Epilogue — Jonas
Bullet:
Pre paki dala nga ng bag ko sa uni ko ngayon! naiwan ko sa condo mo kagabi pano si Larisa kailangan niya raw ng init ko kagabi, minamadali akoKumunot ang noo ko dahil sa nabasa kong mensahe ni Bullet. Kadiri talaga 'yung gagong 'yon! Pasalamat siya hindi pa ako nakaka-alis sa condo ko.
Me:
Ulol pumunta ka rito mag-isa moPagka-send ko, sinukbit ko ang bag ni Bullet at bag ko sa aking balikat bago lumabas ng unit ko para puntahan yung gunggong na iyon.
Pumara lang ako ng taxi na walang sakay dahil tinatamad akong mag-drive dahil medyo malayo ang University na pinapasukan ni Bullet sa University na pinapasukan ko ngayon. Gagawin ko talaga siyang alila pagka-tapos kong ibigay sa kanya ang bag niya.
Tumingin ako sa labas ng bintana ng taxi na sinasakyan ko dahil medyo na-traffic sa dinadaanan namin ngayon. Pagka-tingin ko, naka-kita ako ng isang babaeng tumatawa kasama ng isang lalaki. Pasakay yung dalawa sa jeep. Mag-jowa siguro.
Gara, ang panget naman nung lalaki. Mas pogi pa ako doon eh.
"Kuya," bigla kong tawag doon sa driver ng taxi na sinasakyan ko.
"Ser?"
"May knock-knock joke ka ba d'yan, Kuya?" tanong ko sa driver.
"Hala sir, wala po. Hindi pa ako nakaka-tulog simula kagabi. Wala akong baong jokes, Ser." sabi ng driver.
"Bakit Kuya?"
"Ah, ser, kailangan kasi ng pampagamot ng apo kong babae. May dengue po kasi, kulang kami sa pera kasi kakabayad ko lang ng tuition ng anak kong bunso sa kolehiyo." sagot ni Kuyang driver.
Natahimik tuloy ako sa sinabi ng driver. Ikaw naman Jonas, kung ano-ano pa pinagsasabi mo! Baka biglang umiyak si Kuya, hindi pa naman ako marunong magpa-tahan.
Bwisit na buryong 'to, papahamak pa ako.
"Sige, Kuya. Pasensya na po, bored kasi ako eh, sa susunod sarili ko na lang yung kakausapin ko. Basta po Kuya, sasama kita sa dasal ko mamaya." kahit hindi ako araw-araw nagda-dasal. Pero mag da-dasal ako para kay Kuya. Note ko na 'yan sa aking sarili.
"Salamat, ser. Pag-palain ka sana ng diyos." ngiti sa akin ni Kuyang driver. "May girlfriend ka na ba, Ser?"
"Wala Kuya, pero mayre-reto ka po ba?" ngisi ko.
"Wala Ser, puro lalaki kasi ang anak ko, iisa lang ang babae, kaso may anak na." sagot ni Kuya.
Dissapointed na bumuntong hininga ako. Si Kuya naman masyadong paasa. Ayoko pa naman sa mga paasa.
"Pero ser, pagdadasal rin kita, na sana makita mo na nung babaeng magpapasaya sayo habang buhay." sabi ni Kuyang driver.
"Talaga ba, Kuya? Sana nga." tumango-tango ako. "Pag-palain ka rin sana ng Diyos."
Umu-oo ang driver sa akin at ngumiti. Ang tagal din naming nag-usap bago kami makarating sa University ng gunggong na si Bullet.