Chapter 2: Galit
"Natapos mo ba nung research mo?" tanong ko kay Levi.
Akbay-akbay pa rin ako nito hanggang ngayon. Papunta kami ngayon sa isang fast-food chain para kumain ng tanghalian. Tinanong ko kasi siya kanina kung kumain na siya ng tanghalian at umiling naman ang loko.
Kahit na kumain naman na ako ng tanghalian, nagugutom ulit ako kaya magta-tanghalian ulit ako.
"Hindi pa, nainis kasi ako. Tagal-tagal na nung issue ko doon pero binabalik mo pa rin." pambi-bwisit na naman sa akin ni Levi.
"Iyon na nga, tagal-tagal na nun, naiinis ka pa rin." pambabara ko.
"'Wag na nga nating pag-usapan 'yun, masisira lang mood nating dalawa." tawa ni Levi. Tumawa rin ako at nag-hanap kami ng bakanteng upuan sa isang fast-food chain na pinasukan namin.
"Levi," tawag ko.
"Hmm?" taas ng tingin ni Levi sa akin. Nakaupo kami sa dalawahang upuan dahil eto na lang din masyado ang bakante at dalawa lang kami kaya anong point kung uupo kami sa pang-apatang upuan.
"Ikaw naman manlibre sa akin, nilibre kita nung nakaraan sa stall ng street foods. Ikaw naman ngayon," nakakaloko akong ngumisi.
Tumango si Levi at pasukong tumayo. "Ano gusto mo?"
Tumawa ako at mahinang pumalakpak. Umaktong nag-iisip. "Umm..."
"Fried chicken with Spaghetti, Sundae, Fries, And Big Mac." tumawa ako dahil sa dami.
"Iyon talaga? Ganon karami?" halos lumuwa ang mata ni Levi.
Nakangisi akong tumango.
"E halos bente pesos nga lang na kwek-kwek nilibre mo sa akin..." bulong nito.
Tumaas ang kilay ko. "May sinasabi ka?"
"Ah wala," iling nito at padabog na pumunta sa counter.
Naiiling akong tumawa at kinalkal ang bag ko.
Levi is really nice kaya hindi mo mapapansin na mahuhulog ka na. Alam ko rin na maraming may gusto kay Levi sa buong University kasi nga sobrang bait na nga ni Levi, pang-international pa ang gwapo, at galing sa mayaman na pamilya.
Beside that, Levi is so simple. Kung kumilos e parang walang arte sa katawan. Isa na rin 'yon sa nagustuhan ko sa kanya.
Kaso lang, manhid.
Naka-order na si Levi at halos kakabalik lang. Pagkalapag ng waiter ng pagkain, nagsimula akong kumain habang siya ay palihim na umiirap sa akin.
In-order niya lahat ng sinabi ko at halos burger at softdrinks lang ang sa kanya.
Nagtakha naman ako kaya tumayo ako para i-order siya ng kanin na may ulam. Um-order ako ng kanin na kumpleto na, sigurado naman akong mabubusog siya rito.
Pagkabayad ko, kinuha ko sa Claim Area ang in-order at bumalik sa upuan namin. Nilapag ko ang pagkain niya sa harap at napatingala siya.
"Sa'yo 'yan lahat?" tanong ni Levi.
"Gago, hindi. Sa'yo 'yan, baka wala ka ng pera dahil sa dami ng in-order mo sa akin. Kaya sa'yo na 'yan." saka umupo ako sa harap niya at kumain na.
"Crush mo 'ko?" ngisi ni Levi.
"Tumigil-tigil ka nga d'yan. Dami mong satsat, kumain ka na lang." tumawa ako at nagsimula kaming kumain.
Habang kumakain kami, napansin kong panay ang tingin ni Levi sa cellphone niya. Parang hindi mapakali. Umismid ako bago nagtanong.
"Okay ka lang? Kanina ka pa tingin-tingin sa cellphone mo?" sabi ko saka kumagat sa Big Mac ko. Halos paubos na ako sa pagkain na binili niya sa akin at halos 'di niya pa nakakalahati.
"Ah, wala." iling nito bago kumain ulit. Pero hindi pa rin ito tumigil kakatingin sa cellphone niya. Umirap ako bago tinapos ang pagkain ko at inabala rin ang sarili ko sa cellphone.
Binuksan ko ang Social Media ko at tinignan ang New Friend Request ko. Kumunot ang noo ko ng parang pamilyar ang pangalan na nasa Friend Request ko.
"Jonas Hills?" nagtatakha akong sumubo sa Sundae ko.
Nanlaki ang mata ko ng maalala ko kung sino iyon. Iyon nung lalaking nakatabi ko sa jeep at nakita ko sa mall kanina! Seryoso?!
Kinilig ako ng kaunti bago inistalk ang account niya. Parang kakagawa lang ng account nito kanina dahil halos walang laman ang timeline nito at ang Profile Picture nito ay isang simpleng selfie niya lang at kakachange lang nito 23 minutes ago. Seryoso?
Inaccept ko agad ito bago ulit pinatay ang cellphone ko. Pag-angat ng tingin ko, nakita kong nakatingin sa akin si Levi. Kumunot ang noo ko at nagtatakhang tinanong siya.
I wiped my mouth with a tissue and started to eat my sundae. Naalala ko na naman ang handkerchief na bigay sa akin ng isang lalaki nung nakita niya akong umiiyak dahil nasaktan ako ng nakita kong hinalikan ni Levi si Cydney sa harap ko. I know I'm not in the position, but I'm just a human, nagseselos lang ako.
I suddenly remember a man who gave me a handkerchief because of my stupid weak heart who cried bacause of another man. Hindi ko na ulit nakita ang lalaking iyon. Hindi ko rin alam kung ano itsura niya dahil basang basa ang mata ko ng luha noon ng nakita ko siya.
"Bakit?" tanong ko.
"Wala, tapos ka na bang kumain?" tanong nito.
Bumaba ang tingin ko sa pagkain ko at halos wala na 'kong pagkain bukod sa Sundae na nakalahati ko na. "Nung Sundae ko na lang."
Bigla itong tumayo at marahan akong hinila patayo. Mukhang galit ito. "Hayaan mo na 'yan, lika na, hatid na kita pauwi."
"Pero hindi ka pa tapos kumain!" sabi ko at tinapunan siya ng masamang tingin. Umiling ito bago hinila ako. Kinuha ko ang braso ko at binalikan ang mga pagkain bago tinawag ang isang staff.
"Kuya, pa-take-out nito," turo ko sa pagkain ni Levi na hindi pa niya talaga nakakalahati. Tumango ang staff bago kinuha ang pagkain ni Levi.
Maya-maya, bumalik ang staff na hawak-hawak ang iisang supot na pagkain. Kinuha ko ito at nag thank you bago naiinis na inabot sa kanya ang pagkain niya.
"Ubusin mo 'yan." umirap ako bago nauunang naglakad sa kanya. Lumabas kami ng mall at pumara na 'ko ng jeep na dadaanan ang bahay ko at bahay ni Levi.
Sumakay rin si Levi at tumabi sa tabi ko dahil halos puno na rin ang jeep at sa pwesto ko na lang masyadong bakante.
Kumuha ako ng bente sa wallet ko at ambang ibabayad yun ng naunahan ako ni Levi. "Dalawa po 'yan." abot ni Levi ng isang daan.
Umirap ako at hindi siya pinansin.
"Hera, bakit ka nagalit agad?" tanong ni Levi sa akin. Hindi ko siya pinansin kaya nanahimik na lang ito.
Nang malapit na ang jeep sa bahay namin, pumara na ako, ambang bababa rin si Levi pero pinigilan ko siya. "Sa susunod na binili kita ng pagkain, ubusin mo, at kapag kumakain ako, 'wag mo 'kong minamadali. Naiinis ako." banta ko sa kanya.
"P-pero..." bulong nito. "Pero pupunta ako kay Cydney." bulong ulit nito.
Malaki ang mata kong tumingin sa kanya bago biglang umiwas ng tingin at nagmamadaling bumaba. Nakakahiya! Ano ba ginagawa mo Hera?!
-
cassieza request mo. Enjoy :)