Unang Kabanata

389 15 4
                                    

Unang Kabanata

Kasalukuyang Panahon, 2020

"THIS is an antique spoon, pamana pa ito sa akin hijo ng tatay namin ng daddy mo. Ang sabi pa niya sa 'kin noong nabubuhay pa siya ay ginamit pa raw ito ng mga kastila. If I am not mistaken, this is worth five hundred thousand pesos. At ngayon ay ibinibigay ko sa ‘yo dahil alam kong ito ang hilig mo, ang mangolekta ng mga bagay na mas matanda pa sa iyo. Happy birthday, Storm," pagbati sa kaniya ng uncle niya habang iniaabot ang regalo nitong isang mabigat at kulay pilak na kutsara.

"Salamat, Uncle Ron," sabi niya saka ito inanyayahang maupo sa bakanteng silya sa harap ng hapag-kainan.

Kaarawan niya ngayon, at isang maliit na salo-salo ang inihanda niya para sa kaniyang pamilya at malalapit na kamag-anak.

"Kailan ka ba mag-aasawa, Storm? Aba! Tumatanda na kayong magkakapatid, ah. Hindi niyo pa rin binibigyan ng apo itong kapatid ko," biro ng tiyuhin niya saka natatawang tumingin sa daddy niya.

"Naku, Uncle! Hindi na magkaka-asawa 'yan! Palikero kaya iyan, araw-araw nagpapa-iyak ng babae sa kama!" sabat ni Thunder, pangalawa niyang kapatid.

"Takaw kaya niyan sa merlat Papsi! Araw-araw change ‘yan ng girlalu, ginawa bang motel 'tong balur! Kalerki! Palibhasa dakota!" sabi naman ng pangatlo niyang kapatid na si Rain, isang bakla.

Tiningnan niya nang masama ang dalawa niyang kapatid. "Alam ninyo, sinisira ninyo ang araw ko. Birthday ko 'to pero inaalaska ninyo ako," aniya at nag-dirty finger sa harapan ng mga ito.

Nagkatinginan ang dalawa at mahihinang tumawa bago nanahimik na ipinagpapasalamat niya. Hanggang makatapos silang kumain ay tahimik pa rin ang buong dining area.

Pagkatapos nang maliit nilang salo-salo ay nag-uwian na ang kanilang mga. bisita. Kaya sila na laman muling mag-a-ama ang naiwan sa loob ng bahay.

"Sana naririto pa si mommy." Nakahalukipkip siya habang malungkot na nakatanaw sa mabituing langit.

"I missed her so much," usal ni Thunder na nasa gawing kanan niya at tulad niya’y nakatingin din sa langit.

Nilingon niya ito. "Bakit nandito ka pa sa may balcony? Matulog ka na, Thunder, may trabaho ka pa ‘di ba?"

"Hindi naman ako makatutulog, eh. Nag-aaway si Dad at Rain. Na naman," sagot nito na ikinahingang malalim niya.

Pati ba naman sa kaarawan ko? Hindi nila palalampasin?

Madalas na nag-aaway ang ama nila at si Rain. At ang palaging issue ng mga ito ay ang pagiging bakla ng kanilang kapatid.

"Shit!" napamura siya nang padaskol na lumapit sa kanila si Rain. Hilam ng luha ang mga mata nito.

"Mga brader! Pinalalayas na ako ditey ni pudrakels sa balur!" nakanguso nitong sabi sa kanila.

Nanlaki ang mga mata niya, kasabay niyon ay ang paghilot niya sa kaniyang sentido.

"Ano?! Walang aalis sa bahay na ito. Apat na nga lang tayo, tapos ganito pa?"

"Kakausapin ko si daddy," sabi ni Thunder. Ngunit hindi pa ito nakaaalis mula sa kinatatayuan ay dumating na doon ang kanilang ama. Namumula ang mukha nito sa galit habang nakatingin kay Rain.

Stellar RemnantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon