Chapter 19

138 8 0
                                    

Chapter 19: Tamed

"Now that I'm sober."

"So, what do you want to say?" Jonas said as he looked at me weirdly.

I'm gonna rid of this. Kung ano man ang naramdaman ko kanina nang pumasok siya, kakalimutan ko muna yun. Kakapalan ko na ang mukha ko.

Bahala na si Batman. Kung may sasabihin man siya o wala.

Kung ako lang ba talaga yung nakakaramdam nito.

"Naalala mo naman ang nangyari nung nakaraang gabi, hindi ba?"

Jonas nodded at me then raised his eyebrow. "I clearly remembered what happened that night. I didn't drink that night, I was watching you all along," then he sighed. "Hindi ko alam na mababa ang alcohol tolerance mo,"

Dahil sa sinabi niya, biglang namula ang aking pisnge. I tried to hide it but he already saw the redness of my cheeks. I saw him hide his smirk.

Aba! Baka abusuhin niya pa ang nararamdaman ko! Sapukin ko siya eh!

"But seriously, bakit mo tinakasan sila Bullet?" he asked me. "Are you okay? Wala ka na bang ibang nararamdaman?"

Wala na.

Sabi ko iiwas ako eh.

"Um, sabi ko naman sa'yo... I was drunk, uh, wala ako sa tamang huwisyo. And..."

"And?"

"I was hurt..." I admitted. Hindi ko tinignan ang reaksyon niya dahil natatakot akong malaman. Natatakot akong masaktan.

"You're hurt?" then he suddenly stood up then held my shoulder to check if there's something wrong with me. Umiling ako sa kanya at bahagya siyang tinulak papalayo. "Where? Gaano kasakit? Wait, I'll call your Doctor-"

"I was hurt, because of how you acted that night..." I whispered. Nang ma-realize na nasabi ko yun, mahina akong nag-dasal na sana ay hindi niya narinig ang sinabi ko.

Kunot ang noo na bumaba ang tingin niya sa akin. "Anong ginawa ko? I was about to get you a bottle of water, but you run away."

"Hindi nga kasi yun!" pikon na sabi ko.

Mukha naman siyang nagulat sa sinabi ko. I quickly chained my expression because I know, I'll scare him.

Last year kasi, pumunta siya sa bahay upang tumambay nang madatnan niya akong maiinit ang ulo. Red days ko noon at halos ayaw ko makita ang mga mukha ng mga lalaki sa buhay ko. Buong araw nga noon, iniwasan ako ni Papa at ni Kuya Hiro dahil nabubulyawan ko sila kahit wala naman silang ginagawa na masama. Nang araw na yun, may dalang pagkain si Jonas, yung pagkain lang ang kinuha ko sa kanya at pinalayas na siya sa bahay namin. Then after that, he texted me saying that he was really scared because of me. Nang ma-realize ang ginawa ko, nag-sorry agad ako at sinabing bad mood lang ako.

"A-are you on your period?" he asked, confused.

Mabilis akong umiling at sinamaan siya ng tingin. He quickly raised both of his arms then looked at me with worried face.

"Seryoso na nga!" pikon kong sabi nang ma-realize ko na inaasar niya lang talaga ako.

"Oo na ng, seryoso na po." He chuckled. "Yes, I get it. You like me, and I acted weird that night... It just, I was shocked."

Nagulat siya?

Bakit?

Oh right, I was denying my feelings all along.

"I was feeling the same thing, Hera." then he chuckled because of how serious he looks when he said that. "God, that was weird."

"Uhm, b-bakit ka ba nagulat?" I was confused because hell, I don't even know!

Untamed HeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon