Chapter 8: More than friends
Nang nakita naming dalawa ni Levi si Cydney, tumahimik lang ako at hindi nagsalita. Nagkunwari na lang walang nakita. Alam kong seryoso nung relasyon ng dalawa kaya hindi ko alam kung naka move-on na ba talaga si Levi.
Bale, hahayaan ko muna si Levi at hindi siya pilitin na mag-open ng problema niya sa akin. Mago-open din naman siya kapag kaya niya na.
Pagtapos ng klase, nagpaalam si Jacky na may pupuntahan kaya hindi ko na kailangang gumawa ng excuse sa kanya. Dumiretso na ako sa Ice Cream Shop na tinutukoy ni Jonas.
Pagdating ko do'n, nakita ko agad si Jonas na nakangising nag-iintay sa akin. Mayroon kasing sumisimple ng landi sa kaniya sa tapat ng upuan niya na dapat ako ay nakaupo.
Umirap ako at hindi pinansin ang babae at umupo sa tabi niya. Napalingon sa gilid ang babae at nakakunot ang noo.
"Girlfriend mo?" lingon nung babae kay Jonas.
Natatawang tumango si Jonas. Lumaki ang mata ko at babarahin sana iyon ng biglang mag-salita ang babae.
"Swerte naman," hagikgik nung babae. Umirap ako. "Sorry, alis na 'ko, nung number ko ah." kumindat nung babae kay Jonas. Ngumiti lang si Jonas sa kaniya.
Nang pag-alis nung babae, tumayo ako sa upuan at malakas siyang binatukan.
"Aray naman! Sakit noon ah!" sapo-sapo ni Jonas ang ulo niya na binatukan ko.
"Malamang, sa'n ka makakakita ng batok na hindi masakit?" pamimilosopo ko.
"Psh, badtrip ka naman agad,"
"Paanong hindi badtrip, akala tuloy nung babae girlfriend mo 'ko!" ismid ko. Tumawa si Jonas at umiling.
"Papunta naman doon," he winked at me. I made a face.
"Isang lalaki lang ano, at hindi ikaw 'yon." irap ko.
"Ah nung may girlfriend," tango niya at ngisi.
"Atleast hindi nung malanding isa d'yan," bara ko ulit.
"Single naman ako. Parehas lang naman kami ni Levi, playboy din 'yun."
Oo, playboy si Levi. Kaya nagtatakha ako kung bakit tumagal silang dalawa ni Cydney e dati naman, nung hindi silang dalawa, napaka dami ng ex ni Levi, halos hindi mo mabibilang. Halos araw-araw, palit ng palit.
"Past na 'yun, nagseseryoso na siya 'no." ngiti ko.
"Okay," tango ni Jonas, natatawa ng kaunti. "Pero hindi sa'yo."
Hindi na ako nakapagtimpi at pumunta sa pwesto ni Jonas at doon piningot ang tenga niya. Impit siyang napa-aray.
"Sige na nga, sorry na po, hindi na mauulit." hingi ng tawad ni Jonas. Tumawa ako at binitawan siya. Kinuha ko sa bulsa niya ang wallet niya bago nilabas ang credit card na nilabas niya nung nakaraan.
"Oy ano gagawin mo d'yan?!" halos pasigaw na tanong ni Jonas.
"Bibili ako Ice Cream, ano code? Tska ano gusto mo?" taas ko ng kilay.
"Wow," pumalakpak siya. "Credit card mo 'yan?" tumawa eto pero nakakaasar.
"Saya niyo naman pong dalawa ng girlfriend niyo, sana all." tumawa nung nagse-serve na bakla dito sa Ice Cream Shop ng mapadaan sa'min.
"Hindi ko po boyfriend 'yan," inis na sabi ko.
"Pero narinig ko kanina, girlfriend ka raw ni Kuya Pogi," malanding anya ng bakla.
"Chismosa ka?" There's a hint of sarcasm in my voice. Napakamot naman ng batok ang bakla at umiling bago umalis sa sight namin.
"Grabe ka naman sa tao, kinakausap ka naman ng maayos," kunwari awang-awa na sabi ni Jonas.
"Ulol mo, peke mo naman erp." iling ko. "Anong code mo?"
Sinabi niya ang code niya at tumango ako at agad kong kinabisado 'yon.
"Ano gusto mo?" ulit ko sa tanong ko kanina.
"Ikaw," seryosong sabi nito. Maya-maya, tumawa. "Joke lang, Caramel na lang, nasa cup ah."
"Okay." sabi ko at umorder na ng sa'min.
Um-order ako ng Cookis N' Cream at Caramel na Ice Cream na nasa cup. Nilapag ko ito sa harap ni Jonas na seryoso na ang itsura. Umupo ulit ako sa harap niya.
We're silent and I feel like it's not normal.
"Oh, natapos mo na ba nung mga libro na binili ko sa'yo? Dami nu'n ah,"
"Tapos ko na 'yun lahat, binili ko lang." tumawa ako para asarin siya.
"T-tangina," pabulong na mura nito.
"Joke lang, s'yempre babasahin ko 'yun! Nung iba hindi ko pa nababasa. " I made everything clear, baka umiyak sa harap e.
"Best friend na kita 'di ba?" tanong niya.
"Oo nga, bakit ang kulit mo!"
"Pwedeng more than friends?" ngisi niya.
"Kung pwede ko lang tanungin 'yan kay Levi e." tawa ko.
"Levi na naman, wala naman siya dito e. Bakit ba puro siya?" parang naiiritang tanong nito.
"E ano naman?" taas ko ng kilay.
"Wala," iling niya. Tumango ako.
"Sige, uuwi na ako. Umuwi ka na rin, baka busy ka, makikipagkita ka pa." sabi ko at tayo na. Tumayo rin siya at sabay na kaming lumabas.
"Hatid kita sa inyo?" alok ni Jonas. Ngumiti ako at umiling.
"'Wag na, sige bye." sabi ko at tumalikod na para umalis.