Chapter 5: New girl
It's been a week since we last talk. Hindi ko alam kung tinotoo niya na ba nung gusto niyang lumayo ako sa kanya. It's been a week nung nag-break sila pero hindi pa rin humuhupa ang issue. At dahil marami ngang nakakaalam na close kami ni Levi, sa akin nag-tatanong kung paano at bakit nag break ang dalawa.
"Hindi ko alam, at 'wag ng masyadong kuryoso sa walang kwentang bagay." iyon lang ang laging sagot ko.
Naririndi na ako minsan sa mga nagtatanong kaya minsan, tuloy-tuloy lang ang lakad ko at hindi na sila pinapansin.
Hindi rin mahupa ang issue dahil isang araw, nabalitaan na lang namin na hindi na rito mag-aaral si Cydney sa next semester. Marami rin nagta-tanong sa akin pero siyempre, hindi ko na sila sinasagot dahil hindi naman nila problema 'yun para isipin pa.
"Hoy girl, angtahimik mo ata." nagbalik ang wisyo ko ng kinausap ako ni Jacky.
Tahimik ang buong klase at sadyang hindi lang talaga matikom ang bibig ni Jacky kaya nagkakaganito siya at ako ang pinupunterya.
Last subject na namin ngayon at nagpa-plano kaming mag mall pagkatapos nito. Pampawala raw ng stress.
Madaling natapos ang subject na iyon kaya umaarangkada na naman ang bibig ni Jacky dahik tuwang-tuwa raw siya na hindi nag-overtime ang Prof namin. Minsan kasi, hindi namamalayan ng Prof ang oras kaya iyon, sumusobra siiya ng ilang minuto dahilan para maburyo kaming lahat sa klase niya.
Naglalakad na kami ngayon sa hallway. Nakasaksak na ang wireless esrphones ni Jacky sa tenga niya kaya hindi ko makausap ng maayos. Kung kailan kasi kailangan ko kausapin, saka naman nagsarili si Gaga.
Habang naglalakad kami, napakunot ang noo ko ng mahagip ng tingin ko si Levi na may kaakbayang babae. Ang alam ko, kaklase ko yung babae sa isang subject.
Nagtatawanan silang dalawa at parang walang pake sa mundo. Umiwas ako ng tingin at kunwari ay walang nakita. Mukha namang walang alam si Jacky kaya pinagsawalang bahala ko iyon.
Lumagpas na ang dalawa sa amin ni Jacky pero parang hindi ako napansin ni Levi. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi naging ganito si Levi sa akin, kahit nga makasalubong ko siya sa kalsada at hindi namukaan, kukumustahin o tatawagin ako nito.
Baka hindi ka lang talaga napansin, 'wag ka munang mag-isip ng iba. Tumango ako sa naisip, umiling lang ako at winala iyon sa isipan.
Nandito na kami sa mall at busy si Jacky sa pagtingin ng brand new clothes ng mahagip ng tingin ko si Jonas. Napataas ang kilay ko ng kumaway ito sa akin.
Tumawa ako at kumaway rin pabalik sa kanya. Nakita kong papunta na siya sa direksyon ko, ngumiti ako ng makalapit siya.
"Wow! Bakit lagi tayong nagkikita sa mall? Siguro may something sa'tin." he smirked.
I shook my head and laugh. "Asa ka, may gusto akong iba." biro ko.
Umakto itong nasasaktan at hinawakan ang dibdib niya kung saan ang puso nito. "Ouch, my heart hurts,"
"Hurt agad?"tumawa ako. "Hindi pa nga kita bina-basted, iiyak ka na agad."
Sumeryoso ito. "Hindi naman kita liligawan e,"
Natawa ako duon at pabiro siyang inambahan ng suntok. "'Pag ikaw umiyak dahil sa akin,
tatawanan kita.""Baka ikaw pa maunang umiyak sa ating dalawa." tawa nito.
Umirap ako at binatukan siya kahit hindi ko siya maabot.
"Hoy! Hoy!" rinig kong sigaw ni Jacky sa akin at tinaasan ako ng kilay bago tumingin kay Jonas. Nanlaki ng mata nito at tumabi sa akin ng konti habang hawak ang set ng bagong damit na bibilhin niya, palibhasa mayaman.