Chapter 9

136 9 0
                                    

Chapter 9: Third Wheel

"Bakla, kayo na?" salubong agad sa akin ni Jacky ng nakita akong papasok na sa first subject namin.

Kinunotan ko siya ng noo. "Ano?"

"Yung boylet mo nung nakaraan na kausap mo sa mall! Si Pogi! Ano name niya?" chismosa talaga itong si Jacky. Halos lahat na lang ng impormasyon sa buhay ko e alam niya, well, alam ko rin naman halos lahat sa kaniya.

"Gaga, masyado kang ma-issue, kaibigan ko lang 'yun." tawa ko at pumasok na sa Room, nakita kong wala pa ang prof kahit medyo late kami ng 2 minutes.

Nagmamadali kaming umupo ni Jacky sa upuan na bakante.

"Kaibigan, ulol. Bakit ayaw mo doon?"

"Oo. Okay ka na? Manahimik ka na, may makaranig pa sa'yo." pagpapatahimik ko kay Jacky.

"Sus, 'di mo kalimutan si Levi. E para ngang walang paki sa'yo iyon-" natigil ito sa pagsasalita at umaktong nag-iisip. Wala namang isip.

"Right! Meron siyang paki sa'yo girl, pero as a friend." tumawa si Jacky na parang nang-aasar. Nilakihan ko siya ng mata.

Natahimik lang ang gaga ng dumating na ang prof na late ng 5 minutes.

Habang nagdi-discuss ang prof, napansin kong nagce-cellphone si Jacky sa ilalim ng lamesa. Bigla akong napangisi ng may masamang balak na naisip.

"Oy Jacky, ano 'yan cellphone?" kuryoso kong tanong. Sinigurado kong maririnig sa buong room.

Nanlaki ang mata ni Jacky at napatingin sa akin bago sa prof na natahimik ng marinig ang tanong ko.

"Ms. Gonzales, your phone." pumunta sa harap namin ang prof. Walang nagawa si Jacky kung hindi ibigay yoon sa prof. Prof raised her eyebrows and glared at Jacky.

Pinigilan ko ang tawa ko dahil sa katahimikan ng Room. Ginantihan ko lang siya, dati kasi, ka-chat ko nung dati kong kaklase nung High School na nagpa-plano ng reunion ng batch namin at dahil kailangan matapos 'yun, wala akong choice kung hindi tumulong sa pagpe-prepare dahil 'mabait ako', tapos sinumbong ako ni Jacky kaya kailangan ko pang mag-intay ng ilang araw bago makuha ang phone ko.

"I'll give it to you tomorrow. This is your last warning, 'pag nahuli pa kita, I'll let you say goodbye to your precious phone, Ms. Gonzales." tapos tumalikod sa'min nung prof dala-dala ang phone ni Jacky.

Para naman akong papatayin ni Jacky dahil sa tingin niya. Natawa ako at nag-peace sign. Napa-aray ako ng malakas niyang apakan ang paa ko sa ilalim ng mesa.

"Tangina mo rin, Hera 'no? Wala tuloy akong phone ngayon, ka-chat ko pa naman nung admirers ko." bwisit na sabi sa'kin ni Jacky. Wala kaming last subject dahil absent ang prof namin sa subject na iyon kaya maaga rin ang uwi namin. Nagbabalak tuloy kaming tumambay sa bahay nila.

"Wow! Haha! Admirers? Omg." kunwari gulat kong ekspresyon.

"Ayaw mo maniwala? Lika! Kunin mo phone ko kay Mrs. Fuentes ng maniwala ka!" nakasimangot pa rin na sigaw ni Jacky sa akin.

"Ulol, kunin mo mag-isa." tawa ko.

"Hi, girls!"

Napalingon kaming dalawa ni Jacky sa nasa likod namin na tumawag din ata sa aming dalawa ni Jacky.

Biglang napabawi ng lingon si Jacky sa harap at namula ang pisngi. "Sa'n kayo?" tanong ni David.

"Ah, sa bahay nila Jacky. Bakit?" tanong ko at pasimpleng tapik kay Jacky.

Tumingin si David kay Jacky bago lumingon sa akin. "Pwedeng sumama? I think I know Jacky's parents."

Malaki ang tingin ni Jacky kay David na para bang may nakaka-gulat na balita siyang nasagap. "D-do you know my parents?"

"Oo, Gonzales ka hindi ba? I know Mrs. Isabelle and Jordan Gonzales, they are your parents, right?" ngisi ni David kay Jacky.

Jusko, third wheel pa ata ako rito. Help. Where are you Levi my love?

Hoy, manahimik ka nga, may jowa nung tao. Hindi naman niya alam na patay na patay ka sa kanya. Pakikipag-usap ko sa sarili ko.

"A-ah, gusto mo pumunta?" tanong ni Jacky. Nakangiwi na rin.

"Nope, I'm just kidding, and I don't want to disturb you both. See you again, Jacqueline Ysabelle! " tapos lagpas sa amin ni David. Lumingon ulit ito kay Jacky at kinindatan ito.

Nanlaki ang mata ko at tinignan si Jacky na namumula ang pisnge.

Untamed HeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon