Chapter 16: Drunk
After that confession, mas lalo na akong na-awkward kapag magkatabi or mag-kasama kami ni Jonas. I feel guilty, he gave so many signs and I chose to ignore it.
Nakaka-takot naman kasi talagang umasa. Katulad na lang ng nangyari sa akin nung si Levi pa. I admit it, babae lang naman ako. Madaling mahulog. Imagine? 3 years, halos sa buong tatlong taon na 'yon, laging nand'yan sa tabi ko si Jonas. Hindi naman siguro kasalanan na magka-gusto ka sa taong laging nasa tabi mo kapag kailangan mo hindi ba?
And that time... Wala eh. Walang signs na binibigay. Ako lang talaga. Ako lang yung nakaramdam no'n sa aming dalawa.
A loud music welcomed us. Naramdaman ko naman ang pag-hawak ni Jonas sa bewang ko. Tinapik ko iyon pero hindi niya inalis. Sinubukan ko siyang iwasan, ewan ko kung nararamdaman niya iyon. Kung ano man ang pinag-usapan naming dalawa ni Levi nung gabing 'yon, sa aming dalawa na lang 'yun.
"Baka maligaw ka, tska maraming tao." he whispered to me. Halos mapapikit ako nang maramdaman ko ang mainit na hininga niya sa aking batok.
"Malaki na ako, kaya ko na. Sundan na lang kita," sabi ko at kumawala. I'll try my best to avoid him. Sana lang ay hindi niya mapansin, hindi niya kasi ako titigilan sa pag-tatanong. Hanggang sa 'di ko na lang mamamalayan na nadulas na ako at nalaman niya na ang totoong dahilan kung bakit ko siya iniiwasan. Wala naman siyang nagawa at sumiksik na sa alon ng mga tao.
Sumunod ako kay Jonas na nauna ng mag-lakad sa akin. Umakyat kaming dalawa sa second floor ng Club then pumasok sa isang pribadong kwarto. Nang pag-pasok namin, nadatnan naming dalawa ang apat na lalaki na may mga isa-isang babae sa mga braso.
Nang marinig ang pag-bukas ng pinto, agad-agad tumingin ang apat sa gawi naming dalawa ni Jonas.
"Bakit ang ga-gwapo?" bulong ko. Trying to act cool. Pero seryoso, bakit ang ga-gwapo ng mga kaibigan ni Jonas? Saang lupalop nanggaling 'tong mga 'to at ang gaganda ng lahi?
"Huh? Mas gwapo pa sa'kin?" he looked at me with a smirk on his lips.
S'yempre mas gwapo ka. Sagot ng kabilang side ng isip ko.
Sinimangutan ko siya at inilingan. Doon tayo sa mas safe na option.
He chuckled before pinching my cheeks. Mabuti na lang at madilim dahil kung hindi, makikita niya ang pamumula ng pisnge ko!
"Joji! Nandito ka na pala?!"
"Oh, kayo na ni Hera?!" singit ng isang lalaki na may ka-akbay na isang babae.
I tried to act like I was ready to vomit just not to look too obvious. Jonas shrugged then guided me to one of vacant couches, eto ba yung party? Pero bakit parang tatahimik naman nilang walo? Ang expected ko, maingay na paligid, magulo. Wild. Pero iba ang nakikita ko. They're all calm.
"Under 'yan. " bulong ni Jonas na para bang narinig niya ang laman ng isip ko.
"Come on, I'll introduce you to my friends."
I sighed before standing beside him.
"Hera, this is Bullet," tinuro ni Jonas ang isang lalaki na malaki ang ngisi sa akin. Awkward akong ngumiti sa kanya.
"Then this is Zero..." tinuro niya ang isang lalaking na tahimik habang pinaglalaruan ang buhok ng babae sa bisig niya. Tumango lang siya sa akin so I nodded at him too.
Nang matapos niya ituro sa akin lahat ng mga kaibigan niya, tinanguan niya ako at ginaya paupo sa isang bakanteng upuan. Nang maka-upo ako, he gave me a small smile before sitting in one vacant couch in front of me.