Chapter 17: Embarrassment
Nang pag-dilat ko ng aking mga mata, bigla akong nag panick nang hindi ko makilala ang kwarto na pinaglalagyan ko ngayon.
"Anak, dios ko, ayos ka lang ba?"
Tinignan ko ang taong nag-salita sa tabi ko. Medyo nahirapan pa ako sa pag galaw ng ulo ko dahil medyo kumikirot ang parte ng aking batok.
"Anak..."
"Hiro, tawagin mo nga ang Doctor! Tunganga ka ng tunganga d'yan!"
"Eto na po, 'pa!" Tinignan ko si Kuya Hiro na kampanteng naka-upo sa maiksing sofa ng kwarto na nagmamadaling tumayo para lumabas para tawagin ang Doctor.
"'Pa, anong nangyari?"
Biglang sumeryoso ang mukha ni Papa dahilan para matikom ang bibig ko.
"Anak, hindi ka na iinom ha?"
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
Sa isang iglap, bigla kong naalala ang mga bagay na nagawa ko bago ako magising sa kwartong 'to.
Yung kotse ni Jonas!
Ano ba kasing pumasok sa isipan ko at nag drunk driving ako?!
Tsk.
"'Pa... Yung k-kotse ni Jonas..."
"Aba! Nagawa mo pang mag-alala sa kalagayan ng kotse ng binatang 'yon? Eh paano yung kalagayan mo?! Hindi mo man lang ba tatanungin kung malaki ba ang impact ng aksidenteng nangyari sa'yo?" pumikit ng mariin si Papa.
"Anak naman, pinayagan naman kita eh. Pero bakit kailangan mong mag drive mag-isa?! Sinasabi ko na nga ba eh, wala akong tiwala sa Jonas na 'yan!"
Nanlaki ang mata ko ng mapag-tanto ko ang ibig sabihin ni Papa.
"'Pa, walang kasalanan si Jonas..."
"Anong wala?! Babae ka! Kung uuwi ka man, sana man lang hinatid ka niya!"
"'Pa, desisyon ko 'yon," mahina kong sabi. "I decided to drive drunk... Walang k-kasalanan-"
"Hay naku, anak! Bakit mo ba pinagtatanggol 'yon?! Ikaw nga itong napuruhan eh!" sumama lalo ang mukha ni Papa at pabagsak na umupo sa maliit na sofa sa gilid.
"N-nasan p-po ba si Jonas?"
"Ha! Nandoon nasa labas!"
Kumonot ang noo ko sa sinabi ni Papa. Bakit nasa labas?
"Bakit ho nasa labas?"
"Aba ewan ko roon! Ayaw pumasok! Paano siguro ay alam niya na siya ang may kasalanan kung bakit ka na-Ospital ngayon!"
Natikom na lang ang bibig ko ng napag-tanto na walang balak makinig si Papa sa kahit anong sasabihin o papaliwanag ko. Sa mata niya, si Jonas ang may kasalanan kung bakit ako naaksidente.
Hindi ko rin naman masisisi si Papa, hindi niya alam kung ano ang totoong nangyari.
Sana pala hindi na lang ako uminom nang ganoong karami.
And...
Hala!
Oo nga pala! Kung ano-ano ang lumabas sa bibig ko nung uminom ako!
Nakaka-inis naman. Bigla na lang akong nahiya sa aking sarili dahil sa mga nasabi ko nung araw na iyon.
Bubungangaan pa sana ako ni Papa nang marinig namin ang paglangitngit ng pintuan ng kwarto. Tinignan namin iyon ni Papa at nakita namin ang isang lalaking Doctor na may kasamang ilang nurses. Naka-sunod naman si Kuya Hiro na tikom ang bibig bago dahan-dahan na umupo sa sofa.