Chapter 20

148 8 2
                                    

Chapter 20: Handkerchief

"Naka book na ba ng Grab?" tanong ni Papa kay Kuya Hiro na tutok na tutok sa cellphone niya.

"Oo nga pa, 5 minutes pa raw." sabi ni Kuya Hiro. Tapos na tapos na kay Papa. Paulit-ulit kasi ng tanong si Papa simula pa kanina.

Tatlong araw rin akong nag-stay sa Ospital. Ngayon na ako madi-discharge kasi hindi naman masyadong malakas ang impact sa akin nung aksidenteng 'yun, ang bewang ko lang ang pinaka-naapektuhan. Pero ngayon, okay na ako. Nakakapag-lakad na ng maayos.

Okay ka na ba, Hera?

"Okay ka na ba, Hera?" ulit na tanong ni Papa. Kanina niya pa tinatanong kung okay na raw ba talaga ako. Kung wala na bang masakit sa akin, o kailangan ko pang mag-stay sa Ospital ng isang araw.

"'Nak, sigurado ka ba na okay ka na?"

Nasa labas na kami ng Ospital at hinihintay na lang ang Grab na binook ni Kuya Hiro. Naka-upo lang ako sa wheelchair habang hinihintay ang pag-dating ng sasakyan.

"Oo nga, 'pa." tango ako ng tango. Nangangalay na nga ang leeg ko dahil kanina pa ako paulit-ulit na tinatanong ni Papa. "Pwede na nga akong tumayo eh," umamba akong tatayo pero agad akong pinigilan ni Papa.

"Anak, 'wag nga sabi!" iritang sabi ni Papa sa akin. I can't help but to laugh at him, alalang-alala kasi si Papa na kahit konting pag galaw ay hindi niya ako papayagan.

Nasaan na ba yung sasakyan? Inip na inip ako rito. Gusto ko ng umuwi.

Yung tipong gustong-gusto ko nang umuwi dahil hindi ko na kayang tiisin ang amoy ng Ospital. But I waited patiently until I can finally go home because I know the struggle of medical workers.

Nasa tamang pag-iisip na ako para isipin ang kalagayan ng mga medical workers at ang kalagayan ko, at ang kalagayan ng taong makakasalamuha ko. (Wear mask and observe social distancing)

"Oh, eto na!" biglang sabi ni Kuya Hiro dahilan para mapatingin ako sa kanya. He's looking somewhere. I looked at it then realized whose car is that.

"Akala ko ba sa Grab ka nag-book?" kunot noo kong tinignan ng masama si Kuya Hiro.

He's smirking at me. "Mas makakatipid naman tayo rito, Hera."

I looked at Papa then observed his expression. Wala namang mali sa mukha ni Papa, gano'n pa rin, nag-alalala pa rin. At nang makita niya ang SUV na sasakyan palapit sa amin, he sighed, sign of relief.

Bumaba si Jonas mula sa driving seat at dumiretso kay Papa para mag-mano. "Magandang araw po."

Tumango lang si Papa sa kanya at pinuntahan ako. Halos magkasabay pa silang dalawa ni Jonas na lalapit sa akin. Natigilan doon si Jonas dahilan para mahinto siya. I heard Kuya Hiro laughing behind him. I smirked too. Akala niya, ha.

Pinatayo ako ni Papa sa wheelchair at nilagay ang braso ko sa balikat niya para alalayan ako sa paglalakad papunta ng sasakyan ni Jonas.

"Jonas, paki-abot yung wheelchair sa Nurse," nginuso ni Papa ang Nurse na naka-tayo malapit sa entrance ng Ospital.

Jonas instantly nodded. Nilapitan niya ang wheelchair na kinauupuan ko kanina at tinupi iyon bago nilapitan ang Nurse na nag-hihintay sa pag-alis namin. Kinuha agad iyon ng Nurse sa kanya at nakita kong yumuko pa si Jonas sa Nurse bago bumalik sa direksyon namin na may munting ngiti sa labi.

Then he looked at me. "Okay ka na?" he mouthed.

I sighed as I nodded my head. He sighed then nodded.

Nang makasakay ako sa back seat, sumunod naman si Papa sa akin. Nang mahirapan si Papa sa pag-sakay, Jonas helped him. Nung tapos niya nang tulungan si Papa, tumingin ulit sa akin si Jonas na may ibang kahulugang ngiti sa labi.

Untamed HeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon