Prologue

267 10 3
                                    

Prologue


Bakit sa lahat ng tao na pwede kong magustuhan?

Yung taong imposible pang ibalik ang nararamdaman ko sa akin.

Mas malala pa, kaibigan ko pa.

Ilang beses na akong umiyak dahil sa kanya. Ilang beses ko ng tinanong ang tunay kong halaga rito sa mundo dahil sa kanya. Alam ko, cringe. Hindi naman kasi sa pag-ibig umiikot ang mundo ng isang tao.

Pero kahit anong iyak ko, siya pa rin.

Hindi ko pa naman nakakalimutan ang salitang tanga.

In this journey, I'll try my best to forget about my feelings.

Kahit alam kong walang pagtutunguhan ang kahangalan kong ito.

Siguro, tatanda na nga lang ako na single.

Napa-tigil ako sa pago-overthink nang maramdaman kong may nag-vibrate sa loob ng bag ko. Mabilis ko iyong binuksan at agad hinanap sa loob ang aking cellphone.

Levi:
San ka na?

My bestfriend, yung tanging lalaking na pinagtuunan ko ng pansin.

Me:
Sa jeep pa lang. Excited ka masyado.

Levi:
Anong excited? 10 mins ago sabi mo papunta ka na, tapos hanggang ngayon sa jeep ka pa rin? E ang lapit lapit lang ng mall sa inyo, ano lumipad kayo sa Edsa?

Me:
eto galit agad. Bakit galit?

Natawa ako sa reply ko sa kanya. Paano ba kasi, masyadong mainipin. Hindi pa ba nasanay si Levi sa akin, e ang bagal-bagal ko kumilos.

Pinatay ko na ang cellphone ko at binalik sa aking bagpack. Naka bagpack ako ngayon dahil dala-dala ko ang laptop ko. Gagawa kasi kami ng research ni Levi sa isang Coffee Shop sa mall malapit sa amin. Mas gusto doon ni Levi dahil tahimik, madalang ang tao, at mabilis ng wifi.

Ewan ko ba, pwede naman sa amin pero ayaw ng mokong dahil natatakot kay Papa. Tuwing nandoon kasi siya, mainit ang ulo ni Papa at halos patayin na siya dahil sa matalim na tingin. Pwede rin naman kay Levi pero ayaw rin niya dahil natutukso siya ng nakakatanda niyang kuya sa akin. Ayaw niya no'n kasi nagseselos ang girlfriend niya. Si Cydney.

Naiinggit ako kay Cydney. Dahil siya, nagawang mahalin ni Levi. Oo, may tinatago akong pagtingin sa kaibigan ko simula pa nung bata. Nagsimula ito nung Junior High kami, naging magkaklase kaming dalawa kaya nadevelop nung nararamdaman ko sa kanya. Hindi naman sa hindi kami masyadong nagkakahalubilo nung Elementary pero mas nakilala ko siya nung JH.

Pero sa kasamaang palad, nagustuhan niya nung classmate naming si Cydney. Na-develop ang relationship nilang dalawa hanggang sa niligawan ni Levi si Cydney. Hanggang sa sinagot ni Cydney si Levi. Nung una, nasaktan ako pero kinimkim ko iyon. Ayaw ko kasing masira ang pinagsamahan namin ni Levi dahil lang sa nagustuhan ko siya.

Kaya hanggang ngayon, nandito ako, nagpapakatanga sa kanya. Tinatago nung nararamdaman para hindi masira ang pinagsamahan naming dalawa.

"Para po!" sigaw ko sa driver ng jeep na sinasakyan ko. Ano ba 'yan! Ang layo na naman ng lalakarin ko! Malayo kasi ang mall sa babaan ng jeep. Malayo na nga kaya mas mapapalayo pa' ko kasi ang lakas ng radyo nung jeep tapos bingi pa nung driver.

Bigla tuloy pumreno nung jeep kaya napasubsob ako sa lalaking katabi ko sa jeep. Bigla akong nahiya nung lumingon nung lalaking katabi ko at nakangiwing nakatingin sa akin.

Gwapo! Mukhang bata!

Bigla akong napailing sa naisip ko at nag-peace sign bago mabilis na bumaba ng jeep. Bwisit kasing driver, napahamak pa tuloy ako.

In fairness, ang gwapo nung lalaki. Ano kayang name n'ya?

Pagpasok ko ng mall, chinat ko agad si Levi na papunta na ko sa Coffee Shop. Pagpunta ko sa Coffee Shop, pumasok agad ako at hinanap ang mokong. Nakita kong nandoon siya sa sulok, sa medyo walang tao habang may dalawag kape na nasa mesa.

Balak ko sana siyang gulatin ng ako nung nagulat! Nandoon pala ang girlfriend niya at kakaupo lang din galing ata ng CR. Hay buhay!

Bigla silang napalingon sa akin. Pabirong umirap si Levi sa akin at kinawayan naman ako ni Cydney.

"Hi, Hera!"

Hi! Before you continue, gusto ko lang sabihin na maraming grammatical error, typos, at kulang sa page-describe ang kwentong ito. (Right now, medyo nililinis ko siya at mas hinahabaan pa so don't worry)

Ps. Tinapos ko 'to ng isang buwan lang at baguhan lang ako sa pagsu-sulat kaya mapapansin niyo talaga na pilit, at magulo ang storyang ito. Pero promise, I'll do better next time.

Pps. I'll gladly accept your feedbacks and suggestions, comment niyo lang and magre-respond ako. Again, Thank you!

Untamed HeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon