Chapter 7

131 9 0
                                    

Chapter 7: Courier Service

Jonas:
Uy bestfriend, miss na kita.

Me:
ulol di kita kiss

Nanlaki ang mata ko sa nasend ko kay Jonas! Shit!

Pero jnfairness, gusto nga talaga kong maging friend ni Jonas. Ewan ko lang doon kung ano sumapi doon at ako ang pinupuntirya.

Me:
miss*

Jonas:
Kiss mo ko? Mwah.

Me:
. /.

Jonas:
hoy mag Mwah too ka.

Jonas:
pero nabasa mo na ba lahat ng libro na nabili ko? Basahin mo yun at nako, nakakaiyak nung resibong binigay sakin nung cashier.

Me:
Kaya nga gusto kong isoli diba?

Jonas:
sosoli mo pa e nabayaran ko na, may saltik ka ba?

"Hera, uy busy ka? Bakit?" nagulat ako ng biglang nagsalita si Levi. Napatingin ako sa kanya, kakatapos lang namin manood ng sine at bumawi talaga sa akin.

Kumakain kami ngayon sa isang Korean Restaurant, isang ramen at kimbap lang ang in-order ko dahil kaka-lunch ko lang.

"Ah wala, may ka-chat lang ako." tumawa ko.

"Bakit, lovelife?" tanong niya at naka-ngisi sa akin.

Nung lovelife ko nasa harap ko. Tanga naman neto.

Natawa ako dahil sa naisip. Bakit ba bigla kong na-good mood? Samantalang bad trip ako kanina.

"Lovelife nga? hahaha! Sana all!" tawa ni Levi. Sumimangot ako at kumain ulit.

"Weh, kumusta si Cassandra?" tanong ko. Tinutukoy ang name ng girlfriend niya.

"Si Cassie? Okay lang." kibit balikat ni Levi.

"Balak mo seryosohin?" tanong ko. Tinanong ko lang kasi ang bilis niya atang makamove-on kay Cydney.

"'Wag nga nating pag-usapan 'yun, lovelife mo muna." ngisi ni Levi.

"Wala akong lovelife noh!" tanggi ko kasi wala naman talaga. Buti sila meron.

"E sino yung ka-chat mo?" usisa niya. Kunwari ang hahablutin ang cellphone ko. Nilayo ko agad yun sa kaniya.

"Nung courier service ng Online Shop, bukas ko raw matatanggap order ko, excited na meh." pagsisinungaling ko na may kasamang hagikgik. Mukha namang naniwala si Levi at hindi na nakisosyo.

Nag-vibrate cp ko kaya tinignan ko 'yun. Si Jonas na naman.

Jonas:
labas tayo after class mo, tapos na class ko nun.

Me:
ok, saan?

Jonas:
sa puso mo :)

Napangiwi ako, kung pwede ko lang siyang sabunutan ngayon, kanina ko pa ginawa.

Me:
alam mo nakakagago ka kausap, wag na nga.

Jonas:
joke lang mamser, sa ice cream shop malapit sa University niyo, lagi ako dyan nakatambay

Me:
sige

Me:
bye

Jonas:
I love u too

Jonas:
advance ako magisip hehe

Me:
ISA KANG MALAKING KUTO

Hindi na siya nag-reply kaya mas lalong uminit ang ulo ko. Nangulit si Levi sa akin, at dahil nasira mood ko, siya napagbuntungan ko ng galit.

"Edi ako magbabayad, puro ka naman palibre." irap ko kay Levi dahil niloloko niya akong ako raw magbabayad ng bill namin.

"Eto naman, joke lang, sige na ako na magbabayad." nauna ng magbayad si Levi. Nilabas niya ang 1000 niyang buo bago binayad 'yun.

Tahimik akong napangiti.

"Saan mo naman next na pumunta, para quits na tayo," naglalakad na kami pauwi. Balak niyang sa weekend ulit dahil wala naman akong ganong plano ng weekend, at kailangan din naming magpalamig muna ng ulo dahil sa bitbit na stress ni Cydney sa'min nung nakaraan.

"Pakilala mo 'ko sa jowa mo, " sabi ko.

"Pakilala mo rin ako sa courier service mo," bara niya sa'kin. Inismiran ko lang siya at inirapan. Malakas itong tumawa.

Habang naglalakad pauwi, napadaan kami sa Pharmacy at nagulat ng makita ang isang tao na hindi dapat makita.

Nakita kong may kinuha na isang supot si Cydney at inabot ang bayad niya. Nang paalis na ito, saka lang namin nakita ng malinawan ang mukha niya dahil malapit lang kami. Buti na lang hindi niya napansin.

Mugto ang mata niya at pansin ko ring medyo tumaba siya.

Lumingon ako kay Levi na naghahalo ang dalawang ekspresyon sa mga mata nito habang naka-sunod ang tingin kay Cydney.

Inis at awa.

Untamed HeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon