Chapter 15: Guilty
"Sure na 'yan?" tanong ni Jacky pagka-tapos umupo sa sofa para tumabi sa akin. "Aalis ka na talaga?"
Nang mas lumapit sa akin si Jacky, irita ko siyang inusod papalayo dahil nagugulo ang lesson plan na inaayos ko.
Nandito kaming apat ni Levi, Jonas, Jacky sa condo ni Hailey para tumambay. Bukas na kasi aalis si Levi para sundan ang babaeng matagal na niyang gustong balikan.
Wondering who's Hailey, she's one of Jacky's childhood friend. We don't really hang out that much in our college days because she's busy with her private life. Halos ngayong taon lang kami naging ganito ka-close sa isa't isa.
Ngayong gabi, halos maya-maya akong inaasar ng mga tao rito sa condo tungkol sa nararamdaman ko dati kay Levi. It's just weird because Jonas is really quiet this night. Ang wirdo lang kasi mas close pa si Jonas kay Hailey at Jacky keysa sa akin.
Pero ngayong gabi, iba. Ang tahimik ni Jonas na para bang may malaki itong problema na kanina pa siya binabagabag.
Nang maligpit ang lesson plans na inayos ko, sinave ko na ang documents na ginawa ko sa aking laptop bago iyon shinut-down at binalik sa black bag pack ko.
Sumandal ako sa sandalan ng sofa at humanap ng komportableng posisyon bago bumuntong-hininga. "Tapos na rin,"
"Wow, sana all tapos na sa feeling nila sa-"
Sinamaan ko ng tingin si Hailey na malaki ang ngisi sa akin habang hawak ang isang can-beer.
Tumawa lang si Hailey sa akin bago tumungo kay Jonas na busy sa pag-hawak ng cellphone nito. Naka-kunot ang noo nito habang masama ang tingin sa screen ng telepeno nito.
Bigla tuloy akong na-curious sa laman ng screen na tinitignan niya.
I don't know... But I feel jealous because of... Hailey. Dahil kaya niyang sumilip sa screen ng cellphone ni Jonas na walang ibang naiisip o binibigyan ng ibang kahulugan. Kagaya na lang ng nangyayari ngayon sa harap ko. Pinigilan ko ang sarili ko sa pag-tayo at kinalma ang pakiramdam ko.
Ugh, I hate myself for glaring at the both of them. Like they did something terrible. Like they betrayed me. Which they never did.
Pinilig ko na lang ang aking ulo bago sumandal ulit sa sofa at kumuha ng isang canned beer at nilagok iyon. Tinignan ko si Jacky na busy na rin ngayon sa kanyang cellphone. Umirap na lang ako bago binuksan ang TV at nag-hanap ng channels na may matinong palabas.
Nang malunod na ako sa senaryo ng pinapanood ko, naramdaman ko ang kabilang side ng sofa sa tabi ko na lumubog. I glared at it because I know who's the owner of the perfume I just smelled.
"Hmm?" sabi ko at umusod ng kakaunti papalayo sa kanya bago binalik ang tingin sa TV.
"Busy?" Jonas said. He yawned and leaned his back on the sofa then looked at me with his sleepy eyes.
It's already 12AM. Wala pang may balak umuwi sa aming apat. Si Jacky kasi ay may pinapanood na sa cellphone nito habang nakasaksak sa tenga nito ang isang earphone. Habang si Levi naman ay busy rin sa cellphone nito, ang isa pa nitong kamay ay may hawak ng isang canned-beer habang umiiyak mag-isa. Sanay na kami sa senaryong 'to dahil walang araw na mag-kasama kaming lima na hindi umiiyak si Levi habang may tintignan sa cellphone nito.
"Mm," I nodded while my whole attention is focused on the TV.
"Are you not sleepy yet?" tinignan ko si Jacky na naka-ngisi sa akin habang hawak-hawak ang cellphone nito. Kinunotan ko siya ng noo at tinaasan ng kilay. She just shook her head while hiding a smirk.