Chapter 13: Dating
Nakakatawa, parang kahapon lang, stress na stress kami nila Jacky kakaisip kung paano ba ma-survive ang 4 years ng College. Now, we are finally here, me and Jacky both passed our Board Exam and became a teacher.
3 years later, parang kahapon lang, naii-stress ako dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko. Hanggang sa nag-decide na lang akong maging Elementary Teacher since I love children.
And update, unting-unti na akong nakaka-usad. Well I still like Levi, like this little? Can you imagine it? So little... but! That feeling is still visible so.
And another update...
Nevermind.
"Ma'am Santos!" I heard one of my student call me. I looked at Jesse with a little smile plastered on my face.
"Bakit?" I went to him and helped him with something he told me to do.
I'm teaching toddlers. Kindergarten, actually. Pinili ko ang maging teacher ng kinder because I feel like I can control them more than anyone. Pero akala ko lang pala 'yun, nang unang araw ko kasi. Hindi ko kinayanan ang dami ng mga batang umiiyak dahil ayaw pang pumasok ng eskwelahan. Yung kinwento ko nga 'yun kay Jonas, tawa 'yun ng tawa, napikon nga ako sa kanya kaya nang sumunod na araw, pinasunod ko siya sa eskwelahan at siya ang pinagbantay ko sa mga bagong estudyante ko dahil pinatawag ako ng Principal sa faculty room.
Pero ngayong taon, halos nasanay na ako sa estudyante na umiiyak sa first day of school. Sa mga estudyante na kailangan ay nasa labas pa ng kwarto nila ang kanilang mga magulang.
Speaking of crying, napalingon ako sa bandang dulo ng klase nang marinig ko ang iyak ng isang bata. Patakbo akong pumunta sa gawing roon at nadatnan kong si Sam na umiiyak. I went to her and immediately wiped her tears.
"What's wrong, Sam?" I ask at her.
"My," she sobbed. "My stomach hurts," then she cried again. "Mommy, help..."
I hugged her and helped her to stand. Binuhat ko siya at inupo muna sa upuan ko. Then I asked her if she ate breakfast before going to School and asked her how does her stomach-ache feels.
Nang sinagot ako ni Sam, I immediately called her Mommy to pick her up as soon as she can kasi hindi na raw kaya ni Sam.
Habang nag-hihintay, nagpaalam muna ako sa mga student ko na dadalhin lang si Sam sa clinic bago ko binuhat si Sam sa aking braso at dinala siya sa clinic ng School.
"Nurse Kelsey, take care of Sam, okay?" I told Nurse Kelsey bago bumalik sa room ko. Nang maka-balik sa kwarto, nakita ko ang mga chikitings na agad-agad bumalik bumalik sa kani-kanilang upuan at nagsi-tahimik. Yung iba ay tumatawa pa. I can't help but to smile.
Maya-maya, dumaan ang Mommy ni Sam sa classroom ko and I told her na nasa Clinic si Sam. Tumango ang Mommy ni Sam sa akin bago ito tumungo sa Clinic ng School para puntahan si Sam.
Nang pumatak ang alas-diez ng umaga, nag-simula na akong mag-ligpit ng mga gamit ko sa aking lamesa.
"Okay, class, who will lead the prayer?" tanong ko sa mga student ko nang maayos ko na ang mga gamit ko.
I picked one and let my student do their thing. Nang matapos sila sa pagda-dasal, pinapila ko na sila isa-isa bago hinatid sa naghihintay na kanilang mga magulang. Nag-good bye silang lahat sa akin bago pumunta sa kani-kanilang mga magulang.
Nang na-sigurado na na naka-uwi na silang lahat, bumalik na ako sa room ko bago nagsimulang iligpit ang mga kalat ng estudyante ko para makauwi na rin ako.