Chapter 6

142 8 1
                                    

Chapter 6: Clear

Nagkunwari akong walang nakita at nilapag ang tray namin ni Jonas sa table namin. Malaki ang ngiti nito sa labi. I can't help but to smile a little dahil nakakahawa ang ngiti niya kahit alam kong mayroong tao sa gilid ko.

Nagsimula na kaming kumain and I can't help na tumingin sa gawi ni Levi. Nakita kong busy pa rin siya sa pakikipag-tawanan niya sa babae. Hindi ako napapansin.

Kinakausap ako ni Jonas at puro tango lang ang sagot ko. Naramdaman kong may nakatingin sa akin at napalingon ako sa gawi nila Levi.

Bigla itong napaiwas ng tingin at kinausap ulit yung babae.

"Hoy, kanina ka pa tingin ng tingin doon," suway ni Jonas. Napantingin ako sa kanya at ngumiti lang bago kumain ulit.

"Sino ba 'yun? Kanina pa tingin ng tingin sa'yo?" tanong ni Jonas. Sandali itong napahinto at nagisip-isip. "Oh! siya ba yung kaibigan mo na kasama mo nung nagkita tayo sa mall?" sagap nito ng chismis.

Tumango ako at sumubo ng Sundae.

"Wait... Siya ba nung gusto mo?" lingon nito kay Levi. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil baka marinig siya ni Levi. "Pero parang may girlfriend, aray naman."

That's why I hate being a like this. Iisa lang naman purpose at perks noon e, nand'yan ka kapag kailangan ka nila, at habang wala silang idea sa nararamdaman mo. Pero, perks ba 'yun?

"Gusto mo i-reto kita sa iba? I know someone," ngisi ni Jonas. Umiling ako. I don't think I am ready for that one.

Tumango siya at nagsimulang kumain ulit. Pero hindi nakatiis at nagtanong ulit, dahil makulit, sinabi ko sa kanyang hindi kami okay ni Levi.

Isang linggo ulit ang lumipas pero hindi pa rin nagpaparamdam si Levi. Nagsisimula na akong mairita kaya minessage ko siya.

Me:
Levi, stop being like this. Dalawang linggo na ang lumipas! Hindi ako sanay na hindi mo ako kinakausap at pinapansin! Let's make things clear!

4 hours later, he replied.

Levi:
Okay then, exact spot where we last talk. 2PM.

Napabuntong hininga ako at pinanuod ang oras na pumatak ng 2PM, nagpaalam ako ay Jacky na may pupuntahan lang saglit.

Pumunta ako sa lugar kung saan kami huling nagkita, nakita kong nag-aabang na siya.

I sighed. "Let's make things clear," I faked a cough. "Why are you confused?"

He sighed too before answering me. "Sorry for saying those things. I don't want that to affect our friendship."

Friendship. Shit.

"I am sorry, I am just confused because I feel guilty that everytime, when I am suffering, you're always there. But when you are suffering a lot, I always have excuse to leave you suffering alone." he faked a laugh.

He finally realized. But, did he realize my feelings for him?

"Now, Gusto kong bumawi sa'yo. I am sorry if nagtagal pa ng dalawang linggo yung pag-iwas ko sa'yo dahil kailangan ko munang magisip-isip." ngiti ni Levi. Nakahinga ako ng maluwag.

To be fool and continue being like this exhausting bitch.

"Then, how about the girl?" I said talking about his new girl.

Napa-tango si Levi. "Nireto lang siya sa akin ni David, she seems okay though, so I tried."

Wow, haha.

Ang sakit. Bakit ba ang manhid niya?

"Ah, so you already moved-on about... Cydney?" tanong ko. Muntikan na akong mapapikit dahil nabanggit ko ang pangalan ng hindi dapat banggitin. Pero nagtakha ako ng umu-oo si Levi.

"Not that really, but I get better everyday, thanks to you. I finally realized that I should forget about her and start a new chapter." he proudly said.

I smiled. "Welcome," tawa ko ng kaunti.

"Babawi na ako ah? Sorry ulit." he looks concerned. I nodded and smiled at him.

Even though my heart keeps breaking.

Untamed HeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon