Chapter 18: Sober
I woke up with a loud voice shouting inside the room.
"Manahimik ka nga Jacky! Ang ingay mo!"
"Gaga, sinusubukan ko lang baka kasi 'di gumising kaibigan ko, ayaw ko pa naman sa'yo, bleh."
I groaned and forced myself to open my eyes.
Tumingin ako sa gilid ko para tignan kung sino ang mga taong maiingay na gumising sa akin mula sa mahimbing na pag-tulog.
"Gising na si Hera!" Hailey looked so shock like she saw a miracle.
"Hindi ba, sabi ko sa'yo eh!" sabi naman ni Jacky habang naka-tingin pa rin kay Hailey. "Weh?! A-ano?" biglang lumipat sa akin ang tingin ni Jacky. Nang makita niya ang masama kong tingin, ngumisi siya sa akin at tumango-tango.
"Effective, ano?" malakas na tumawa si Jacky.
I rolled my eyes at her then wandered my eyes inside the room to check if there's someone that I don't want to see right now.
"Wala si Jonas, pinauwi ni Tito." sagot ni Jacky.
Inirapan ko siya at sinubukang umupo dahil nangangalay na ako kakahiga. Agad naman akong nilapitan ni Hailey upang tulungan umupo, I smiled at her.
"Gatorade?" Jacky opened the mini fridge inside the room then took some cold beverage. She walked towards my direction then handed me the Gatorade.
Hailey opened the bottle for me before letting me drink the Gatorade. Nginitian ko silang lahat bago komportableng umupo sa hospital bed ko.
"Okay ka na, girl?"
"Oks na?"
Tumango ako sa dalawa at medyo hinilot ang parte ng aking batok.
"Saan sila Papa?" tanong ko kay Hailey na masama ang tingin kay Jacky. Hanggang ngayon kasi ay malaki ang ngisi ng labi ni Jacky, hindi mo alam kung natutuwa ba sa nangyari sa akin o hindi.
"Ah, umuwi muna. Pinauwi ng Kuya Hiro mo ang Papa mo, paano ba naman kasi, ayaw umuwi. Hindi naman kasi pwedeng matulog sa maliit na sofa dahil sasakit ang likod ng Papa mo,"
Tumango-tango ako at tumingin sa kawalan. Last na 'to, hinding hindi na ulit ako iinom.
Nag-kwentuhan muna kaming tatlo tungkol sa nangyari noong natutulog ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang sumunod na nangyari nang malaman ni Papa at Kuya Hiro ang mga kagagahan ko noong nakaraang gabi.
Halos isang araw din akong naka-tulog dahil binawi ng katawan ko ang pagod at sakit na naramdaman ko. Pinayuhan din kasi ako ng Doctor na magpa-hinga ng matagal upang agad gumaling at ma-discharge ng Ospital.
Nang nalaman daw nila Hailey ang nangyari sa akin, agad silang tumungo sa Hospital at naabutan na nagu-usap ng masinsinan ang tatlong mga lalaki. Sa sobrang kaba raw ni Jacky dahil mukha raw na ready na suntukin ni Papa sa mukha si Jonas, umepal daw siya sa gitna ng dalawa kahit walang ka-siguruduhang desisyon.
Napa-hiya raw si Jacky. I can't help but to laugh because of her craziness. Iyon siguro ang oras na natulog ako dahil sa kahihiyan na naramdaman, e dahil tulog ako, mabilis rin silang umuwi dahil wala naman silang mapapala sa akin.
Ngayon lang sila dumalaw ulit dahil isang araw na ang lumipas. Kaya ang unang ginawa ni Jacky ay mag-ingay sa loob ng kwarto dahil umalis silang natutulog ako at bumalik sila na mahimbing pa rin ang tulog ko.
"Sino tumatawag?" sinilip ni Jacky ang cellphone ni Hailey ngunit mabilis na naiwas ni Hailey ang screen niya. Kumunot ang noo ko dahil doon.
"Boyfriend?"
BINABASA MO ANG
Untamed Hera
Roman pour Adolescentscan you tame a woman whoʼs been hurt a million times?