Chapter 3: Hotel Room
Pagkatapos kong ilagay lahat ng gagamitin ko sa mga class ko ngayon sa bag, naligo na ako at nag-ayos para pumasok na sa Eskwelahan.
Nang matapos na ako mag-ayos, lumabas na ako ng aking kwarto at bumaba para umalis na. Nang palabas na ako, napahinto ako ng tawagin ako ni Kuya Hiro.
"Ano 'yun Kuya?" tanong ko.
"Pumunta rito kagabi yung kaibigan mo si Levi, hinahanap ka pero sabi ko wala ka pa rito." ngumisi si Kuya. "Iba nung mukha kahapon, parang may nangyaring masama, ano ginagawa nu'n dito?"
May nangyari ba? "Kuya naman, dapat tinawag mo ako kagabi nang napuntahan ko yung tao! Baka may nangyari du'n, ako lang naman takbuhan noon." kasama na rin si Cydney. Pero galing siya kay Cydney hindi ba?
"Bakit? Mayroon bang namamagitan sa inyong dalawa nun? Bakit alalang-alala ka?" madilim ang mata na tinignan ako ni Kuya.
"Syempre kaibigan ko 'yun! Mamaya may papasabi lang pero ikaw naman 'tong masyadong walang puso," irap ko. "Sige na, alis na ko." sabi ko at patakbong nilabas ang gate namin at pumara ng jeep para papuntang University.
Nang nasa Univesity na ako, pinuntahan ko si Levi sa building niya at hinanap siya.
Napatigil ako ng maisip na galit ako sa kanya. Bakit ko siya hinahanap? Baka hindi naman importante nung sasabihin niya.
Nagkibit ako ng balikat at aalis na sana ng mahagip ng tingin ko si Levi na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Kumunot ang noo ko at lalapitan sana ito ng pigilan ng pride.
Sandali akong napaisip bago umiling at pinuntahan ang direksyon niya.
"Levi," tawag ko.
Pagod na bumaba ang tingin nito sa akin. "Hmm?"
"Pumunta ka raw sa bahay kagabi? Bakit?" kunwari pa-cool kong aniya.
"Ah wala," umiling ito at mahinang tumawa. "Saka nga pala, wala ka pa raw kagabi? E anong oras na, sa'n ka nagpunta?" tanong nito.
Tinignan ko lang siya.
"Galit ka pa ba?" kibit nito ng balita. "Sorry, nagmadali lang ako kahapon. May nangyari kasi kayla Cydney, nag-alala ako."
Nanglaki ang mata ko at nag-alala rin. Kahit naman selos ako kay Cydney, tinuring ko na rin siyang kaibigan, at alam kong maalagaan niya si Levi kaya okay na ako roon.
"Ano nangyari?" kuryoso at nag-aalala kong tanong.
"Bigla na raw nanakit ang tyan niya pag-uwi galing sa pinuntahan niya at hindi niya alam kung bakit kaya tinext niya ako nung kumakain tayo," napayuko si Levi. "Kaya namadali kita, sorry."
"Oh, eh, nasaan si Cydney? Okay na ba siya?" tanong ko.
"Hindi pa, dinala ko siya sa Ospital kagabi kasama ng Nanay niya." sabi ni Levi, mukhang nag-alala.
"Gusto kong puntahan, saan ba?"
Kumunot ang noo ni Levi at ngumisi. "Bago 'yon ah?"
"S'yempre mag-aalala ako, siya ang mag-aalaga sa bestfriend ko kaya bawal pa siyang mawala." biro ko na ako lang ang tumawa.
"Pumasok ka na nga sa class mo," nakasimangot si Levi. Nagkibit balikat lang ako.
"Basta okay ka lang ah? Text mo 'ko mamaya, sabay tayo lunch tska ng pag-uwi para mabisita natin si Cyndey."
Umalis na ako sa building nila Levi at pumasok na para sa first class ko.
Umupo ako sa tabi ng upuan ng kaibigan kong si Jacky. Kumunot ang noo ko nang makita ko siyang nakakalokong nakangiti sa akin. Mamaya, tumawa ito at parang tangang hinampas ako.