Chapter 4

152 9 0
                                    

Chapter 4: Confused

Halos ilang minuto kong hinagilap ang baba ng Hospital hanggang sa makita ko si Levi na nakaupo sa bench mag-isa. Tahimik ito at nakatulala na para bang malalim ang iniisip.

Tahimik akong bumuntong-hininga at tumabi ng upo sa kanya sa bench. Para itong bumalik sa ulirat at bumaba ang tingin sa akin. Ngumiti ito at tumingala ulit.

Napatingala tuloy ako sa tinitingala niya at halos mapangiti ako ng malinaw kong nakikita ang mga bituin sa langit.

Levi really likes stars. He said that his dreams are like stars, so beautiful yet so hard to touch.

For me, Levi is like a star. Pero ibang uri siya ng bituin, nasa tabi ko na, pero ang hirap pa rin abutin.

Sumandal ako sa sandalan ng bench bago siya tinignan. "Do you know what'll happen next?" i ask.

Sumagot ito sa akin pero nakatingala pa rin sa langit. "I don't. Kahit na ito, hindi ko alam na mangyayari. Malaki ang tiwala ko kay Cydney at wala akong ideya na kaya niya itong gawin."

Tumango ako. "And, why did you not tell me?" tukoy ko sa nangyari.

Hindi ko alam kung paano ako magbibigay ng advice sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ni Levi kung may mali man akong masabi kaya tatahimik na lang muna ako at hayaan siya na ikwento sa akin ang lahat.

"The first time I heard it, iyon nung kasama kitang kumain, I acted like I don't know, until she messaged me, and said that her stomach is aching and she don't know why. Minadali kita noon kasi gusto kong kumpirmahin sa kanya mismo iyon, pero nung nakita ko nung kalagayan niya, naawa ako kaya pinagpabukas ko muna lahat ng iyon. Sinubukan kong puntahan ka sa bahay niyo nung gabing 'yon para maglabas ng sama ng loob kahit na magkagalit tayo." ngumisi ito kahit may bahid ng sakit. "Pero wala ka raw e. Kaya, sinubukan kong pigilan ka kasi hindi mo alam, baka mabigla ka, pero makulit ka e, kaya nakita mo pa 'yun." tumawa si Levi pero may mga luhang namumuo sa gilid ng mata niya.

Hindi ako makapagsalita. Naiiyak ako sa kalagayan niya. Bumuntong hininga ako at sinubukang pasayahin ang paligid.

"Kain tayo? Ako magbabayad, treat ko." ngisi ko at pabiro siyang kinurot sa tagiliran.

Umiling lang ito at walang emosyong tumayo na sa bench na kinauupuan namin. "Busog na ako, hahatid na lang kita sa inyo. Matulog ka na pag-uwi mo, 'wag mo na akong masyadong isipin. Okay lang ako." sabi ni Levi at tapik sa ulo ko.

Hinatid na niya ako pauwi dahil gabi na. Nang nasa tapat na kami ng gate, tumango lang ito at pinapasok na ako, ngumiti ako sa kanya at kumaway. Hindi na ito ngumiti man o ano bago tumalikod at naglakad na paalis.

Yumuko ako at pumasok na sa bahay. Wala ng tao sa baba kasi medyo malalim na ang gabi at maagang natutulog si Papa at si Kuya naman ay siguro busy na naman sa Laptop niya sa sarili nito ng kwarto.

Nilapag ko lang ang lahat ng gamit ko sa aking kwarto bago kumuha ng damit pantulog at bumaba para maligo at magsipilyo.

Now, I started to ask myself, anong mangyayari kung umamin ako sa kanya noon pa man? Anong mangyayari kung never kong pinagdudahan ang magiging reaksyon niya kung sakali mang aamin ako? Kami kaya? Masaya kaya kami? Hindi ba siya maloloko ng babaeng walang kwenta?

Nang matapos akong maligo, nagsipilyo na ako bago umakyat ulit. Pabagsak akong humiga sa higaan at kinuha ang cellphone.

Tinawagan ko si Levi para sana itanong kung nakauwi at okay na ba siya. Hindi ko ito lagong ginagawa pero dahil sa nangyari kay Levi kanina, sa tingin ay kailangan ko.

Nakailang ring ito bago sumagot.

"Cydney?" sagot ni Levi.

Medyo kumirot ang puso ko sa naisip pero umiling ako at pinagsawalang bahala iyon.

"Si Hera 'to."

"Ah, Hera, bakit ka pala napatawag?"

"Nakauwi ka na ba? Okay ka lang?" tanong ko.

"Ah, nakauwi na. I don't think I am." tumigil ito saglit bago nagsalita muli. "Sige na, baba ko na 'to, gabi na, may pasok pa, baka tanghaliin ka bukas." iyon ang huli niyang sinabi bago ako babaan ng telepono.

Ngumiti ako dahil sa sakit. Hanggang kailan ba ako magpapakatanga sa lalaking 'to?

Pabagsak akong humiga sa aking kama at hinayaang tumulo ng sunod-sunod ang aking mga luha. Tangina, kaylan ba ito matatapos? Ang sakit-sakit na eh.

Napaka-tanga ko naman.

KInabukasan, marami na namang nangyari sa University dahil kumalat na ang balitang break na si Levi at Cydney. Hanggang ngayon pala, hindi pa rin pumapasok si Cydney. I don't think if she's okay. I hope she's not.

Lunch na at wala akong balita kay Levi dahil hindi naman niya sinasagot ang text at tawag ko. Kasabay ko mag-lunch si Jacky at ako na naman ang kinukulit niya.

"Oy, ano ba nangyari sa dala-"

"Jack, ayokong pag-usapan 'yon. Marami tayong problemang kinakaharap ngayon para intindihin pa 'yun-" napatigil ako sa pagsasalita ng may humigit sa braso ko.

"Ano ba! -" palag ko na akala ko si Jacky iyon. Pag-lingon ko ay si Levi pala. Natahimik ako at napayuko.

"Let's talk." sabi ni Levi at hila sa akin sa tahimik na lugar. Nung walang makakakita at makakarinig sa amin.

"Bakit? Anong kailangan mo?" tanong ko. "At saka, okay ka lang?"

Pumikit ito ng mariin. "Please, stop asking me if I'm okay or not. I know you're my friend so it's normal to ask your friend whether he's okay or not," bumuntong hininga ito. "Pero ayokong masangkot ka sa problema ko, sa buhay ko. The students are bad mouthing you behind you're back because they think that you're the reason why Cydney and I broke up,"

Kumunot ang noo ko at nasaktan sa sinabi niya pero pilit na initindi ang mga salita na binibitawan niya.

"I don't want you to be involve on our problem. Alam ko kung gaano ka interesado ang estudyante sa buhay ko, at magulo na 'yun, ayaw kong madamay ka sa kaguluhan ng buhay ko."

"Levi..." iling ko. "Matagal na akong involve sa buhay mo, matagal na kitang kaibigan. Ako lang ang nakakaintindi sa iyo, kaya ano naman kung pag usapan ako ng masama ng estudyante rito?"

"You don't understand, Hera."

"Of course I don't!-"

"They are thinking that you are my rebound!" hindi napigilan ni Levi na isigaw sa akin 'yon. Kumunot ang noo ko. Ang mga luha ay nagsisimulang magpakita.

"I don't want you to get involved kasi alam kong hindi ka sanay sa buhay magulo. At ayaw kong isipin ka nilang rebound because you are not."

Medyo natahimik ako doon pero agad ring nakabawi. "Why are you doing this?"

"Kaibigan kita. Problema namin 'to ni Cydney. Nadadamay ka, ayaw ko naman no'n." he sighed.

Pagkatapos niya sabihin 'yon, umalis na siya sa harap ko na umiiling at masama ang mukha.

Gago ba siya?

Eh ano pa na tinuring niya akong kaibigan?

Crush ko lang sita pero kaibigan ko pa rin siya. S'yempre normal na mag-react lang ako ng ganoon.

Iniwan niya ako rito na maraming katanungan sa isip. He left me confused.

Untamed HeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon