Ika-dalawampu't dalawang Kabanata

56 5 0
                                    

Ika-dalawampu't dalawang Kabanata

NAGISING si Storm dahil nakarinig siya ng mahihinang tawa mula sa labas ng kweba na kanilang pinagtataguan. Pagkauwi nila kagabi ay kumain lamang siya pagkatapos ay natulog na dahil alam niyang kailangan na kailangan nang kan'yang katawan ng pahinga.

Bumangon siya saka lumabas sa kweba at nakita niya na masayang nag-uusap ang ama ni Florella at si Eusebio.

"Ano naman hijo ang salitang 'maganda ka at alam mo iyon', sa lengguwahe niyo sa espanya?" Tanong ng ama ni Florella sa lalaki.

"Eres bella y lo sabes." You're beautiful, and you know it. Tugon ni Eusebio.

Pumapalakpak ang ama ni Florella at wari niya'y hangang-hanga ito kay Eusebio.

"Ku! Bagay kayo ng aking anak na si Florella, wala pa 'yung kasintahan!"

Kumunot ang kan'yang noo dahil sa sinabi nito. Hindi niya nagustuhan ang isipin na may nais itong lalaki para sa dalaga lalo na't kasintahan niya na ito.

Lumapit siya sa mga ito saka kunot-noong tiningnan si Eusebio. "Buenas días, colega." Good morning, bro. Aniya at nabanaag niya ang pagkamangha sa mukha ng ama ni Florella nang tapunan siya nito ng tingin.

"Marunong ka palang magsalita ng salitang kastila, señorito?" Takang tanong sa kaniya ni Eusebio.

"Sí, por supuesto." Yes, of course. Pagmamalaki niya rito.

"Paano ka natuto mag-kastila señorito?"

"Nagkaroon ako ng kaibigang Espanyol sa Amerika noong ako'y nag-aaral pa roon, kaya natuto ako ng inyong lengguwahe." Pagsisinungaling niya. Dahil ang totoo, kaya siya natutong mag-kastila ay dahil tinuruan siya ni Thunder ang kan'yang pangalawang kapatid na palaging tutok sa pag-aaral higit lalo na't sa pagbabasa.

"Nakakamangha ka naman, señorito. Napakatalas ng iyong pag-iisip."

"Tss. Hindi naman, Eusebio." Pagpapakumbaba niya.

Ang ama naman ni Florella ay nakatingin lang sa kaniya at hindi niya mailarawan kung naiinis o natutuwa ba ito sa kan'yang presensya.

"Natitiyak kong maraming dalaga ang nahuhumaling sa iyo, señorito. Dahil sa angkin mong katalinuhan, kakisigan, karangyaan at katanyagan ng inyong pamilya dito sa Escolta."

Mahina siyang tumawa. "Kung totoo man na may nahuhumaling sa akin, ay wala akong pakialam dahil mayroon ng marikit na dalaga ang nagmamay-ari sa aking puso."

"At sino naman ang mapalad na babaeng iyong tinutukoy señorito?"

"Walang iba kung di si Florella." Dire-diretsyo niyang sabi at gulat na gulat si Lito sa kan'yang ibinunyag.

"Ano?! Ano ang iyong sinasabi señorito? Bakit hindi ko alam na iyo na palang ginagapang ang aking anak?!" Nangangalit na tanong ng ama ni Florella sa kaniya.

"P-po? Hindi ko po siya ginagapang, mahal ko po ang anak ninyo at noong nakaraan pa po kaming magkasintahan. Wala lamang po na tamang pagkakataon kaya hindi agad namin naipaalam sa inyo... paumanhin po." Nauutal niyang wika.

"Ha! Lapastangan! Isa kang taksil!"

"Po? Kailanman po ay hindi ko kayo pinagtaksilan. Tsaka kung sinabi ko po iyon sa inyo kahapon, baka kayo pa mismo ang magpiit sa akin sa selda ng mga mananakop."

"Gagawin ko talaga iyon kung sinabi mo sa'kin kahapon! Lapastangan ka, hindi mo na ako iginalang higit lalo na ang puri ng aking anak!"

"Maniwala po kayo sa akin, hindi ko kayo pinagtaksilan at mas lalo nang hindi ko binastos ang inyong anak. Opo, aaminin kong nahawakan ko na ang kan'yang kamay, nayakap at nahalikan ko na rin ang kaniyang labi, ngunit ang pagkuha sa kan'yang puri ay hindi ko magagawa... iginagalang ko siya, at iginagalang ko rin po kayo."

Stellar RemnantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon