Chapter 1: Jonas Hills
Nakatingin lang ako sa dalawang mag-kasintahan habang naglalampungan silang dalawa. Halos mapairap ako dahil parang wala ako sa tabi nila. Makakagawa ba 'ko nito? E ang iingay nila.
E ayaw ko naman sumingit sa kanila, kaya tumayo na lang ako at nagpaalam na oorder ng sarili kong pagkain. Nung kape pala kanina, para sa kanilang dalawa lang 'yun, hindi man lang ako dinamay.
Nang nasa cashier na ako, umorder ako ng Caffé Latte at isang Cheesecake. Nang nabayaran, cinlaim ko na ang order ko bago pumunta ulit ng table nila. Wala pa ring nagbabago, busy pa rin sila.
I opened my laptop and connected the internet to my Laptop. Sinimulan ko na ang research ko at tahimik na kinuha ang wireless earphones ko bago ko ito cinonnect sa cellphone ko at nagplay ng music.
Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras hanggang sa napansin ko na lang na tahimik na ang dalawa. Pag tingin ko ay nagtakha ako ng wala na si Cydney. Nasaan na 'yun? Pinagpatuloy na rin ni Levi ng ginagawa niyang research kanina.
"Pst! Nasa'n na si Cydney?" tanong ko.
Nagtaas ng tingin sa akin si Levi bago sumagot. "Umalis na, may kailangan daw siyang puntahan."
"Aba, 'di man lang nag-paalam sa'kin?" angal ko. Tsk.
"Paanong magpa-paalam sa'yo e naka binge ka?" bara sa akin ni Levi.
"Jusko, bagay nga kayo." irap ko sa kanya. Hindi kasi sanay 'to magpaalam. Basta na lang itong aalis ng walang sabi sabi.
Maya-maya rin, natapos ko na ang research at napansin na nakatulala si Levi sa akin. Nang gumalaw ako, bigla itong napa-iling at tumawa.
"Bakit?" tanong ko.
"Wala lang, napansin ko lang na 'di pala nagbago mukha mo simula nung bata pa lang tayo." ngisi nito.
Muntikan na kong kiligin pero alam kong susundan niya pa ito.
"Panget ka pa rin." tumawa ito.
Pabiro ko itong sinabunutan bago siya minura. "Bwisit ka 'no?, kaya siguro hindi ka pinatulan ni Denise."
Biglang nawala ang ngisi ni Levi. Napa-oops naman ako. Awkward akong tumawa dahil lumagpas ata ako doon. Si Denise kasi ang dati naming kaibigan na mahal na mahal niya, plano ni Levi na umamin na sa kaibigan ng nabalitaan nitong sinagot ni Denise ang isa sa mga nakakabatang kaibigan nito. At dahil nagseselos ang boyfriend ni Denise kay Levi, pinili ni Denise na lumayo sa amin.
Masakit, oo. Naging malalim ang pagsasamahan naming tatlo tapos tatapusin niya lang iyon para sa isang lalaki.
Kaya ngayon, meron na ring girlfriend si Levi, hindi na ako nakisosyo dahil baka pati si Levi ay lumayo rin. Thankful na rin ako kay Cydney dahil never siyang gumawa ng dahilan para masira ang pagkakaibigan naming dalawa ni Levi.
Biglang nanahimik si Levi at hindi ako pinansin. "Levi, uy." tawag ko.
"Sorry na, 'di ko naman sinasadya. Tska, 'di ka ba thankful kay Cydney? Kalimutan mo na 'yung sinabi ko."
Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi ng 'di pa rin ako pinapansin ng loko.
"Sorry na sabi e, gara mo naman."
Nang 'di niya pa rin ako pinansin, kinuha ko ang wallet ko sa bag ko at tumayo para ibili siya ng White Chocolate. Iyon kasi ang nagpapapa-amo sa kanya kapag magka-away kami.
Palakad na ko papunta sa exit ng Caffee ng nagsalita siya.
"Sa'n ka pupunta?" tanong ni Levi.
"Wala, may bibilhin lang." sabi ko saka naglakad na paalis sa caffé para bumili ng White Chocolate.
Pag-pasok ko sa isang convenience store, kumuha ako ng isang White Chocolate pina-punch na 'yon sa cashier bago binayaran. Nang mabayaran, paakyat na sana ulit ako ng Caffé ng may mabunggo akong isang bulto.
Pagtingin ko, nakita ko nung lalaking katabi ko sa jeep kanina! Namutla ako at nag kunwaring hindi siya nakilala. Paalis na sana ako ng may humawak sa pulso ko.
Pagtingin ko, nakita ko ang lalaki na hawak-hawak ang pulso ko. Mabilis ko itong iniwas at ngumiti sa kanya.
"Ikaw nung babae sa jeep kanina 'di ba? May... may I know your name?" awkward itong ngumiti.
Dahil sa pagkabigla, bigla akong tumango. "Mina Hera Santos, Ikaw?"
"Jonas Hills." ngumiti ito at inalok ang kamay.
Tinanggap ko ito at ngumiti rin. "Nice to meet you."
Tumango si Jonas at ngumiti bago nagpaalam na. Nagpaalam rin ako at nahihiyang tumalikod sa kaniya.
Paglingon ko, nagulat ako nang nakita ko si Levi na nakasimagot at nakatingin sa akin. Dala-dala niya ang bag naming dalawa.
"Oh? Bakit ka umalis agad?" tanong ko rito.
"Sino 'yon?" balik tanong nito.
"Anong sino 'yon?" kumunot noo ko. Napatango ako ng matanto ang isang bagay. "Ah, 'yung lalaki? Ah, wala 'yun, kaibigan ko lang." tumawa ako.
Tumaas ang isang kilay nito. Tumawa ako at inabot sa kanya ang White Chocolate, "Eto na, kung nabwisit ka sa sinabi ko kanina, Sorry na. Nabigla rin naman ako e." nag-pout pa 'ko.
Umirap ito bago tinanggap ang chocolate at inabot ang bag ko. Tinanggap ko ito at inakbayan siya. Hindi naman ako nagtagumpay dahil halos hanggang balikat niya ko. 5'4 lang ako at 6'0 siya. Sobrang laki ng agwat namin.
Siya na lang ang umakbay sa akin at pabirong tinapik ang ulo ko. Napapikit ako at kinurot siya sa tagiliran. Umiwas ito pero hindi natanggal ang akbay niya sa akin.
Tumawa kaming dalawa bago nag-lakad.
"Napaka-liit mo pero kung makaasta ka akala mo kung sinong higante ka." sabi ni Levi. Kumunot ang noo ko at inangat ang tingin sa kanya. Umirap ako sa kanya at siya naman ang tumawa.