat, Fermina." Sabi niya at ng tapos nang mag-usap ang kan'yang ina at 'yung matandang lalaki ay tumayo na siya saka lumapit sa mga ito.

"Ginoong Juanito, maaari ko ba kayong makausap?" Kuwa'y sabi niya pagkalapit niya sa matandang lalaki.

Stellar RemnantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon