Chapter 11

135 8 0
                                    

Chapter 11: Dinner

"Pa, sa kaibigan ko muna ako kakain ng dinner mamaya, may susundo sa akin." paalam ko kay Papa ng umupo ako sa tabi niya.

"Aba, dinalaw ako ng Mama mo sa panaginip kagabi. Sabi niya sa akin mayroon ka raw kinikitang lalaki, sino ba 'yun? Jake? Jacob?" umakto itong nag-iisip. "Basta J nagsisimula pangalan no'n," tinignan ako ng masama ni Papa. "Subukan mo lang, ako sasaksak doon."

"'Pa naman! Wala akong kinikita 'no! Si Mama naman masyadong issue." tumawa ako. Baka akala ni Mama e may namamagitan sa amin nu'n ni Jonas.

"Ah, kaya pala magdi-dinner kayo mamaya?" tumaas kilay ni Papa.

"Hoy, sino ang magdi-dinner sa iba mamaya?" singit ni Kuya Hiro at umupo sa tabi ko. Inirapan ko siya at hindi pinansin.

"Ewan ko dito kay Hera, may kinikitang lalaki. Resbakan natin 'pag nahuli ah," seryosong ani ni Papa.

Bumuntong hininga ako at tumayo sa Sofa na kinauupuan namin. Umakyat ako sa kwarto ko para maghanda na mamaya.

Me:
Hoy jonas, intayin mo na lang ako sa may kanto samin kung ayaw mo mamatay ng maaga.

Baka mamaya totohanin nila Papa 'yun 'no!

Jonas:
bakit?

Me:
basta, subukan mo lang, balewala na yang pagpasa mo sa board exam

Jonas:
katakot naman

Jonas:
sige 7pm ha

Hindi na ako nag-reply sa kanya at naligo na. Magsi-six na ng gabi at pagluluto ko pa ng ulam sila Papa. Baka hindi na kumain ang mga 'yon.

"Jonas!" tawag ko kay Jonas ng makita ko siyang nakasandal sa labas ng kotse niya habang naghihintay sa akin.

Nang marinig ang tawag ko, kumaway ito sa akin at sumenyas na sumakay na ako.

Lumapit ako sa kotse niya at pabirong sinipa ito. Hindi naman gano'n kalakas pero okay na para maasar siya. Mukha kasing brand new e.

"Hoy Hera! 'Wag mo 'kong pagtripan ngayon kung ayaw mong maglakad tayong dalawa!" inis agad na sabi ni Jonas.

Tumawa lang ako at sumakay na.

Nang nag-simula ng mag-drive si Jonas, kinuha ko nung regalo ko sa kanya sa bag na dala ko. Simpleng relo lang ito na nabili ko sa Mall kahapon.

Dumiretso kasi agad ako ng Mall kahapon ng mabalitaan kong naka-pasa ng Board Exam si Jonas. S'yempre kailangan niya ng gift 'no. Tapos lucky charm na rin.

Lucky Charm nung relo na bibigay ko sa kanya dahil higit sa lahat, pinanganak akong lucky at sa akin nanggaling 'yan.

"Oh, gift ko slash your lucky charm, Congrats ulit." abot ko sa kanya nung relo na nakabox pa.

Lumingon siya sa akin na may malaking ngiti. "Talaga?"

Umirap ako. "Hindi, para sa akin 'yan, ako kasi nung nakapasa ng Board exams 'di ba?" pamimilosopo ko.

"I mean, lucky charm 'yan? E malas ka pa naman," pagbalik nito ng asar sa akin.

Agad ko namang binawi ang box ng relo sa kaniya at nilayo 'yon. Bumelat ako sa kanya na lumakas ang tawa.

"Joke lang! Akin na nga 'yan!" tawa ni Jonas. Sumimangot ako at binato sa kanya nung relo, natatawa naman siyang sinalo iyon.

Nanliit ako ng makita ko kung gaano kalaki ang bahay nila Jonas. Mayaman nga talaga 'to, dapat pala hindi na ako na-guilty sa presyo nung librong pinabili ko sa kanya dahil mukha namang barya niya lang ang twelve thousand.

Untamed HeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon