Chapter 12: Pregnant
After the break, nilabas na nung grade namin and I am thankful dahil, nakapasa na ako. Then so many things happened like, yes, Jonas passed his board exam, nilibre ko siya, nag-road trip kami ni Jacky sa Baguio dahil bored siya and pinahiram siya ng Kuya niya ng sasakyan, and I also noticed David's number registered on her phone, inasar ko rin siya doon, sabi niya lang, binigay lang ni David nung number niya dahil sa accident na nangyari, then after that, they never really talk again.
Then enrollment, and another sem na naman. First day ngayon kaya alam kong wala masyadong Prof, but I don't really care about that, as long as hindi ako a-absent, nakaka-guilty kaya lalo na kapag wala ka namang valid reason.
"Have you heard the news?" bungad agad sa akin ni Jacky. Hays, kailan ba ako papasok na walang nasasagap ng chismis galing kay Jacky?
"Hindi," I ignored her and pumunta na sa next subject namin. 15 minutes early kami dahil napaaga ang gising ko dahil sa ingay ng alarm ni Kuya Hiro sa kabilang kwarto.
"Cydney's pregnant." bulong sa akin ni Jacky. Napakunot ang noo ko at naalala ang nangyari nung huli kaming magkasama ni Levi.
Levi.
Isang Prof lang ata ang pumasok, halos wala kaming nagawa kung hindi tumunganga or mag-advance review. Lunch break na kaya naghanap kami ni Jacky ng available seat at ng makahanap, si Jacky na lang ang um-order ng pagkain at ako ang
"Saan mo nalaman 'yun?" tanong ko.
"Wala lang, narinig ko lang, bulung-bulongan sa gilid." typical Jacqueline Ysabelle.
"Who's the father?" I suddenly asked.
"It's obvious, the one that she cheated with while he's in relationship with Levi!" parang naii-stress na sabi ni Jacky.
Tsk. I should talk to Levi.
While we're on our lunch break, nagulat na lang ulit ako ng umupo sa lamesa namin si David. I am so thankful na lang din kasi biglang nanahimik ang madaldal na bunganga ni Jacky.
"Good afternoon, Jacky." David greeted her. But she only nodded back.
Wait, did he call her on her freaking nickname? May development ba? We did not even set them on a blind-date!
Oh right, Levi. I should ask David about him.
"David, bakit 'di mo kasama si Levi?"
"Ah, Levi," tumango-tango si David. "Hindi iyon pumasok ah, alam mo ba kung bakit?" binalik sa akin nung tanong.
Hindi pumasok si Levi?
"Hindi... Tsk," nilabas ko ang cellphone ko at sinubukan siyang tawagan pero nakapatay ang cellphone. I tried again but still, nothing.
"Baka about 'yun sa rumor kay Cydney, do you think na alam niya?" sabat ni Jacky for the first time, never nag-attempt mag-salita kung hindi lang dahil sa chismis.
"This is a secret okay?" Jacky and David both nodded. "Nung kasama ko nung nakaraan si Levi, hahatid niya sana ako sa bahay namin ng nakita naming pareho si Cydney na may hawak na supot galing sa near pharmacy sa amin, tapos hanggang dun na lang ako hinatid ni Levi, hindi na rin ako nangulit dahil I understand naman na mahal pa rin ni Levi si Cydney." I almost whisper dahil baka may makarinig pa noon na iba.
"I think they just really need to talk to each other, para ma-let go din nila nung feelings nila sa isa't isa at, walang mamumuong galit sa kanila." David pointed us his opinion. Jacky and I both nodded at it.
He's right, they should talk to each other. Mahirap maka-move on sa isang tao kapag bigla na lang kayong hindi nag-usap, hindi man lang initindi ang isa't isa, kung bakit, paano. Atleast, 'pag nag-kausap kayo, mas maiintindihan niyo nung isa't isa at makaka move-on ka ng mabilis, o pwede rin kayong magbalikan.
Sabi nila, words without actions are meaningless, and actions without words are confusing. So, you really need to talk to each other to clarify things, huwag puro action, pagsamahin niyo ang dalawa ng maintindihan niyo ang isa't isa.
"How about the new issue of Cydney, huh?" Jacky asked.
"Do you think that It's Levi's?" tanong naman ni David.
"Pwede, or hindi, I don't really think, wala naman akong alam masyado doon sa dalawa." I just shrugged.
"Ang complicated naman ng love life nung dalawa! Masyadong confusing!" maliit na sigaw ni Jacky.
"Hayaan niyo muna mapag-isa si Levi, sure naman ako na papasok na 'yun, hindi no'n hahayaan na absent siya ng ilang araw ano, mahalaga sa kanya grades niya." sabi ko.
"But this is different, ni-reto ko si Levi kay Cassie kasi nakita kong wala masyado sa huwisyo nitong nakaraang buwan si Levi. I think they enjoyed each other's company, pero nabalitaan ko na lang kay Cassie na nakipag-break raw si Levi," David sighed. "He really love Cydney, and I'm also scared na baka mapabayaan niya pag-aaral niya rito, lalo na kung totoo man nung issue na buntis si Cydney, and I also heard that Cydney is nowhere to be seen, kahit nung Nanay niya."
"Wait, Cydney's nowhere to be seen?" tanong ko. David nodded.
"Hindi naman siguro sinundan ni Levi sila Cydney hindi ba?" Jacky asked. Nawala na nung hiya niya kay David, chismosa mode na naman siya.
"I don't think, nakita ko lang siya kahapon, and to tell you, he looked really miserable. I also think he's drunk. "
"Shit..." I cursed.
"Just give Levi a rest, let him breath, I think makakayanan niya 'yan, at saka, kung sila naman, sila talaga." I gave my opinion. David and Jacky nodded at my opinion. I smiled and continue eating.
"Oy Hera, hindi ka na baliw kay Levi ano? Sabagay, may Jonas na." tawa ni Jacky. I glared at her and ignored what she said.
Jonas and I are friends, I don't really think na may gusto sa akin 'yun. Malandi lang talaga 'yun kaya ganoon.
I just made myself realize kung gaano talaga kamahal nila Levi ang isa't isa, I think I shoud let go my feelings for him. It's getting dangerous everyday, I don't want to fall very hard kung wala naman siyang balak saluhin ako.